Kabanata 42

753 53 0
                                    

Kabanata 42.

BIRTHDAY NI BUKNOY. At dahil eksaktong wala akong klase, magkakasama kaming magkaibigan na tumambay sa tambayan namin. Nakalatag ang sapin, may mga chichirya at juice, at tumutugtog nang malakas sa speaker ang Mga Praning ni Sir Kiko. Sumasabay kami sa pagkanta at bawat lirikong lumalabas sa bibig namin ay damang-dama namin. Maganda ang kanta, maganda ang mensahe, maganda ang pagkakagawa. Parang blind item na dinaan sa rap. Pero siyempre, ang pinakagusto namin ay iyong mensahe—walang maidudulot na maganda ang paggamit ng shabu. Eksaktong-eksakto talaga sa mga nangyayari ngayon. Ito ang klase ng musika na tinatawag na timeless.

"Saan nga ulit iyong school mo, Son?" tanong ni Buknoy. "Manila iyon, hindi ba, saan banda?"

"Bakit, bibisitahin ninyo ako?" patanong kong sagot.

"Sikretong malupit," si Buboy ang tumugon. "Surprise na lang." Nakangisi pa siya habang pinaglalaruan ang dalawang kilay at nakatingin sa amin.

"Boka," tanging nasabi ko.

"Nga pala, kumusta ka?" tanong ni Buknoy. "Ano na'ng nangyayari sa iyo ngayong nalaman mo na magkapatid si Patricia saka Jordan?"

Sandali akong tumingin sa kaniya. "Ano ba ang mangyayari sa akin?" pagmamaang-mangan ko dahilan para marahan niya akong suntukin sa braso.

"Sauce," anas ni Buboy.

"'Di . . . Hindi ko lang alam . . . May pagkakataon na naiisip ko pa rin si Pat . . . Minsan kapag magkasama kami ni Jordan iniisip ko na ano kaya kung si Pat iyong kasama ko?" pag-amin ko.

"Baka may nararamdaman ka pa talaga para sa kaniya," komento ni Buknoy.

Dumampot ako ng bato at ikinaskas iyon sa lupa. "Hindi ko alam."

* * *

Magkasama na naman kaming dalawa ni Jordan, nakaupo sa ilalim ng puno at kinakain ang biniling sandwich sa cafeteria. Walang umiimik sa aming dalawa. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapatingin sa kaniya at maalala ang sinabi niya noon sa Luneta . . . Ganoon din si Pat . . . Ang mga pagkakataon na bigla na lang siyang susulpot sa isip ko.

"Walang magagawa iyang pagnanakaw-tingin mo. Kung may gusto ka sa akin, magsalita ka. Huwag mo akong idaan sa ganiyan."

Inalis ko ang tingin ko sa kaniya. "Ang laki talaga ng bilib sa sarili." Sinadiya kong lakasan para marinig niya.

"Hindi ka titingin-tingin sa akin kung wala," katuwiran niya. "Matagal na tayong magkaibigan pero nitong mga nakaraan ka lang ganiyan . . . Umamin ka na kasi."

"Porke tumitingin?"

"Iba kasi ang ipinararating ng sa iyo. At isa pa, malakas ang pakiramdam naming mga babae. Kaya naming mahulaan kung may gusto ka sa amin. 'Yun nga lang, may iba na dini-disregard ang feeling na iyon dahil takot masabihan ng assuming."

"Disregard mo rin iyang sa iyo. Niloloko ka lang niyang pakiramdam mo."

"Ang dali-dali lang namang umamin. Magsasalita ka lang ng ganito, uy, Jordan, gusto kita . . . ."

Totoo naman iyong sinabi niya na madali lang umamin. "Pero hindi ang ma-reject."

Karamihan kasi hindi nilalabas ang totoong nararamdaman dahil takot na ma-reject. Hindi rin kasi madaling tanggapin. Apak din iyon sa pakiramdam at sa pride. Hindi ka patutulugin ng ilang araw.

Muli siyang humarap sa akin. "Don't worry, I won't reject you. Sure win ka sa akin."

Hindi ako umimik. Mataman ko lang siyang tinignan. Kung totoo ngang may gusto siya sa akin, paano ko sasabihin sa kaniya na baka may nararamdaman pa ako para sa kapatid niya?

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon