Kabanata 31

1.9K 156 18
                                    

Kabanata 31.

"SEY, MAKIKIKAIN KAMI A."

Wala namang okasiyon pero nandito sa bahay ang mga kaibigan ko. Miss na miss yata ako at gusto akong makasama buong maghapon.

"Bahala kayo sa buhay ninyo, huwag niyo lang kaming uubusan," sagot ni ate.

"Baka pati sa pagtulog tabihan niyo pa ako a," wika ko sa kanila.

"Kung ibibigay nina Janus at Jeremy ang puwesto nila ngayong gabi bakit hindi?" nakangising tugon ni Buboy. "Pero si Buknoy pala e gusto sa tabi ni Jersey."

"Tanga ka ba? Bawal tabihan sa kuwarto kapag hindi pa kasal," mabilis na pagkontra ni Buknoy.

"Edi magpakasal na kayo!" sabay tawa ni Buboy.

"Hoy, Buboy, gusto mo sungalngalin kita?" basag ni ate dahilan para matahimik siya. Kami naman ni Buknoy ang natawa.

Akala ko mananahimik na siya pero nagsalita pa talaga. "Ikaw naman kasi, Sey e. Alam mo naman na ikaw lang ang babae sa buhay niyan bukod kay Aling Josie tapos ayaw mo pang sagutin."

"Tigilan mo ako. May iba akong priority."

Awtomatiko kaming napatingin kay Buknoy ng ibuka niya ang bibig niya. "Kapag nakatapos ka na at nakapagtrabaho, puwede na kaya?" Hindi nakaimik si ate. Bahaw na tumawa ang kaibigan ko. "Ay. Mag-iipon muna pala ako para makapag-aral. Kapag may narating na ako at naibigay kay Mama ang maayos na buhay, lalapitan kita ulit. Kahit paulit-ulit mo akong tanggihan at ipagtabuyan, hindi kita susukuan hanggang sa makumbinsi ko iyang puso mo na piliin na ako."

Mahabang katahimikan ang dumaan bago nakapagsalita si ate. "Tignan natin."

Nang lumabas si mama mula sa kuwarto nila ni papa, halata ang pagiging matamlay niya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya hanggang sa atakihin siya nang sunod-sunod na pag-ubo at bumagsak sa sahig, hawak ang dibdib.

"Ma!" Nabitawan ko ang platong hawak pero hindi ko na iyon pinansin. Nagmamadali akong tumakbo palapit kay mama at ganoon din ang mga kaibigan ko. "Ano po ba ang nararamdaman ninyo?"

"Dala lang ito ng pagod," nanghihina niyang sagot. Inabutan siya ni Buknoy ng isang basong tubig. "Huwag ninyo itong babanggitin sa kahit na sino . . . lalo na sa ama mo, Jackson, naiintindihan mo? Naiintindihan ninyo?" Hindi kami sumagot.

Inalalayan namin siya pabalik sa kuwarto nila para makapagpahinga. Nang dumako ang paningin ko malapit sa pinagbagsakan niya, nakakita ako ang ilang tilamsik ng dugo dahilan para gumapang ang lamig sa gulugod ko.

* * *

Lutang akong naglalakad sa loob ng university. Natauhan lang ako ng may tumawag sa akin at nakita si Jordan na nakasuot ng itim na dress, puting sapatos, nakalugay ang wavy na buhok, at naglalakad palapit sa akin.

"Baka naman matunaw ako niyan," aniya.

"Ice cream ka ba?" sabi ko.

"Bakit, 'cause you wanna lick me?" sagot niya sabay tawa nang malakas. Napanganga ako. Hindi naman pick-up line iyon a. Marahan niya akong itinulak. "Tara na at baka mahimatay ka na riyan."

Pagpasok sa room, dumiretso kami sa dulong upuan. Tinanong niya ako tungkol sa ginawa ko noong weekend pero hindi ko iyon nasasagot nang maayos kaya binuksan ko na sa kaniya ang bagay na gumugulo sa akin.

"Kapag ba umubo ka ng dugo ibig sabihin may sakit ka na?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Basta, gusto ko lang malaman."

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon