Kabanata 26

2.1K 178 27
                                    

Kabanata 26.

HINDI KO AKALAIN na ganito pala kahirap magsipag-sipagan. Magkaiba kami ng ginagawa ni Jordan pero magkasama kami sa library kesiyo mas gusto niya raw dito mag-aral kapag nasa school dahil tahimik. Tahimik naman talaga. Ni kaluskos nga halos wala akong marinig. No'ng may aksidente ngang nakalaglag ng gamit akala mo napakalaking krimen na no'n base sa facial expression niya. Hindi ko kayang tumagal sa lugar na ganito. Kung hindi nga lang dahil sa kaniya hinding-hindi ako papasok dito e.

"Michael Jordan," halos pabulong kong tawag sa kaniya. Salubong ang kilay niyang tumingin sa akin. "Mahigit isang buwan na tayong ganito pero bakit hindi ko pa rin nagiging habit ang pag-aaral? Akala ko ba ang sabi e, it takes twenty-one days to form a habit?"

Gusto ko rin namang magbago pero ang hirap ng ganito. Wala ba talagang short cut? Kung hindi niya nga ako pipilitin ay hindi pa ako kikilos. Pinanghawakan ko iyang kasabihan na iyan noon kaya no'ng una grabe ang determinasiyon ko pero ngayon, wala na . . . nauupos na naman.

Napairap siya. "Seriously, naniniwala ka riyan? That twenty-one days rule is just a myth!" hangin lang ang lumalabas sa bibig niya, walang boses, pero nauulinigan ko pa rin ang pagkairita niya. Malamang dahil naniniwala ako sa ganiyang bagay.

"Myth? Sabi nga ng iba totoo raw iyon e."

Tumayo siya at lumabas kaya sumunod ako. "Dito tayo mag-usap dahil nakakaistorbo tayo sa loob," aniya. "Porke ba marami ang nagsasabi totoo na agad? Huwag mong paniwalaan ang isang bagay dahil lang sa iyon ang pinaniniwalaan ng marami. Maigi kung ikaw mismo ang hahanap ng sagot . . . . At kung gusto mo talagang magkaroon ng bagong habit, aabutin ka ng dalawa hanggang walong buwan, hindi twenty-one days."

"What is your basis?" tanong ko.

Umuwang ang bibig niya. Palagi ko iyang naririnig sa mga prof e, ite-testing ko lang sa kaniya.

"A study conducted by Phillippa Lally, a psychology researcher from University College of London, entitled How are habits formed that was published at European Journal of Social Psychology on sixteenth of July, year two-thousand and nine."

Itinaas ko ang dalawa kong kamay. "Suko na ako . . . . Pero tiyanggalang iyan, ang tagal pala."

"Magtiyaga ka. Ang bagay na madali mong nakukuha, mabilis ding nawawala." Bago tuluyang bumalik sa loob, may sinabi pa siya. "Maghanda ka. Mag-a-Algebra tayo ngayon." Sasagot pa lang sana ako pero naunahan niya na ako. "Huwag mong sasabihin sa akin na mahirap iyon dahil sa lahat ng mathematics na meron ang engineering iyon ang pinakamadali."

Napanganga ako. Madali? Joke time ba ito? Saan banda roon ang madali? Meron akong dalawang choice ngayon: Tumanggi o sumunod. Pero dahil kailangan ko ng makapasa, sumunod ako. Halos isa't kalahating oras din kaming nag-aaral bago nagpasiyang tumigil na muna.

"Bukas na natin ito ituloy." Inabot niya sa akin ang bond paper na puno ng problem. "Sagutan mo iyan at ibigay sa akin bukas. Kahit mahirapan ka, i-try mo pa rin. Doon ka mas matututo."

"Hindi ba puwedeng sa susunod na araw na lang? Baka hindi ko iyan maasikaso mamaya kasi may iba pa akong gagawin," hirit ko.

"Hindi." Ang tigas talaga. "Akala ko ba gusto mong magbago? Bakit gumagawa ka na naman ng excuses? Time management . . . matuto ka no'n."

Akala ko tapos na kami at aalis na pero naglabas siya ng panibagong notebook at libro.

"Para saan na naman iyan?" tanong ko.

"May exam tayo sa World Literature mamaya kaya ayusin mo na iyang sarili mo . . . mag-aaral ulit tayo."

Tama na, please. Sukong-suko na ako. "Hindi ba puwedeng mag-break muna?"

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon