Kabanata 33

1.9K 183 39
                                    

Kabanata 33.

PARA AKONG INAPAKAN ng mga sinabi niya. Paulit-ulit akong napalunok at hindi magawang tumingin nang diretso sa kaniya. Pero totoo naman kasi—dati. Gustuhin ko mang mangatuwiran ay hindi ko maibuka ang bibig ko. Bukod sa hindi ko mahanap ang boses ko, para din akong natutuyuan ng laway.

"Mommy, please. Kung ano man siya dati, hindi na siya ganoon ngayon. I can assure you," pagtatanggol sa akin ni Jordan.

Tumingin ang mommy nila kay Jordan. "How?"

"Hindi ko siya kakaibiganin kung stupid pa rin siya. You know me, Mommy, right? Hindi ako basta-basta nakikipag-close."

"Ate is right." Lahat kami ay napatingin kay Patricia ng makisali siya. "Jackson looks different now. He really changed for the better."

Tinitigan ako ng mommy nila at sa isang iglap lang ay nagbago ang ihip ng hangin.

"Then, it's good to hear. Ang ayaw ko lang naman ay napapasama ang mga anak sa hindi maganda ang impluwensiya. Dalawa lang sila at pareho pang babae. Of course, as their mother, I need to protect them." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. "Be sure to finish your studies, hijo. Huwag mong bibiguin ang mga magulang mo . . . lalo na ang sarili mo."

"Opo." Nakahinga ako nang maluwag.

Nag-usap kami hanggang sa nabanggit ko sa kaniya ang kalagayan ni mama dahil na rin sa pagtatanong niya.

"Kailan ka ulit babalik doon?" tanong niya.

"Baka bukas po kung masiyado ng gabihin ngayon."

Tumango-tango siya. "Kung kaya pa ng oras mo, dumaan ka rito. I'll buy fruits for her."

Ngumiti ako. "Salamat po."

"Be strong, Jackson. Pray and believe that your mother will be fine," payo niya.

Alam kong alam niya ang pakiramdam ng pinagdadaanan namin ngayon dahil minsan na ring na-diagnose at na-confine si Jordan sanhi naman ng leukemia.

* * *

Nasa hallway pa lang kami papunta sa kuwarto ni mama ng makarinig ako ng mga pamilyar na boses. Nagmamadali akong pumasok at hindi nga ako nagkamali. "Mga wilab!" tawag ko sa mga kaibigan ko.

"Mabuti at dumating ka na. Ikaw na ang kumausap sa mga kaibigan mong ito. Napakaraming kuwento," ani mama.

"Siyempre naman, Ate Janeth. Ang sarap mo kayang kausap," sabi ni Buboy.

Nang mapansin nilang may kasama ako, nagkusa na akong ipakilala sa kanila si Jordan. Pagdaan ko kasi sa kanila kanina para kuhain iyong prutas na sinabi ni Tita Margarita ay nagpumilit siyang sumama.

"Ah, siya pala 'yung Jordan," wika ni Buboy. "Ikaw iyong nag-chat sa amin, hindi ba? 'Yung nagtanong kung kailan ang birthday ni Jackson." Siniko siya ni Buknoy pero hindi pa rin siya tumigil. "Angas ng regalo mo, Jords."

"Jords amp. Close ba kayo?" sabat ni Buknoy.

"Oo, ako nga iyon. Salamat sa tulong ninyo nagkaroon ako ng ideya kung ano ang ibibigay sa kaniya," sagot ni Jordan.

"Labas muna kami, wilab," saad ni Buknoy saka puwersahang hinila si Buboy pasama sa kaniya.

Pagkalapag ng prutas sa lamesa, lumapit si Jordan kay mama. "Magandang araw po. Ako po si Jordan," pakilala niya. "Nagpadala si mommy ng prutas.Magpagaling po kayo."

"Pakisabi maraming salamat," tugon ni mama. "Kaibigan ka ni Jackson?"

"Tama po kayo."

"Kumusta naman ang anak ko, pasaway pa rin ba?"

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon