KILLED. SAVED??

14.8K 459 29
                                    

Tahimik lang na nakamasid si Snow sa di kalayuan. Hindi nagtagal ay nakita rin niya ang taong sinadya niya.

"Totoo ngang dito pala siya nakatira" mahinang sabi ni Snow.

Nakita niyang pumasok na si Floribeth sa apartment na inuupahan nito. Napabuntong hininga si Snow.

Muli niyang tinignan ang mga papel na hawak hawak niya.

"After class, may part time siya sa isang restaurant bilang waitress at tuwing weekends naman ay nagpapart time din siya bilang isa namang dishwasher" basa ni Snow sa mga nakalap niyang impormasyon tungkol kay Floribeth.

Tumingin si Snow sa relos na suot niya.

"Hating-gabi na pala natatapos ang trabaho niya.." sabi ng dalaga habang tumatango-tango.

Nang makita niyang namatay na ang ilaw sa apartment nito ay nagpasya na siyang lisanin ang lugar.

*****

"Mauna na ako sa inyo" paalam ng babaeng iyon sa mga kaibigan niya.

Kumaway ang mga ito sa kanya. Tahimik na naglakad ang babaeng iyon palayo sa mga ito.

Habang tinatahak niya ang daan papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya ay ramdam niya ang pag-ikot ng paningin niya dahil sa dami ng alak na nainom niya.

Nang marating niya ang parking lot agad niyang hinanap sa bag na dala dala niya ang susi ng kanyang sasakyan.

Biglang humangin sa paligid at hindi niya maipaliwanag kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon ng katawan niya. Kinikilabutan siya.

"Kamusta ka na?" lalo siyang kinilabutan ng may magsalita sa likuran niya. Nakakatakot ang boses nito.

Ramdam niya ang isang matalim na bagay sa parteng tagiliran niya. Saglit niyang pinasadahan ng tingin ang bagay na iyon at halos manlaki ang mga mata niya ng makitang isa itong swiss knife.

"Si...no.. ka?" kinakabahang tanong niya dito.

Wala siyang narinig na tugon mula dito.

"A-nong.. ka..i..langan mo?" muling tanong niya.

"Kaya mo bang ibigay ang kahit na anong kailangan ko?" tanong nito sa kanya.

Agad siyang tumango. Ramdam na ramdam niya na unti unting dumidiin ang ang pagkakadampi ng swiss knife sa tagiliran niya. Marahan siyang napapikit sa hapdi noon.

"Ma..a..wa ka" pagmamakaawa niya sa taong iyon.

Ngunit imbis na maawa ito ay isang malademonyong tawa ang pinakawalan nito.

Mabilis ang tibok ng puso niya, pakiramdam niya ay isang maling galaw niya ay mawawala ang buhay niya.

"Awa?? Pasensya na pero wala ako noon" ani nito.

"Please... Anong kailangan mo? Ibibigay ko kahit na ano!" ani niya rito. Tumingin siya sa paligid upang maghanap ng pwedeng mahingan ng tulong ngunit wala. Wala siyang makita na kahit na sino sa parking lot.

"Paano kung sabihin kong buhay mo ang kailangan ko? Maibibigay mo ba?" tanong nito sa kanya.

Para siyang napako sa kinatatayuan niya ng marinig niya ang sinabi nito. Pakiramdam niya ay kasama niya si Kamatayan sa mga sandaling ito.

"A..nong.. sinabi mo?" nanginginig na tanong niya.

"Kailangan ko pa ba talagang ulitin ang sinabi ko na?" ani nito na para bang kinakausap ang sarili. Ramdam din niya na napatango ito. "Oh sige.. ang sabi ko.. Kailangan ko ang buhay mo." pag-uulit nito.

Snow FrostWhere stories live. Discover now