Kabanata 39

1.9K 140 21
                                    

Kabanata 39.

PAREHO NA KAMING nasa room pero hindi kami nagpapansinan at para bang hindi kami magkakilala. Mabuti na lang at dumating na ang prof namin at nagsimulang mag-discuss kaya kahit papaano ay natuon sa ibang bagay ang isip ko. Hindi na ako sanay na ganito pero mukha namang wala siyang pakialam. Hindi ako ang unang hihingi ng pasensiya. Dapat matuto rin siyang tumanggap ng pagkakamali.

"Maaga ko kayong idi-dismiss dahil mayroon kaming meeting," ani ma'am. "Mag-review kayo dahil next meeting magkakaroon kayo ng quiz."

Nagsialisan na ang mga kaklase ko. Si Jordan naman, walang imik na inaayos ang mga gamit niya bago lumabas; hindi man lang ako nilingon. Hindi ako humabol. Nang makatanggap ako ng text galing kay ate, lumihis ako ng daan at kita ko kung paano ako sundan ng tingin niya.

Mambabatok

Lumabas ka muna ng school. Hihintayin kita sa malapit na kainan.

"Ano ang gusto mong inumin? Um-order ka," aniya pagdating ko.

"Ikaw ang magbabayad?" paninigurado ko.

"Ano sa tingin mo?" patanong niyang sagot.

"Naninigurado lang."

"Um-order ka na." Ilang minuto lang, dumating na ang cappuccino na in-order ko. Habang humihigop, nakikinig lang ako sa sinasabi niya. "Kailan ang uwi mo sa atin?"

"Baka siguro sa weekend kung walang gagawin," tugon ko.

Dumukot siya sa dala niyang bag at inabot sa akin ang isang maliit na lalagiyang papel.

"Para sa iyo iyan, idagdag mo sa panggastos mo."

Nailapag ko sa lamesa ang tasang hawak ko. "Huwag na, sa iyo na iyan."

"Huwag ka na ngang mag-inarte," pilit niya. Hindi na ako tumanggi ulit dahil baka makagawa lang kami ng eksena. Naglabas ulit siya ng panibagong sobre. "Pag-uwi mo sa atin, ibigay mo ito kay papa."

"Bakit ikaw?"

"Hindi ko pa mahanapan ng oras dahil pinagsasabay ko ang trabaho at training ko."

"Training?"

"Oo. Isang buwan din iyon bago ako tuluyang makapagtrabaho sa airport. At kung papalarin na mapili ng piloto, baka makasampa pa ng eroplano."

"Wow. Advance congrats."

Sandali pa kaming nag-usap bago siya nagpaalam. Kinabukasan, pagdating ng prof namin ay pinaayos niya ang mga upuan dahil magkakaroon daw kami ng quiz. Mukhang wala pa ring balak makipag-ayos si Jordan. Ni hindi man lang siya nag-abalang manguna. Ang taas ng pride. Pagkatapos ng exam, palabas na ako ng tawagin niya ako.

"Sumunod ka sa akin sa garden," aniya at naunang naglakad. Kung makapag-utos akala mo talaga siya ang batas e. Naupo siya sa ilalim ng puno kaya tumabi ako. Inilabas niya ang mga dala niyang pagkain na nakalagay sa mga tupperware at inabot sa akin ang isa. "Kumain ka," anyaya niya.

"Bakit ang dami mo yatang dalang pagkain? Ano ang meron?"

"Birthday ko," tugon niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Kinuha ko iyong may laman na salad. "Happy Birthday, Michael."

"Hindi ka naman nagtatanong."

At doon na nga tuluyang nawala ang pader na dalawang araw ding humarang sa amin.

Habang magkatabi kaming dalawa, panay lang ang usap namin na akala mo talaga ay wala kaming naging tampuhan.

"Sorry, Michael," pangunguna niya. Tinitigan ko siya. Hindi ako makapaniwala na siya ang unang nanghingi ng sorry. Humingi rin ako ng pasensiya. "Uuwi ako agad ngayon dahil aalis kami."

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon