Kabanata 30

1.9K 155 9
                                    

Kabanata 30.

MAY HANGOVER PA rin ako dahil sa naging selebrasiyon namin ng kaibigan ko. Naging sobrang saya ng araw na iyon. Kung puwede ko lang iyong i-rewind sigurong gagawin ko. Ilang sandali lang ay dumating si sir bitbit ang projector. Ngayon ang deadline ng video na pina-project sa amin at ngayon din siya magbibigay ng judgement pagkatapos naming manood.

Patay ang lahat ng ilaw sa room at walang ibang liwanag na makikita kundi ang galing sa gumaganang projector na pina-flash ang naka-play sa laptop para makita ng lahat. Walang nag-iingay sa amin. Lahat ay nakatutok sa harap at matamang pinakikinggan ang bawat salitang lumalabas sa speaker. Halos isang oras ding ganoon ang setup namin bago kami pinaayos ng upo para pakinggan ang magiging komento ni sir.

"All groups are very good! You exceeded my expectation!" Kulang na lang ay pumalakpak siya sa sobrang tuwa. "Dahil diyaan, rest assured na all of you ay one-hundred percent na sa project. Very informative ang napanood ko ngayon. You nailed all the questions na gusto kong mabigyan ng sagot kahit hindi ako nag-provide ng guide questions . . . I am very satisfied with all the documentaries I've watched today."

Hindi naitago ng karamihan ang tuwa nila. At para samantalahin ang magandang mood ni sir, may isang humirit ng, "Exempted na rin po ba kaming lahat sa quiz two?" Gumatong ang mga kaklase ko hanggang sa wakas ay napapayag nila si sir. Mabuti na lang at hindi ko na kakailanganing mag-review.

"Nasaan na iyong pinapagawa ko sa iyo?" tanong ni Jordan.

Tumingin ako sa kaniya at napakamot sa batok. "Naiwan ko," sagot ko kahit pa ang totoo ay hindi ko pa naman talaga ginagawa. Nawala sa isip ko.

Pinaningkitan niya ako. "Stop lying. Bakit hindi mo ginawa? Hindi ba ang sabi ko tapusin mo iyon?"

"Bakit mo ba minamadali? Puwede naman iyon bukas o sa susunod na lang dahil next year ko pa naman ulit makukuha ang mga subject na iyon."

Nabalitaan ko kasi na hindi raw mag-o-open ng summer class ang university ngayon.

"Kailan ka maghahanda? Kapag nandiyaan na sa harap mo?"

Ayaw kong makipagtalo. "Oo, gagawin ko na mamaya." Bago pa siya makapagsalita ng kahit anong may kinalaman sa hindi ko nagawang gawain, ipinasok ko na ang gusto kong itanong sa kaniya. "Paano mo pala nakilala sila Buknoy? Sabi nila chinat mo raw sila."

"Facebook. Nakita kong itinag ka nila sa isang post kaya tinignan ko ang account nila. And there I saw na mukhang close na close kayo kaya nag-message ako. Tinanong ko kung kailan ang birthday mo at kung ano ang hilig mo since hindi ka naman nagbabanggit sa akin."

"Bakit?" Hindi ko akalain na kaya niyang gawin iyon.

"I told you, gusto kita. At ang mga taong gusto ko ay kinikilala ko."

Hindi na ako nagsalita. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa pinagsasabi niya dahil parang napakakasuwal naman. Hindi ba kapag nag-confess ka dapat nahihiya ka at magkakailangan kayo? Kaya nga hindi nagkakaroon ng aminan lalo na kung magkaibigan e. Pero siya, parang bale-wala lang sa kaniya. Malamang pinagtitripan niya lang ako, sinusubok kung kakagat ako sa kalokohan niya. Ang lakas talaga ng amats.

"By the way, I just want to inform you na based sa ating university calendar, next next week na ang finals. Sige, to give you a reward para sa magandang project na ipinresent ninyo sa akin, hindi na ako magbibigay ng kahit anong quiz. Mag-focus na lang kayo sa ibang subject and sa upcoming final examination." Ayos, ang laking ginhawa nito. "Do your best and give everything you can to pass all your subjects. Good luck, future engineers! Ilang years pa pero mabilis lang ang panahon. See you on the field!"

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon