Kabanata 40

2K 171 35
                                    

Kabanata 40.

"SAAN TAYO GAGAWA?"

Binigyan kami ng project na gumawa ng maliit na bahay na yari sa popsickle stick. By pair iyon. At dahil kami ngang dalawa ni Jordan ang palaging magkasama, kami ang magka-team. Ni wala na ngang nagtatangkang kahit sino na lumapit sa amin para tanungin dahil alam nilang kami lang din ang pipili sa isa't isa pagdating sa hanapan ng makakasama.

"Sa bahay na lang tayo. Puwedeng magkalat doon, maglinis ka lang."

"Ayos iyan. Bisita naman ako kaya hindi ako puwedeng maglilinis."

Lukot ang mukha niyang humarap sa akin. "Seriously, Michael? Ang pangit ng paniniwala mong ganiyan. Walang bisi-bisita sa bahay. Kalat mo, linis mo."

"Dalawa naman tayong magkakalat."

Umiling-iling lang siya at isinukbit ang bag sa likod. Habang sakay ng bus, pinag-uusapan namin kung paano gagawin ang bahay, kung ano ang magiging hitsura, at kung paano iyon magiging kakaiba. Naglabas din siya ng notebook at lapis saka nagsimulang mag-sketch. Buti at hindi siya nabo-bother ng motion.

"Ano, puwede na ba ang ganitong design?" tanong niya, ipinapakita ang disenyong tree house. "For sure, puro modern ang gagawin ng mga kaklase natin. Gawin nating mas simple pero maganda iyong sa atin."

"Saan naman tayo hahanap ng sanga?"

"Pagbaba natin, humanap tayo sa daan ng puwedeng gamitin."

At ganoon nga ang ginawa namin. Doon sa damuhang hinigaan ko, nakapulot kami ng puwedeng magamit. Pagdating namin sa bahay nila, kaagad naming inilabas ang mga kailangang materyales; glue stick, glue gun, popsicle stick at kung anu-ano pa.

"Kukuha muna ako ng makakain at maiinom natin," aniya at iniwan ako.

Sumalampak ako sa sahig kung nasaan ang gamit namin at pinag-aralan kung paano bubuohin ang dinrawing niya. Pagkabalik niya, nagsimula na kami.

"Bahay muna ba ang una nating gagawin?" tanong ko.

"Oo, pero sukatin muna natin para siguradong sasakto sa sanga na meron tayo," tugon niya. "I-measure na rin natin iyong butas sa sahig na papasukan ng sanga para hindi tayo mahirapan."

"Sige, ikaw na magsukat." Inirapan niya ako. Mahina ako riyan e. Baka mamaya mali ang magawa ko at masayang lang.

"Laging wala iyong mommy ninyo, 'no," pansin ko.

"Kailangan niyang magbalik trabaho e. Binabawi niya rin iyong mga pagkukulang niya noon sa work dahil sa akin."

"Kaya pala," tanging nasabi ko.

Napatingin naman ako sa kaniya ng buksan niya ang isang paksa na hindi ko inaasahang alam niya.

"How's your meeting with Cleopatra yesterday?"

"Paano mo nalaman?"

"I have my own means of knowing." Naalala ko si ate. Ganiyan din iyong sinabi niya sa akin noon e.

"Ayos naman. Nagpasalamat siya sa paghatid ko sa iyo," tugon ko. "Oo nga pala, nasaan siya?"

"Nasa school pa. Pero mamaya lang nandito na rin iyon." Napa-ah na lang ako. "Tell me the truth, may feelings ka pa ba sa kapatid ko?" Hindi ako nakasagot.

* * *

Umuwi ako sa amin sa Bulacan pero wala si papa dahil nasa trabaho. Bagamat nasa bahay si Janus dahil wala siyang klase, para pa rin akong nag-iisa dahil hindi siya nag-aabalang pansinin ako. Nakatutok lang siya sa libro niya at umaarte na para bang walang kahit sino siyang kasama. Simula noong mawala sa amin si mama, naging ganiyan na siya. Minsan nga naiisip ko na siguro ay masama ang loob niya kay papa dahil pumayag itong iuwi si mama kaya hindi natuloy ang gamutan. Ayaw kong pangunahan ang kapatid ko o gumawa ng conclusion pero base sa napapansin kong ikinikilos niya, sinisisi niya si papa. Papunta sana ako sa kusina ng dumating si Jeremy.

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon