62

5.6K 183 1
                                    


Hindi na-edit. Sorry for the grammatical errors.

****

SNOW's POV

"Ikaw ang pumatay kay Dad! You killed my father! You bitch! Pinatay mo ang ama namin ni King!" Nanatili lang akong nakatingin kay Kendra matapos niyang sabihin iyon. Galit na galit siya. Ngayon alam ko na, iyon siguro ang dahilan kung bakit kinuha niya sina Mom at Ice.

"Naaalala mo pa ba si Comrad? Iyong inutos ni Steven na patayin mo? Siya ang kauna-unahang target mo para sa taong' ito. Radiasco Alarquez a.k.a Comrad. Ang dealer ng matataas na kalibre ng  baril. Ang lalaking walang awa mong pinagbabaril" Pagkukwento ni Lucas.

Nawala ang pagkakakunot ng noo ko. Naaalala ko na ang lalaking iyon. Kaya pala pamilyar sa akin ang pangalan niya noon pa man. "Pinatay ko siya dahil ayaw niyang makipag-alegro kay Sir Steven. May depekto ang mga baril na ipinadala niya kay Sir at bukod roon ay nagtangka pa siyang patayin ito. Naglagay siya ng maliit na bomba sa atachi case na ipinadala niya kay Sir pero mabuti na lang at hindi sa sasakyan ni Sir Steven nakalagay ang atachi case. Sa madaling salita, pinatay ko siya dahil tuso siya" Mahabang paliwanag ko. Kitang-kita ko ang pagngitngit ni Kendra Alarquez habang matalim akong tinitignan.

"H'wag mo sabi akong hawakan!" Muling nabaling ang tingin ko kay Spike ng sumigaw siya. Kasalukuyan niyang itinutumba iyong dalawang lalaking katabi niya at ganoon na rin ang ginawa ni Nathan.

Mahigpit kong hinawakan ang dagger na nasa kamay ko.

"Ibigay mo sa akin ang kapatid at ina ko." Kalmado ngunit may pagbabanta sa boses ko.

Malamig kong tinignan si Lucas. Sa pagkakataong ito nagsisimula ng mabuhay ang halimaw sa loob ko.

Humakbang ako at muling hinila ni Lucas ang buhok ni Mom. Nakatayo si Mom at nasa likod niya si Lucas. Samantalang si Kendra Alarquez naman ay tinutukan rin ng baril ang kapatid kong si Ice.

Pilit umiiling si Kris at waring pinipigilan si Kendra pero matigas ito.

Mayamaya pa ay nagsimula ng humangin ng malakas. Hindi ko alam pero bigla akong natigilan dahil roon.

"They're here. Nandito na sila" Nakangising usal ni Vladimir De Silva. Sinenyasan niya ang dalawa niyang tauhan at ganoon na lang ang pagiging alerto ko ng makita kong maglabas ito ng mga baril pero labis ang pagtataka ko ng hindi nila itutok ang baril sa akin. Nakatutok ito sa grupo nila Lucas at dahil roon ay mabilis ring rumesponde ang mga tauhan niya at tinutukan rin nila ng baril ang dalawang tauhan ni Vladimir.

"Ibigay niyo sa amin ang mag-ina" Ma-awtoridad na saad ni Vladimir De Silva.

Kumunot ang noo ko. "Shut up old man! Tigilan mo na ang pamilya ko! Kulang pa ba ang ginawa mong pagpatay sa ama ko?!" Hindi ko mapigilang sigaw.

Imbis na samaan niya ako ng tingin ay umiling-iling siya at saka bahagyang natawa. "Itinuloy niya pala talaga iyong suhestyon niya? Tss. Tss. Tss.  Naisahan niya ako roon" Wala sa sariling saad nito.

"Teka Vladimir! Anong ibig sabihin nito?!" Biglang sigaw ni Lucas habang hawak pa rin si Mom.

"Ang ibig lang sabihin nito ay naisahan ka namin Lucas" Nabaling ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

S-sir Steven?

Nakatayo si Sir Steven sa may pinto at nasa likod niya sina Rio at Mikhail. May kasama rin silang dalawa pa. Isang babae at isang lalaki. Pamilyar sa akin ang babaeng kasama nila pero hindi ko matukoy kung sino iyong lalaking isa pa.

"A-anong ginagawa mo rito?!" Sigaw ni Lucas kay Sir Steven. Naglakad si Sir Steven at tumigil siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang balikat ko at saka sinabing, "I came here to save my daughter. Masama ba iyon?" Tanong niya habang malawak ang ngisi sa mukha.

Snow FrostWhere stories live. Discover now