SPECIAL CHAPTER: Stubborn Snow

8.6K 193 6
                                    

#2YearsOfSnowFrost Yey! Actually, bukas pa talaga kaya lang walang kasiguruhan kung makakapag-online ako bukas kaya naman ngayon na lang. Hihi Happy 2nd anniversary mga reapers! Ito na 'yong special chapter. Haha! Happy reading.

                 -THREE YEARS AFTER-


FLORIBETH's POV

"Hey." Nag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

"Hey." Ganting bati ko. Naupo siya sa tabi ko at narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Anong problema mo?" Pagtatanong ko. Ibinaba ko ang librong binabasa ko at saka siya matamang tinignan.

"Wala naman. Madami lang inaayos sa kumpanya." Pagod na sagot niya. Hinawakan niya ang kamay ko at saka niya walang sabi-sabing inihilig ang ulo niya sa balikat ko.

"What are you doing boyfriend?" Natatawang sabi ko rito.

"Ssh. I miss this." Inaantok na sabi niya kaya naman napangiti ako. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan na lang siya. Isang linggo na rin simula ng hindi kami magkita dahil sa dami ng ginagawa niya sa kumpanya ni Sir Steven. Isang taon na rin kasi simula ng i-train siya nito para maging ganap na CEO ng isa sa mga kumpanyang pagmamay-ari ni Sir.

"Malapit na ang graduation natin. May speech ka na ba?" Tanong ko na lang at nakita ko namang bahagya niyang iminulat ang mga mata niya.

"Oh...wala pa. Nawala sa isip ko." Mahinang sagot niya at nailing na lang ako.

"Hindi mo na naman kailangan 'yon." Biro ko at nakita kong napangiti siya.

"Yeah. Hindi na nga." Mayabang na pagsang-ayon niya kaya naman mahina ko siyang hinampas.

"Yabang." Natatawang sabi ko.

"Gwapo naman." Ganti niya.

"Ang taas ng self confidence mo ngayon ah? Nahawahan ka na ni Rio." Wika ko at saka ginulo-gulo ang buhok niya.

"Tss. Hindi 'no! Di hamak naman na mas gwapo ako kay Kuya!" Depensa niya at tuluyan na niyang inalis ang pagkakahilig ng ulo niya sa balikat ko.

"Okay? Sabi mo eh." Pagsuko ko at saka muling kinuha ang libro ko at binuklat iyon. Mayamaya pa ay nagulat ako ng bigla niyang hablutin ang librong hawak ko.

"Ngayon lang tayo nagkita girlfriend tapos magbabasa ka lang ng libro? How sweet." Puno ng sarkasmong turan niya kaya naman napakunot ang noo ko.

"Pero araw-araw naman tayong nag-uusap Ice. Ang oa mo." Naiiling na pahayag ko. Totoo naman kasi. Sa nakalipas na isang linggo, wala siyang ibang ginawa kundi ang tawagan ako kapag may libreng oras siya. May mga pagkakataon nga na kahit nasa meeting siya ay tinatawagan niya ako. Kesyo, inaantok daw siya. Kesyo alam na naman daw niya ang sinasabi ng board. Ang yabang 'no? Ganon siguro talaga kapag genius.

"Date tayo?" Pagyayaya niya kaya naman napataas ang kilay ko.

"Date? Busy ka ngayon 'di ba?" Saad ko. Hindi naman sa ayaw ko siyang maka-date o ano. Ang akin lang, madami siyang ginagawa dahil malapit na niyang hawakan ang isa sa mga kumpanya ni si Sir Steven. Isa pa, sa tingin ko... hindi ito ang tamang oras para makipagdate siya sa akin. Naiintindihan kong gusto niya akong makasama, ako rin naman. Gusto ko dito lang siya sa tabi ko pero bukod sa relasyon naming ito mayroon pa rin kaming ibang priority.

Snow FrostOù les histoires vivent. Découvrez maintenant