Kabanata 21

2.1K 157 24
                                    

Kabanata 21.

LATE AKONG NAGISING. At dahil hindi tumatanggap ng late sa klase ang professor namin sa General Chemistry, ginawa ko ang pamoso kong technique—ang gumapang at ipaabot sa kaklase ang bag. Mabuti na nga lang at lab kami ngayon kaya siguradong hindi niya ako napansin dahil abala siya sa sa pagde-demonstrate ng activity namin. Habang pinagmamasdan siya, nagsimula na naman akong bulungan ng katamaran . . . at hindi ko talaga iyon malabanan.

Yumuko ako at pinabayaan ang sarili na matulog. Kung sana lang may katabi akong babatok sa akin gaya ng ginagawa ni ate at pipilitin akong mag-focus. Pakiramdam ko kasi hindi ko talaga kaya kung ako lang ang tutulak sa sarili ko. Napabalikwas ako ng marinig kong isinigaw ang apelyido ko. Nakangising napakamot na lang ako sa ulo ng makita si sir na nakapamewang at tinataasan ako ng isang kilay.

"What is matter?" mula sa kung saan niyang tanong.

Tumingin ako sa whiteboard para hanapin ang sagot pero wala. Word na 'matter' lang din talaga iyong nakasulat.

Ilang sandaling katahimikan ang dumaan bago ako sumagot, "It doesn't matter, sir."

Tumawa ang mga kaklase ko pero halatang hindi siya natutuwa. Deja vu. Ganito rin iyong nangyari sa akin dati kay ni Ma'am Gomez a. Pero kung noon pinatayo lang ako, ngayon pinalabas ako at hindi pinayagang makapasok hanggang sa natapos ang oras ng klase kaya hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa loob.

"Ano ang nangyari?" Salubong ko kila Matthew paglabas nila ng laboratory.

"May take home activity tayo, next week ang pasahan," si Martin ang sumagot.

"Tungkol saan?"

"Gagawa ka lang ng model ng state of matter. Madali lang iyon. Kayang tapusin kahit twenty-minutes."

"Pang-elementary nga e," dagdag naman ni Randy. Madali lang pala e. Edi hindi ko muna iisipin.

Nasa cafeteria kami ng matanaw ko si Jordan na mag-isang kumakain habang nagbabasa ng kung ano. Hindi ko alam kung notes ba o libro dahil hindi ko naman makita ng malinaw kung ano ang hawak niya. Ilang buwan na kaming pumapasok pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakahanap ng kaibigan niya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kaniya o ano. Pero hindi ko rin naman masisisi ang mga kaklase namin dahil masiyado talaga siyang intimidating at nakakatakot lapitan. Kung titignan kasi ang hitsura niya, mukha talaga siyang isnabera at walang pakialam sa kahit na sino.

"Ano ang tinitignan mo?" Nabaling ang pansin ko kay Matthew.

"Wala," mabilis kong sagot.

"Sama ka mamaya? Laro tayo." Agad akong pumayag. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakadutdot ng keyboard e.

* * *

Namamawis ang palad ko at gusto ko ng lumabas. Tiyanggala. Bakit ba kailangang mag-recitation? Paulit-ulit akong nagsasabi sa mga kaibigan ko kung gaano ako kinakabahan pero paulit-ulit lang din nila akong sinasagot ng, "okay lang iyan." Hindi nga okay e. Hindi ko alam kung ano iyong mga nakasulat sa board. Hindi ko alam kung paano sasagutan ang kahit isa lang doon. Paano kung matawag ako? Habang binabalasa ni Sir Cams ang index card namin, ramdam ko na ang pag-ikot ng tiyan ko. Sana hindi ako matawag.

Kaso mukhang ayaw makisama sa akin ng tadhana. Late yatang narinig ni Lord 'yung dasal ko dahil buong pangalan ko agad ang unang lumabas sa bibig ni sir at gusto niyang sagutan ko ang number one. Hindi ako tumayo agad. Kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi niya pero pasensiyoso niya iyong inulit. Walang takas.

"Sir . . ." Sasabihin ko sanang hindi ko alam kung paano iyon ng magtaas ng kamay si Jordan kaya nalipat sa kaniya ang atensiyon ng lahat.

"Yes, Ms Chiongson?" ani sir.

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon