Crazy monsters?

12.5K 384 21
                                    

SNOW POV

Naiwan akong nakasunod lang ng tingin sa lalaking iyon. Aware ako na hindi ko talaga kilala ang ilan sa mga kasamahan ko sa organisasyon dahil nga sanay ako na lumalakad mag-isa.

Pero ang labis na ipinagtataka ko ay bakit kailangan pang may nagbabantay sa akin? Tsaka, anong sinabi niya?? Ako? Poprotektahan niya? Kanino naman? Kung may dapat mang protektahan dito ay si Floribeth yun, dahil yun ang ipinunta namin dito.

Saglit akong napaisip sa sinabi niya.

"Kung ako sayo, pipiliin ko ang pagkakatiwalaan ko."

Anong ibig sabihin niya doon? Pagkakatiwalaan? Sa mga taong nakapaligid sa akin ngayon ay ni isa sa kanila ay wala naman akong pinagkakatiwalaan. Si Davis? I don't trust her either. Masyadong nakapagtataka ang ilan sa mga ikinikilos niya.. Ang K-3 Phantoms? Mas lalo akong walang tiwala sa kanila. Mabibilang sa mga daliri ko sa kamay ang mga taong pinagkakatiwalaan ko.

"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, lahat ito ay pawang palabas lang. Isa itong laro na inihanda nila para sayo."

Kung ano man ang ibig sabihin niya doon ay isa lang ang nasisiguro ko, someone is planning something for me. What a coward. Bakit ba hindi na lang sila magpakita at magpakilala ng matapos na ang lahat ng ito?

"Habang maaga pa ay lumayo ka na sa taong iyon. Mahirap na. Kapag nahulog ka sa patibong nila.. kawawa ka, pati na rin sila. Madadamay sila Snow..."

Sino namang lalayuan ko? Saglit akong nag-isip. Isang tao lang naman ang pinalalayuan ng taong iyon sa akin.

Si Alarquez..

Tama! Si Alarquez nga. Pero bakit? Anong kinalaman niya dito?

Aish! Kailangan kong makausap muli ang taong iyon! Masyado niyang pinagugulo ang isip ko. Pakiramdam ko ay mababaliw ako kakaisip ng ilang posibilidad tungkol sa mga sinabi niya.

Para akong nasa isang maze kung saan naghahanap ako ng pwedeng labasan.

Sa dami ng sinabi niya, may namumukod tanging nag-iwan ng isang malaking question mark sa akin.

Kung si Alarquez nga ang tinutukoy niyang taong kailangan kong layuan e, dapat kong malaman ang dahilan. Ano ang kinalaman niya rito? Kailangan kong mangalap ng ilang impormasyon tungkol kay Alarquez, that is the best way para masagot ang ilan sa mga katanungan ko...

And I should start finding information now,  about Alarquez and that Nathan San Diego.

KEN POV

"Kamusta? May nalaman ka bang kakaiba tungkol kanya?"tanong ko kay Detective Chen..

"Wala namang ibang kahina-hinala sa kanya, pero ang nakapagtataka lang ay mayroong lalaking sumusunod sa kanya." ani niya

Lalaki? Sino naman kaya iyon?

"Nakapagtataka lang na kung nasaan ang babaeng iyon ay kasunod niya ang lalaking iyon..."

Stalker? Stalker kaya siya ni Snow? Hmm. Maganda naman si Snow kaya hindi na nakapagtataka kung may bubuntot-buntot man sa kanya.

Kung si King nga, he is looking after her. Every move  she make, every step, King is always there. Minsan nga inisip ko kung nakamove-on na ba si King kay Ke---

"You're spacing." napabalik ang diwa ko ng magsalita si detective.

"Nasaan na nga tayo?" tanong ko sa kanya.

Napakamot siya ng ulo dahil sa tanong ko. "As I was saying..."

HER POV

Snow FrostWhere stories live. Discover now