Kabanata 11

2.9K 187 33
                                    

Kabanata 11.

NAGTULOY-TULOY ANG REVIEW session ko kasama si Janus hanggang sa sumapit ang araw ng exam. Gaya ng sinabi ng mga kaibigan ko, sinamahan nga nila ako. Pagdating sa university ay tumambad sa amin ang dagat ng tao. Halos magkahalikan na kami dahil sa sobrang gitgitan. Nang sa wakas ay makalusot kami at makapuwesto sa ilalim ng puno, nakita ko ang kulumpon ng mga kapuwa ko examinee hawak ang makapal nilang libro. Bigla akong kinabahan. Nabaling ang pansin ko kay Buknoy ng tapikin niya ako sa balikat.

"Kaya mo iyan, wilab. Baka nga maniin mo lang iyang exam na iyan e," aniya. Nag-okay sign ako at pinilit ang sarili na ngumisi.

Mayamaya ay pumagitna ang isang babaeng may hawak na megaphone. "Lahat po ng magte-take ng PUPCET, pumila po tayo nang maayos! Dalawang linya lang po! Dalawang linya!" Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko.

Habang naglalakad papunta sa main building, hile-hilerang mga ROTC students ang bumabati sa amin, kino-congratulate kami at sinasabing, "See you sa pasukan, mga future isko at iska!"

Sana talaga makapasok ako. Ito lang ang tanging bagay na lubos kong hihilingin. Sa room, sandali naming hinintay ang examiner bago nagsimula. Pagkaabot ng booklet, binigyan niya kami ng instruction. "Make sure na wala kayong maiiwan na walang sagot dahil machine ang magche-check ng mga paper ninyo. Kapag na-detect ni machine na wala kayong sagot sa isang number, doon na siya hihinto at ang mga sumunod ninyong sagot ay hindi na mabibilang." Edi hula na lang talaga kung sakali.

Pagkabasa sa unang tanong, nanlamig ang buong katawan ko at pumintig ang ulo kasabay ng paggapang ng kaba sa dibdib. Spelling ng mga English na unfamiliar words ang bumungad sa akin. Hindi ko iyon inaral. Umiling-iling ako, sinusubukang pakalmahin ang sarili. Hindi bale, meron pa namang mga susunod. Babalikan ko na lang ito mamaya.

Nilagpasan ko muna iyon at tinungo ang susunod na page pero wala pa rin. Hindi ko alam kung paano iyon sasagutan. Pamilyar ito. Sigurado akong naipaliwanag iyon ni Janus pero para bang bigla na lang nawala lahat ng inaral ko. Nabablangko ang isip ko at hindi ko alam kung paano pakakalmahin ang sarili ngayon. Umasa akong may Filipino o general information man lang pero wala kahit isa.

Natapos ang exam na inis ako sa sarili ko dahil sa kabila ng ilang buwang pag-aaral ay hindi ko kayang masabi na maipapasa ko ang entrance exam na ito. Parang nabale-wala lang iyong sakripisyo ni Janus para sa akin. Mas pinili niya ako kaysa sa part-time na pagtu-tutor pero ito ako at binigo siya. Gusto kong sapakin ang sarili ko.

"Kumusta ang exam, wilab?" salubong sa akin ni Buboy.

Dismayado akong umiling. "Malamang taob iyon."

Inakbayan nila ako. "Huwag kang ganiyan. Malay mo hindi." Hindi na ako sumagot.

Ilang buwan pagkatapos ng exam, lumabas na ang resulta. Dahil wala naman akong sariling cell phone at internet, nagrenta ako sa computer shop ni Mang Kokoy kasama ang mga kaibigan ko. Habang hinihintay na mag-load ang page, hindi na ako makahinga nang maayos. Ito na lang ang tanging inaasahan ko dahil meron ng resulta ang BULSU noon pang nakaraang araw at hindi kasama ang pangalan ko sa mga nakapasa. O kahit sa waiting list man lang.

Nang bumukas ang website at nakita ang mga dapat fill-up-an, nanginginig ang mga daliri kong dinutdot ang keyboard para iyon masagutan. Isang napaka-basic na information lang ang kailangan at malalaman ko na kung ano ang resulta. Buong pangalan ko lang. Iyon lang.

Name: Jackson

Middle Name: Esguerra

Last Name: Alonto

Nakapikit ang mga mata kong pinindot ang search. Sana pasado . . . Sana pasado . . . Please Lord . . .

"Lumabas na, Son," marahang sabi ni Buknoy.

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon