54

5.7K 163 6
                                    

Dedicated to @damageyan19. Sorry sa typo and grammatical errors. Hindi na-edit. Enjoy :)

***

Naiiling akong napatingin kay Ixander habang pinagmamasdan siyang matulog. Damn it!

Paano ko bang natitiis gawin ang mga bagay na ito? Tangina. Kapatid na ang turing ko sa batang ito pero ano itong nagawa ko?

"Master Kris, sa hideout ba natin siya dadalhin?" Nilingon ko si Uno ng magsalita siya.

"Hindi. Sa mansyon tayo didiretso. Uuwi ang young lady niyo kaya naman doon tayo tutuloy" Tanging sagot ko at saka tumingin sa labas.

Marahas akong napabuntong hininga at madaming pangyayari ang pumapasok sa isip ko.

Nang dahil sa kanya madami akong nagawa na hindi ko akalaing magagawa ko.

Trinaydor ko ang mga kaibigan ko para sa kanya.

Sinuway ko ang mga magulang ko para sa kanya.

Pinasok ko ang mafia para sa kanya.

I even killed his bastard husband para lang makuha siya.

At ngayon...

Hawak ko ang isang taong importante sa kaibigan ko at muli... dahil na naman sa kanya.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng mansyon at magkasunod kaming lumabas ni Uno. Lumapit ang ilan sa mga tauhan ko at isinakay nila si Ixander sa wheelchair.

Sinundan ko lamang sila ng tingin habang papasok sila sa loob. Tinignan ko si Uno ng mapansin kong nakatitig siya sa akin.

"Are you really sure about this? Nag-isip ka ba muna Kris bago mo ginawa ito?" Tanong niya. Hindi ko makuhang magsalita. Nang pasukin ko ang mundong ito, si Uno na ang palaging karamay ko. She's a friend. A loyal friend. Palagi siyang nasa tabi ko at siya ang sumasalo sa mga problema ko. Siya ang kanang kamay niya.

Siya ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niya. Sa kabila ng pagiging mabait niya sa akin ay labis na kuryosidad ang palaging pumapasok sa isip ko lalo na kapag kausap ko siya. Ang mga mata niya, ang hugis ng mukha niya. Ang mga kilos niya, tila ba napakamisteryosa ng mga ito. Sa tuwing kausap ko siya, tila ba may naaalala ako sa kanya. Mayroon siyang kamukha na hindi ko matukoy kung sino.

"May kapalit itong mga ginagawa mo Kris. I know that you're doing this because you love her, but put this in your mind Kris. Hindi porke't mahal mo siya, gagawin mo na lahat ng gusto niya. Matalino ka, gamitin mo ang isip mo at wag ito..." Itinuro niya ang dibdib ko "ang palaging paiiralin mo."

Ngayon, napaisip ako sa sinabi niya. Ito ang unang beses na kinuwestyon niya ang ginawa ko.

Nung patayin ko ang dating amo niya, wala akong narinig sa kanya. Siguro, ay dahil matagal na niyang alam ang tungkol sa pagbubuhat nito ng kamay sa kanyang young lady.

Nang tuluyan ko ng pasukin ang mafia, imbis na kutyain dahil sa pagiging gangster ko ay inalalayan niya ako.

Tinuruan niya ako kung paano patakbuhin ang organisasyon. Nakakatawang isipin na sunod-sunuran ako kay King pero pagdating sa mafia society ay kinatatakutan ako.

Alam kong kapag nalaman ito ni King ay kamumuhian niya ako. Sinong hindi di ba? Nangako kaming magkakaibigan na kahit anong mangyari ay hinding-hindi kami sasali sa isang mafia organization pero ako, ako ang unang sumira sa pangakong iyon.

"Sa tagal ng pagsubaybay ko sa inyong magkakaibigan, masasabi kong totoo silang dalawa sayo. Ang mga ipinapakita nila, lahat yon totoo. Kaya nga, nagtataka ako kung paanong natitiis mong gawin ang mga bagay na ito sa kanila. Kamamatay lang ni Ken, hindi ba't dapat ay magsama kayo ngayong dalawa ni King? Hindi ba't dapat ay sabay kayong magluksa sa pagkawala ng kaibigan niyo? Pero bakit, naririto ka at ginagawa ang mga bagay na lalong magpapahirap sa kalooban ng kaibigan mo? Hindi kita maintindihan Kris, ganun mo ba talaga siya kamahal para gawin mo ang mga bagay na ito?" Umiiling-iling niyang saad.  Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay nagsimula na siyang humakbang paalis sa harapan ko.

Snow FrostWhere stories live. Discover now