Kabanata 29

1.9K 167 4
                                    

Kabanata 29.

NATAPOS ANG MIDTERM at salamat sa Diyos dahil pasado ang lahat ng subject ko. Halos 2.25 lahat kaya nga sobrang saya ko. Hindi ko akalain na may pag-asa pala akong makakuha ng 85 na grade. Akala ko kasi palaging nasa line of 7 lang ang para sa akin e. Hindi ko na puwedeng biguin si ate ngayon. O kahit ang mga magulang ko na umaasang makakatapos talaga ako. Pagkatapos no'ng nakita kong pagmamakaawa ni ate para lang mabigyan ako ng isa pang pagkakataon, napukaw 'yung sense of duty ko.

Hindi ko masasabi na talagang masipag na ako at huwarang estudiyante dahil hindi naman talaga (lalo na't marami pa ring pagkakataon na tinatamad ako) pero at least kahit papaano alam ko na kung ano ang responsibilidad ko. Paunti-unti, gusto kong baguhin ang mga hindi magandang bagay na nakasanayan ko at palitan ng mas magandang habit. Hindi ko pa man nakikita kung ano ang goal ko bukod sa maka-graduate, ayos lang. Aayusin ko na lang 'yung sistema ko, gaya nga ng nasabi ni Sir Cams noon.

Hindi ako lumaking goal-oriented. Ni wala nga talaga akong balak sa buhay ko noon. At ngayong gusto kong yakapin ang pagbabago, gusto kong maging system-oriented . . . Hindi goal ang focus kundi ang sistema kung paano iyong maaabot. Ika nga nila, "Be inlove with the process." Masiyado kasing nakaka-overwhelm kung mag-fo-focus lang ako sa gusto ko (na hindi pa rin talaga malinaw sa akin kung ano). Basta kailangan ko lang ayusin ang sarili ko.

"Be a system thinker. Kung hindi maganda ang sistemang sinusunod ninyo ngayon, change it . . . improve it, and you'll improve as a person as well," ang minsan ngang sabi ni Sir Cams. "At kung tingin ninyo maayos na ang sistema ninyo, huwag pa rin kayong titigil. Tandaan ninyo ang concept ng Kaizen or the Continuous Improvement . . . . Huwag ninyo lang sa field i-apply ang pagiging Industrial Engineer kundi pati na rin sa mga buhay ninyo. Akala ninyo sa field lang iyan magagamit? Mali kayo . . . At iyan ang kagandahan sa kurso natin. Hindi naa-appreciate ng iba ang ang engineering na ito dahil walang board exam pero hindi nila alam kung gaano ito kaganda. 'Yung mga nagsasabi na mababang klase ang IE, they don't have any idea how this course works kasi kung meron hindi nila masasabi iyon."

Bigla ko tuloy na-miss si sir. Kahit tinawag niya ako noon sa recitation at hindi ako nakasagot gusto ko ulit maranasan na maging prof siya. Ngayong nakikita ko na kung ano ang halaga ng learnings na binabahagi niya, gusto ko pang may malaman at may matutunan sa kaniya.

"May pupuntahan ka pa ba o uuwi ka na?" tanong ko kay Jordan.

"Hindi pa ako uuwi pero kailangan ko ng umalis dahil may schedule ako for laboratory ngayon," sagot niya.

"Ingat sila sa iyo." Kumaway ako pero bago kami tuluyang maghiwalay, pinaalala niya na naman ang dapat kong gawin.

"'Yung pinasasagutan ko sa iyo a. Gusto ko na iyong makita next week."

"Yes, boss," tanging nasabi ko.

* * *

Nagising ako dahil sa walang humpay na pag-ring ng cell phone kong nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Pupungas-pungas akong bumangon para sagutin ang tumawag. Hindi ko pa man naibubuka ang bibig ko para tanungin kung ano ang kailangan nila ay sinagot na ako ng malakas na pagbati nina Buknoy at Buboy mula sa kabilang linya.

"Maligayaang birthday sa iyo, wilab!"

"Birthday?" Nakakunot ang noo kong tinignan ang petsa sa kalendaryong nakasabit sa likod ng pinto.

Oo nga, March 23 na ngayon. Grabe ang bilis ng araw. Parang nagmamadali. Nawala ang antok ko at ganadong bumangon para makausap sila nang maayos.

"Mahal na mahal niyo talaga ako a," nakatawang sabi ko.

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon