Kabanata 25

2K 157 8
                                    

Kabanata 25.

ANG BILIS NG ARAW. Parang pumikit lang ako tapos tapos na agad ang Christmas break. Ni hindi ko man lang naramdamang nakapag-relax ako. Ni hindi ko nga naramdamang magsaya gaya ng palagi kong ginagawa tuwing Pasko. Siguro kasi abala ako sa pag-iisip kung paano babawi ngayong second term. Sinubukan ko iyong payo ni Jordan na mag-advance study pero hindi ko talaga kaya kapag ako lang mag-isa. Kapag may hindi ako naintindihan, wala akong matanungan kaya tinatamad ako.

Ngayon nakapila ako para sa enrollment. Kung hindi lang napapayag ni ate si Ma'am Concepcion, malamang paunti-unti na akong nasisiraan ng ulo kakaisip kung saan ako hahagilap ng perang ipambabayad. Nang matapos ang nasa unahan ko, ako na ang sunod na pumuwesto sa tabi ng computer. Ibinigay ko ang ID ko sa administrator at naghintay ng ilang minuto.

"Hindi mo makukuha ang Analytic Geometry at Plane and Spherical Trigonometry," sabi ng administrator.

Hindi na ako nagulat dahil nabanggit na iyon ni Jordan. "Opo," ang tanging naisagot ko. Pero ng maalala ko ang sinabi ni ate, nagsalita ulit ako. "Puwede po ba akong kumuha ng advance subject? Ipapalit ko lang po roon sa dalawang hindi ko makukuha . . . ."

"Sa adjustment period ka na lang. Pumunta ka lang doon sa Engineering Faculty then mag-ask ka ng permission."

"Sige po, maraming salamat."

Pagka-print sa bago kong registration form, umalis na ako. Sa labas, natanaw ko si Jordan na mag-isa na namang naglalakad palabas ng school.

"Michael!" tawag ko sa kaniya.

Walang reaksiyon ang mukha niyang bumaling sa akin. "Ano ang kailangan mo?"

"Ano ang section mo?"

"Naka-block ako sa F."

Bumilog ang labi ko. "Magkaklase pala ulit tayo. F din ako lahat."

Tumango lang siya. "Mauuna na ako. May pupuntahan pa ako."

Itinaas ko ang kamay ko at ikinumpas na tila sumasaludo. "Ingat."

Sana maging maayos itong term na ito para sa akin.

Nang magsimula ang pasukan, inasikaso ko agad iyong pagpapa-advance ng subject. Kahit mahaba ang pila ng mga estudiyante sa labas ng faculty, nagtiyaga akong pumila. Ang kaso lang, hindi naman ako napagbigyan dahil ang sabi ng professor na nakaupo sa front desk, hindi raw iyon puwede. Lalabagin ko raw ang rules kung first year pa lang ako pero kukuha ako ng subject na pang-second year. Maniniwala na sana akong bawal talaga kaso iyong ilang kapuwa ko estudiyante na nakasabay ko sa elevator ay narinig kong nagkukuwentuhan tungkol sa mga subject na napa-advance nila. Hindi ko alam kung minalas lang ba talaga ako dahil natapat ako sa professor na iyon o suwerte lang talaga sila.

Pagdating ko sa room, nandoon na si Jordan kaya walang pag-iisip na dumiretso ako sa tabi niya. Nag-uusap naman na kami kaya hindi naman siguro masamang dito ako pumuwesto. Isa pa, kung hindi ko siya kakausapin, baka matapos na naman ang semester na ito na wala siyang sinasamahan na kahit sino.

"Bakit hindi mo subukang makipag-interact sa iba?" mula sa kung saan kong tanong.

"Ayaw ko e," simpleng sagot niya.

"Bakit?"

"Kung gusto nila akong maging kaibigan, sila ang lumapit sa akin. Hindi ako ang mauuna. Maliban na lang kung interesting ka para sa akin."

"E paano ka lalapitan kung ganiyan iyang mukha mo? Mukha kang suplada at parang galit palagi . . . Hindi ka approachable tignan, alam mo iyon?"

"Kung jina-judge nila ang character ng isang tao base sa hitsura, hindi ko talaga sila magiging kaibigan. At ayaw ko rin silang maging kaibigan," aniya.

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon