Kabanata 32

1.9K 158 9
                                    

Kabanata 32.

PAGKATAPOS NAMING MATANGGAP ang balita, kaagad naming pina-admit sa hospital si mama. Walang rason para maghintay pa kami ng kung ano. Sobrang wasak kami no'ng araw na dumating sa amin ang resulta. Para kaming mga nawalan ng boses; hindi makagawa ng kahit anong ingay, hindi makausal ng kahit anong salita. Hindi namin matanggap.

"Wala ba kayong mga klase, bakit nandito na naman kayo?" tanong ni mama na nakahiga sa hospital bed at nakasuot ng hospital gown.

"Tapos na po ang sa akin," sagot ni Janus.

"Mamaya pa po iyong sa akin," tugon ko naman.

"Pumasok ka na, Jackson. At ikaw naman Janus, umuwi ka na dahil walang kasama roon si Jeremy. Mamaya pa ang uwi ng ama ninyo."

Simula noong i-admit siya, palagi na lang siyang ganiyan; palagi na lang kaming pinaaalis kapag ilang oras na kaming nagtatagal. Pero ayaw namin siyang iwan. Ni ayaw nga naming umalis sa tabi niya kahit sandali. Kahit araw-araw niya na kaming bungangaan ayos lang sa akin basta gumaling lang siya at makauwi na sa bahay.

"Makinig nga kayo sa akin. Gusto ko munang magpahinga. At hindi ko magagawa iyon kung alam kong nandiyaan kayo at nakabantay sa akin."

Ayaw ko siyang pakinggan. Ayaw namin siyang iwan. Pero dahil iniiwas din namin siya sa stress, sumunod na lang kami. Habang sakay ng bus, hindi ko pa rin iwinawaglit ang isip ko kay mama. Natatakot ako. Paano kung bukas pagbalik namin—Hindi! Kailangan kong alisin ang mga masasamang bagay na iyon sa utak ko. Nasa hospital na siya. Ibig sabihin, siguradong magagamot siya roon at uuwi sa amin.

Dahil sa traffic jam, na-late ako ng halos kahating minuto. Mabuti na lang at hindi napansin ng prof ang pagdating ko dahil abala siya sa pagsusulat sa board ng lesson na mukhang ipinapakopya niya sa klase.

"Kumusta ang mama mo?" mahinang tanong ni Jordan pag-upo ko sa tabi niya.

"Hindi ko alam," pagpapakatotoo ko.

Pagkatapos ng klase namin, gaya ng laging gawi, dumiretso kami ni Jordan sa library. Mas ganado akong mag-aral ngayon dahil ngayon ko nakikita ang importansiya ng ipinipilit nila sa akin ni papa. Ayaw ko na silang biguin. Isa pa, para kapag binista ko si mama ay may maganda akong sasabihin sa kaniya. Baka kahit papaano ay makatulong sa paggaling niya ang good news.

"Siya nga pala, Michael . . . Gusto mo bang pumunta sa bahay? Nabanggit ko kasi kay mommy na may nahanap akong good friend. Gusto ka niyang makilala."

Nakangisi akong bumaling sa kaniya. "Grabe naman iyang galawan mo, Michael Jordan. Ipakikilala mo kaagad ako sa mommy mo?" Umiling-iling ako. "Masiyado kang mabilis."

"Ayaw kong nagsasayang ng oras," sakay naman niya. "Don't worry, mabait iyon si mommy."

Mommy . . . Bigla akong kinabahan. Hindi naman siguro lahat ng 'mommy' e katulad ng kay Patricia, hindi ba?

* * *

Pagkalipas ng kalahating oras na biyahe at tatlong minutong lakaran, narating namin ang malaking bahay. Merong parang puno ng niyog sa gilid, bubong na katulad sa mga nakikita kong doll house, at itim na gate na hindi naman ganoon kataas. Kung hindi lang ito nasa loob ng subdivison siguro mabilis mapapasok ng mga masasamang-loob ang bahay na ito. Paano, 'yung railings na disensyo ng gate e nakahalang na parang hagdan.

"Ito ang bahay ninyo?" pagkumpirma ko. Hindi naman kataka-taka dahil halata sa kung paano niya dalhin ang sarili niya na mapera sila pero hindi lang ako makapaniwala na ganito kaganda. Talagang masasabi mo na pang-mayaman.

"I told you," tanging sagot niya. Paulit-ulit niyang pinindot ang doorbell pero walang nagbubukas kaya naman nasira na ang mukha niya at panay ang padiyak. Napakamainipin. "Cleopatra, are you there? Open the gate!"

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon