60

5.5K 164 4
                                    

Hindi na-edit. Sorry for the grammatical errors.

****

SNOW' POV

"I'm Snow Frost. A cold, heartless reaper." Matapos kong sabihin iyon ay naglakad na ako palayo sa kanya habang nagdadasal na sana ay wag niya akong sundan. But who am I kidding right? A part of me was wishing na sana ay sumunod siya sa akin at sabihin niyang, 'tanggap niya ako at ayos lang 'yon' kaya lang ay mukhang malabo iyon dahil hanggang sa sumara ang elevator ay walang King na sumunod.

Mapakla akong napangiti at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Napahawak na lang ako sa gilid ko dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay matutumba ako.

Pilit bumabalik sa isip ko ang itsura niya noong nagmamakaawa siya sa akin. Noong mga oras na sinabi niyang, mahal niya ako. How I wish I could say those words to him, but I can't.

I just can't.

I'm a heartless bitch indeed.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Mayroong parte sa akin ang gustong bumalik doon sa itaas at bawiin ang mga sinabi ko sa kanya.

Sinasabi ng konsensya ko na bumalik na lang ako sa tabi niya pero nananaig ang isip ko. Sinasabi nitong para ito sa kaligtasan niya...para sa aming dalawa. Para sa ikatatahimik ng mga buhay namin.

Mapakla akong napangiti. Ito na ba ang karma ko? But why the hell would karma hit me? Dahil ba ito sa dami ng mga taong napatay ko? Dahil ba ito sa dami ng buhay na sinira ko?   Dahil ba reaper ako?

Tumunog ang elevator at kahit nag-aalangan ay bumaba na ako. Nagdiretso ako sa sasakyan ko pero ilang hakbang pa lang ang layo ko rito ay tanaw ko na ang isang pigura ng taong nakasandal sa hood nito at wari bang hinihintay ako.

"Ang bilis namang natapos ng dramahan niyo roon" Sarkastikong sabi nito ng tuluyan akong tumigil sa harap niya.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto lang kitang kamustahin. Nalaman ko kasing miserableng-miserable na ang buhay mo ngayon" Nakalolokong sabi nito na ikinataas naman ng kilay ko. 

"Nagiging interesado ka yata ngayon sa akin Spike, sayang lang dahil the feeling is not mutual" Nakangisi kong sabi rito.

"Sige lang. Mangarap ka lang Frost. I came here to offer something" Blangko ko siyang tinignan. Wala akong balak na makipaglokohan sa kanya.

"Narinig ko ang nangyari sa ina at kapatid mo" Panimula niya. Saglit akong nagulat dahil sa pagtataka ngunit agad rin naman akong nakabawi. Sa itsura ng Spike Voucheire na ito hindi na nakapagtatakang napaimbestigahan na niya ako. Sa dami ng koneksyon ng kapatid niya hindi na ako magugulat kung maging ang nangyari noon sa pamilya ko ay alam na rin niya.

"According to my sources, tatlong Mafia organizations ang magkikita-kita mamaya para sa isang malaking transaksyon. Kapalit ng iyong ina at kapatid ay mga droga at malalakas na kalibre ng armas na nagkakahalaga ng isang bilyong piso. Alam kong susugod ka roon mamaya pero sa tantya ko ay hindi mo magagawang iligtas ang kapatid at ina mo lalo na't dadalawa lang kayo ni Nathan..." Mataman niya akong tinignan.

"Tatlo kami. We have Fhey Davis, ang numero unong assassin ng Briffin Organization" Pagtatama ko sa kanya at tumango-tango naman siya. "Kulang pa rin kayo" Aniya at saka napa-tss. "Kagaya ng sinabi ko kanina. I came here to offer something... isama niyo ako sa pagliligtas kay Ixander at Tita Sandria" Bahagya akong nagulat sa sinabi niya.

Why the hell would he help me to save my mom and my brother?

"At anong kapalit 'non?" Tanong ko.

Snow FrostWhere stories live. Discover now