42

8K 214 8
                                    

A/N: LONGEST CHAPTER SO FAR. Hindi na-edit. Pasensya na sa mga maling grammar at mga typo. ENJOY!


KING's POV

"Saan tayo pupunta?" Pagtatanong ni Snow ng ibaling ko sa ibang direksyon ang sasakyan ko.

"Somewhere." Sagot ko na lang. Hindi na siya nagtanong pa ulit bagkus ay itinuon na lamang niya ang kanyang atensyon sa labas.

Pasimple kong tinignan si Snow. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa ospital ay hindi ko mapigilang mapangiti.

She hugged me back, and that means that she also likes me.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Gusto niya rin ako. Nakakatuwa lang dahil akala ko talaga ay tatanggihan niya ako.

"Crazy." Napalingon ako sa kanya ng magsalita siya. Mataman siyang nakatingin sa akin. Sanay na ako sa ganyang mga tingin niya.

"Who? Me?" I questioned. She looked at me giving me an 'obviously ' look. Natawa na lang ako. "I just remember something baby." Sagot ko na lang habang natatawa pa rin. She pinched her nose when I called her 'baby' again.

Ayaw niya talaga sa mga ganito. Pero wala siyang magagawa. This is my other side.

Ganito talaga ako kapag sobrang saya ko.

"We're here." Itinigil ko ang sasakyan sa tapat ng sementeryo.

Magkasunod kaming bumaba at pagkababa namin ay agad kong hinawakan ang kamay niya. Marahan kong pinisil ito.

Pinag-aralan kong mabuti ang ekspresyon ni Snow. May hindi tama sa kanya. Saglit siyang natigilan at para bang natuod siya sa kinatatayuan niya dahil hindi manlang siya gumagalaw.

"Bibisitahin mo ang Dad mo?" Pagtatanong niya. Hindi ko alam pero parang hindi siya komportable na nandito kami. Medyo nanginginig kasi ang boses niya.

"Yeah, And someone who's special to me before." Sagot ko at saka siya inalalayan na makapasok. Mabagal ang mga paghakbang niya at para bang nagdadalawang isip pa siya kung tutuloy siya loob.

Kumunot ang noo ko at saka siya hinarap. Namumutla siya.

"Anong nangyayari? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim at saka tumango. "A-ayos lang." Nauutal na sagot niya. Tss. Sino bang niloko niya? Halata namang hindi siya okay. Tss.

"Halika na. Bumalik na tayo sa sasakyan. Sa ibang araw na lang tayo pumunta dito." Tatalikod na sana ako pero dahil nakahawak ang kamay ko sa kanya ay nahigit niya ako paharap ulit.

"A-ayos lang ako. Kaya ko." Saad niya at saka siya bumitaw sa kamay ko at nauna na siyang maglakad papasok doon. Noong makarating siya sa entrada ay agad niya akong nilingon.

"Guide me." She ordered kaya naman mabilis akong tumakbo palapit sa kanya. Hay. Hindi ko talaga minsan maintindihan itong si Snow.

Habang tinutunton namin ang daan papunta kay Dad ay pansin ko ang panlalamig ng kamay ni Snow. Ang weird talaga. Bakit ba parang takot na takot siya sa sementeryo?

Tumigil kami sa tapat ng isang museum. Binuksan ko ang gate at sabay kaming pumasok ni Snow sa loob.

"Your parents?" Pagtatanong ni Snow habang nakatingin sa pangalan ng mga magulang ko.
Tumango ako.

"Ulila na pala kayo nina Ixander." Umiling naman ako. "Nope. Ixander is still with her mom. Noong mamatay si mom, nakilala ni Dad si Tita Sandria, Ixander's mom. Naging malapit sila maybe because, they are both miserable that time. Tita Sandria said that her husband just died." Pagkukwento ko sa kanya. Tahimik lang si Snow. Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa pangalan ni Dad.

Snow FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon