Kabanata 34

2K 167 13
                                    

Kabanata 34.

SUMAMA ULIT SA AKIN si Jordan sa pagbisita kay mama dahil gusto niya rin daw itong kumustahin nang personal. Hindi ko alam kung ano ang pinagkukuwentuhan nila dahil hindi ko naman talaga pinakikinggan pero may minsang nahagip ang tenga ko—sinasabi ni Jordan ang naging experience niya noong siya ang nasa hospital para subukang aluin si mama. Alam niya ang hirap ng gamutan kaya sinusubukan niya itong patatagin pa sa pamamagitan ng mga salita na kaya niyang mabahagi.

Mayamaya ay dumating si ate na mukhang kalalabas lang ng school. Ganito na ang sistema namin. Pagkatapos na pagkatapos ng klase, hindi na kami dumadaan ng dorm para man lang magbihis o maglapag ng gamit. Gusto agad naming magpunta sa hospital para makita si mama at masigurong ayos lang siya.

"Jersey, bakit nandito ka? Akala ko ba ay may kailangan kayong gawin sa eskuwelahan?"

"Puwede ko po iyong gawin bukas." Nagmano si Ate.

"Bakit ipagpapabukas mo pa? Kahit kaya niyo namang gawin ngayon, ipinagpapaliban niyo pa. Nasasanay kayong ganiyan kaya lagi kayong huli kung matapos."

"Mas mahalaga ka po roon, Ma," katuwiran ni Ate. Binalingan niya ako para sana ipasa ang sermon pero hindi niya iyon ginawa ng mapansin niyang may kasama ako. "Hoy, Jackson. Sino naman iyang kasama mo, bakit hindi mo kaagad ipinakilala?"

"Paano ako sisingit e pagdating mo pa lang ang ingay mo na." Pumiksi ako ng amba niya akong babatukan.

"Ako si Jordan, kaibigan ni Jackson." Si Jordan na ang nagpakilala sa sarili niya.

"Kinaibigan mo itong kapatid ko? Buti napagtiyagaan mo," ani ate.

"Muntik na ngang hindi," sagot naman ni Jordan dahilan mapangiti nang bahagiya ang kapatid ko.

"Magkakasundo tayo riyan." Tumango-tango pa si ate.

At ayon nga . . . Pinagkuwentuhan na nila ang tungkol sa mga kabahuan ko, at pati si mama ay nakisali na rin. Ganiyan ba talaga ang mga babae? Nakakatakot pala. Pero ayos na rin dahil nakikita ko silang masaya, lalo na si mama na ngayon na lang ulit umabot sa mata ang ngiti matapos malaman ang kalagayan niya.

"Iyak nga iyan nang iyak noong iniwan ng siyota niya." Napauwang ang labi ko dahil sa sinabi ni ate. Kailangan bang malaman iyon ni Jordan? Isa pa, nakakahiya dahil kapatid niya iyon.

"Ang totoo niyan, Jackson's ex-girlfriend is my little sister," pag-amin ni Jordan na ikinagulat ni mama at ate. "Dati kaming nakatira sa Bulacan pero after ng break-up, nag-decide si mommy na lumipat sa Manila. Noong una, ayaw ng kapatid ko. She even cut her hair na matagal niyang inalagan to show how heartsick she is pero wala rin iyong nagawa. Nang sabihin sa kaniya ni mommy na para sa akin iyon, para mas mapalapit na sila sa akin, nanahimik na lang siya at sumunod. Marami na siyang bagay na ginawa at sinakripisyo para sa akin kaya huwag sanang maging masama ang tingin ninyo kay Cleopatra. She's a very good girl . . . Si mommy naman, sana intindihin ninyo."

"'Yung kapatid mo maiintindihan namin pero iyong insulto na ginawa ng mama mo sa kapatid ko? Hindi ko alam," tugon ni ate.

Sumabat na ako, "Ayos na kami ng mama nila. Ang totoo niyan, nagpunta ako sa kanila noong nakaraan at nagpadala pa nga siya ng prutas . . . Close na rin kami." Ngumisi ako. "Kapag nakilala niyo siya nang personal sigurado makakasundo niyo rin siya. Pangit lang talaga ang timing noon."

Umarko ang isang kilay ni ate. "Talaga ba, Jackson?"

"Mukha ba akong nagsisinungaling?"

"Tumigil na kayong dalawa, ha," saway ni mama.

Hindi na nagsalita si ate pero nakaangat pa rin ang labi niya sa akin.

"Naiintindihan ko ang mama ni Jordan at ni Patricia," ani mama. "Bilang ina, tungkulin naming protektahan ang mga anak namin. Gusto namin na nasa mabuting kalagayan sila at ilayo sila sa mga kaibigan na hindi maganda ang impluwensiya." Naalala ko sina Jerick at Dave. "Kahit ako ang nasa posisyon niya, ganoon din ang gagawin ko kung naabutan ko na ang boyfriend ng anak ko ay nag-aaksaya ng oras sa kalsada imbis na mag-aral."

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon