Wakas

2.4K 107 15
                                    

Wakas.

NAKATUTOK AKO SA HARAP ng laptop ko at hinahanap ang mga pangalan ko sa listahan ng mga passer mula sa nagdaang CIE exam. Pagkatapos ko kasing grumaduate, nag-take agad ako para sariwa pa sa utak ko ang mga impormasiyon. Name cannot be found. Paulit-ulit ko iyong ni-refresh pero wala talaga. Hindi ako kasama sa mga nakapasa. Ganoon man, hindi ko inilugmok ang sarili ko. Ang ginawa ko, naghanap ako ng trabaho at masuwerte namang pinalad na makapasok sa isang manufacturing corporation sa Valenzuela bilang isang Quality Control Inspector.

Sa umaga ay nagtatrabaho ako at sa gabi naman ay nagre-review bilang paghahanda para sa susunod na pagkakataon. At ng sumapit na nga ang araw ng examination, maaga pa lang ay nagmulat na ako ng mga mata para maghanda. Nang paalis na ako, tumunog ang cell phone ko.

Patricia

I know you can do it. God bless. :)

Pagdating ko sa testing center, naabutan ko roon ang mga kapuwa ko gustong maging certified.

"Papasa tayo." Gulat akong napatingin doon sa isang lalaki na halos kaedad ko lang na tumapik sa balikat ko.

Ngumisi ako. "Oo, papasa tayo."

Ginawa ko lahat ng kaya ko. Binigay ko lahat ng puwede kong ibigay. At ng matapos ang exam, naghintay na lang ako ng ilang buwan para sa resulta.

Patricia

How are you doing?

Ayos lang ako rito. Kayo diyan?

Don't overdo it. Make sure you take a rest.

Sige, ingat ka rin diyan. Ikumusta mo na lang ako sa mommy mo.

Paglabas ng resulta, nananabik akong nag-browse sa internet para tignan kung kasama ba ang pangalan ko. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Hindi na ako makapaghintay. Binuksan ko iyong link para hanapin ang pangalan ko. Alonto, Jackson E. Pero hindi ko nakita. Makasampung beses ko pang inulit dahil baka hindi ko lang napansin pero wala talaga. Ibig sabihin, hindi na naman ako kasama sa mga pumasa.

Sandaling nawala ang ngiti ko bago iyon ulit plinastar. "Ayos lang. Baka hindi pa ito ang oras ko," pagpapalubag ko sa sarili kong loob. "Bawi na lang sa susunod. Marami pa namang exam na darating."

Kinuha ko ang cell phone ko at nagpadala ng mensahe sa kaniya, sinasabing hindi ulit ako nakapasa. Pero hindi ako nakatanggap kaagad ng reply. Baka busy pa. Ang ginawa ko, umuwi ako sa tinutuluyan ko sa Valenzuela pa rin dahil dito malapit ang trabaho ko. Dinampot ko ang cell phone ko na nakalapag sa tabi ko ng mag-ring ito.

"Hi," bungad ko sa kaniya.

"How are you?" malumnay ang pagkakatanong niya.

"Ayos lang ako, huwag kang mag-alala," paninigurado ko. "Pangalawang subok pa lang naman 'to. Meron pang pangatlo at susunod."

"I wish I was there para i-comfort ka."

Namilog ang mga mata ko bago ngumiti. "Palagi ka namang nandito para sa akin. Kahit nga nandiyan ka, wala pa ring patid ang pangungumusta mo e. Sapat na iyon. Salamat. Ingat ka palagi."

May ilang buwan na rin sila sa ibang bansa dahil sa doon muna nila nagdesisyong manatili. Patungkol sa kung kailan sila babalik, wala pang balita. Sa kabila ng katotohanang hindi ako nakapasa sa certification exam, nagpatuloy ako sa buhay ko. Nagtrabaho ako nang nagtrabaho hanggang sa makaipon. Natutulungan ko na rin si ate sa pagbibigay sa pamilya namin at si papa naman sa pagbabawas ng mga utang mula pa noong bago magkasakit at mawala sa amin si mama. Nang magbakasiyon ako sa amin, si Jeremy na high school na ang nadatnan ko. Mas tumangkad siya at luminis. Marunong ng maligo at mag-ayos. Lumalim din ang boses.

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon