Kabanata 47

760 63 3
                                    

Kabanata 47.

UMUWI AKO SA AMIN para bisitahin ang pamilya ko pati na rin ang puntod ni mama at ni Buboy na magkalapit lang. Sayang at hindi ko nakasama si Buknoy dahil nasa trabaho pa. Habang nandoon ako, nagsasalita lang ako na para bang may kaharap ako. Hindi ko naman nararamdaman na para akong siraulo dahil naniniwala akong naririnig nila ako, wala lang silang kakayahang makasagot. Nabaling ang atensiyon ko sa gilid ng maramdaman kong may tumabi sa akin.

"Sorry, nagulat ba kita?" ani Patricia.

Mabilis kong nahamig ang sarili ko. "Mediyo." Bahagiya akong tumawa. Itatanong ko pa lang sana kung ano ang ginagawa niya rito pero naunahan niya ako ng sagot.

"Nabanggit sa akin ni ate na uuwi ka sa inyo . . ." aniya. "I know na sobrang hirap ng pinagdadaanan mo ngayon. First, ang mother mo . . . then, ngayon naman ang friend mo . . ." Hindi ako umimik. "Nagpunta lang ako for you to know na n-nandito lang ako . . . willing akong samahan ka if kailangan mo . . . ."

Matagal ko siyang tinitigan bago malawak ang ngiting humagikhik. Ibinuka ko ang mga braso ko. "Puwede ba?" Mukhang nakuha niya naman ang gusto kong iparating dahil niyakap niya ako. Nakapabanayad ng paghawak niya. Nawala ang ngiti ko at paiyak na ng marinig ko siyang humikbi. Umatras ang luha ko. "Ano ang problema?" marahan kong tanong.

"I'm so sorry, Jackson . . . Hindi ko lang kasi maisip kung bakit kailangan mong maranasan ang lahat ng ito. You don't deserve this . . . Nasasaktan ako na makitang nasasaktan ka . . . Nawala sa iyo ang mama mo . . . Nawala sa iyo ang friend mo . . . You don't deserve all the pain you're going through . . . ."

Malumanay akong ngumiti. "Pero patatatagin ako nito," sagot ko. Huminto siya sa pag-iyak at tumitig sa akin. "Minsan kailangan nating pagdaanan lahat ng masasakit na bagay para maging mas malakas tayo." Narinig ko ang pagsinghot niya. "At salamat dahil nandiyan ka . . . nandiyan kayo . . . Pinararamdam ninyo sa akin na hindi ako mag-isa kaya alam kong makakaalpas din ako rito."

Naluluha pa rin siya pero nakuha niya ng ngumiti. "I'm always here . . . We're always here . . . ."

Kapagkuwan ay tinanong ko sa kaniya ang isang bagay na gusto kong malaman. "Mahal mo pa ba ako? May nararamdaman ka pa ba para sa akin?"

Lumaki ang namumula niyang mga mata, halatang hindi inaasahan ang sinabi ko. Ilang minutong katahimikan ang dumaan bago siya marahan at nahihiyang tumango. "P-pero hindi naman ibig sabihin no'n na kailangan mo ring pilitin ang sarili mo na may maramdaman ulit na pagmamahal para sa akin," sabi niya. "I'm happy na kahit ganito lang tayo . . . casual na nakakapag-usap . . . I wish your happiness, Jackson . . . ."

Pagbalik ko sa bahay, kasama ko si Pat. Hindi nagulat si papa kaya mukhang alam niya na rin. Baka dito siya unang dumiretso bago sa akin. Tumulong si Patricia kay Jeremy sa pag-aayos sa kusina kaya kaming dalawa lang ni papa ang naiwan sa sala. Pinigilan namin siya pero mapilit siya na gusto niya raw makatulong sa amin habang nandito siya kaya pinagbigyan na namin.

"Umuusad na ang kaso ng kaibigan mo," ani papa.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?"

"Lumantad na si Reggie bilang testigo. Hindi na yata makayanan na manahimik na lang. Nandoon na siya ngayon sa witness protection program."

Bahagiya akong napangiti. "Mabuti naman po kung ganoon. Mabibigyan na rin ng katarungan ang pagkawala ni Buboy." Sana. Masaya ako na may tetestigo na pero may kulang pa rin e. Kahit makulong ang mga hayop na iyon, hindi na maibabalik ang nawalang buhay ng kaibigan ko.

* * *

Nagsimula ang exam week namin. Hiwa-hiwalay ang mga upuan at meron ding mga nasa labas. Bukod doon, bantay sarado rin kami ng prof na paikot-ikot para siguraduhin na walang makakapangopya at makapandaraya. Nakayuko lang ako at iniintindi ang sarili kong papel. Maraming tanong pero hindi naman ako masiyadong nahirapan dahil nakapag-review ako.

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon