Kabanata 35

1.8K 163 43
                                    

Kabanata 35.

HINDI AKO MAKAPANIWALA sa nadatnan ko. Kausap ni mama si Patrcia. Mukhang hindi nila napansin ang pagdating ko kaya ako na ang tumawag sa pansin nila. Nang magtama ang mata naming dalawa, mabilis niya ang tingin niya. Hindi ko siya inaasahan, sa totoo lang.

"Pasensiya na kung hindi ako nagsabi sa iyo na pupunta ako," aniya.

"A-ayos lang . . . Mabuti nga rin iyon para hindi mag-isa si mama," tanging nasagot ko. Ngumiti lang siya.

Hinarap niyang muli si mama para magpaalam. "Mauuna na po ako, Tita Janeth. Maraming salamat po." Bumaling siya sa akin pero hindi niya pa rin makuhang salubungin ang tingin. "Mauuna na ako, Jackson."

Palabas na siya ng humabol ako. "Sandali lang. P-puwede ba tayong mag-usap muna?"

Naupo kami sa bakanteng upuan sa hallway. Ako ang nagsabi na gusto ko siyang kausapin pero ilang minuto na ang dumaan ay hindi ko pa rin nagagawang ibuka ang bibig ko. Ano ba ang sasabihin ko? Hihingi ba ako nang maayos na closure kahit may maliit na bahagi ko pa rin ang umaasa na magkabalikan kami?

"Kumusta?" tanging nasabi ko.

"Ayos lang . . . How about you?" balik niya.

Mas nakakailang ito kaysa inaasahan ko.

"Ayos lang din . . ." Ano pa ba ang gusto kong sabihin? Ano ba ang balak kong sabihin no'ng sinabi kong gusto ko siyang kausapin? "Ano . . . Uhm . . . w-wala ka bang klase ngayon?"

Umiling siya. "Wala akong class every Wednesday." Napatango ako. "I'm sorry na nagpunta ako rito without informing you . . . Gusto ko lang sana makausap ang mother mo regarding sa nangyari noong huli tayong nagkita para personal na humingi ng sorry. Nakuwento sa akin ni ate na nakarating pala sa kanila iyong nangyari . . . I know na matagal na iyon pero I believe hindi iyon puwedeng pabayaan na lang without me giving my apology . . . ."

"Naiintindihan ni mama, wala ng problema roon," sabi ko.

Sa wakas ay nagawa niya na akong tignan sa mga mata. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero parang bumalik lahat. 'Yung feelings na akala ko ay unti-unti ng nawawala bumuhos ulit ngayon at pinupuno ako.

"K-kumusta kayo ni ate?" kapagkuwan ay tanong niya. Hindi pa man ako nakasasagot ay ipinagpatuloy niya na ang gusto niyang sabihin. "I-if there's something between the two of you, a-ayos lang sa akin. Maiintindihan ko iyon . . . W-walang problema . . . I w-want you both na maging masaya."

Nahagip ng mata ko ang pagkapit niya sa porseras na bigay ko sa kaniya noon.

"Magkaibigan lang kami ni Jordan. Close kami, oo, pero wala ng kahit anong higit pa roon," paglilinaw ko. "Ikaw, may boyfriend ka na?"

Mabilis siyang umiling. "Wala."

"Study first muna?"

Nakatawa siyang humarap sa akin. Na-miss ko ang mga ngiting iyon. Bumalik sa akin iyong panahon na kami pa, na para bang kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon.

"Ikaw, study first ka rin? Ikinukuwento sa akin ni ate how much you improve. Natutuwa ako for you, Jackson," puno ng sinseridad niyang saad. "Actually, before ko malaman na ikaw pala iyong palagi niyang ikinukuwento sa akin, wala talaga akong idea na ikaw nga iyon. Nababanggit niya na Jackson ang name pero never sumagi sa isip ko na ikaw iyon . . . though naaalala kita . . ."

Kung ganoon hindi lang pala ako ang nag-iisip sa kaniya.

"Okay lang ba sa iyo na makita ulit ako?" muli kong tanong.

Natawa siya. "N-nahihiya ako sa iyo dahil sa nangyari noon pero okay lang."

"May pagkakataon ba na hinangad mong makita ulit ako?" Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon naitanong pero masiyado ng huli para bawiin dahil nasabi ko na. Lumabas na sa bibig ko.

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon