SPECIAL CHAPTER :)

7.2K 143 5
                                    

A/N :



(Basahin niyo 'to! May reward kayo after. ♥♥♥)



OMYGHAD! WHAT IS THE DATE TODAY MGA REAPERS?! JUNE 13, 2015! ANONG MERON? Ha?! Anong meron? Hindi niyo alam?! K. Ganyan naman kasi kayo, wala kayong pakialam sa feelings ko. Ako na nga itong tagasulat niyo tapos ganyan pa kayo. Sige na. Tanggap ko naman. Isusumbong ko kayo kay babe Rio. Inaaway niyo ako. Tsaka kay King tapos kay Snow... ah basta! Sa lahat ng characters ko dito! Isusumbong ko kayo! Haha! Joke lang. Pisyow :)

So eto na nga, mga reapers ko! Ngayon po ang ika-isang taon na anibersayo ng SNOW FROST (A GANGSTER STORY). Opo, isang taon na ang nakalilipas simula ng magsimula akong isulat ang librong ito. Alam ko na kung ano agad naiisip niyo.

'Ang tamad naman ni author. One year na, simula ng magsimula siya pero hanggang ngayon hindi pa rin tapos.'

Yun 'no? Okay sorry po. Alam kong napakatamad ko. Pasensya na. Most of the times po kasi, pampalipas oras ko lang po ang pagsusulat.



May kaunting passion pero kahit ganun mga reapers! Mahal ko po ang pagsusulat dito. Hindi ko po pinagsisisihan na sinimulan ko 'to. And of course, kapag may sinimulan dapat tapusin di ba? Ganun rin naman ang gagawin ko.


Pero seryoso na talaga mga reapers. SALAMAT. Salamat sa patuloy na pagbabasa nito. Salamat sa patuloy na pagsuporta. Noong una, hindi ko talaga inakala na may magbabasa nito. Bonus pa iyong mga nag-add nito sa Reading List nila. Sa mga nagbo-vote. Sa ilang comments at sa mga nag'follow. Hindi ko alam kung paano kayo pasasalamatan. Isa po sa mga pangarap ko ay makilala ang mga nagbabasa nito. Gusto ko kayong makita. Gusto kong mapanuod ang reaksyon niyo habang binabasa niyo ito. Alam kong hindi ako magaling magpakilig. I mean, halata naman po!



Sa mga nagpi'pm po sa akin, maraming salamat din po. Isa po kayo sa aking inspirasyon kung bakit gumagawa ako ng paraan na talagang makapag-update. Hindi ko na kayo ime'mention dahil alam kong alam niyo na naman kung sino kayo. Sa mga simpleng 'Hi po miss author' niyo, talaga namang labis na galak ang aking nadarama. Korni na kung korni pero kayo mga reapers ko ang vitamins ko. Haha!

Ah basta! Gusto ko lang po magpasalamat. Kung di dahil sa inyo, wala si Snow. Sinabi ko kasi before na kapag walang nagbasa nito, hindi ko na itutuloy pero ngayon na lampas 50k na ang reads nito. Sobra pa po sa sobra ang katuwaan ko.



Kasi naman, nung mga 100 reads pa lang 'to, sobrang masaya na ako. Ngayon pa ba na umabot na ng lampas 50k? Alam kong hindi pa naman yon sobrang dami dahil yung iba million reads na pero kasi, iba pa rin sa pakiramdam. Achievement 'yon e. Kaya, kayo mga reapers ko kung gusto niyong magsulat, magsulat kayo... wag kayong matakot. Pasasaan ba at may papansin at tatakangkilik din ng gawa niyo. Basta tiwala lang at magtatagumpay kayo.

Oh siya, ang haba na. Ang daldal ko na. Kung umabot ka ng pagbabasa hanggang sa ika-666 words nito, sigurado akong aabot ka rin hanggang sa Final Chapter nito.

At oo nga pala, yung reward na sinasabi ko... Double update ako today! Hahaha! Iyern! Sabog ng granada! Dejoke lang. Hahaha! So ito na. ENJOY and I BANG BANG you all reapers :)

Snow FrostWhere stories live. Discover now