Kabanata 46

788 51 1
                                    

Kabanata 46.

PRESENTATION NAMIN SA STATS. Pormal na pormal ang suot ko; polo na kulay puti, itim na slacks at sapatos, kulay asul na necktie at itim na americana. Kahit ang buhok ko, hinati ko sa gilid bago nilagiyan ng wax. Pakiramdam ko sobrang linis ko ngayon. Kulang na lang briefcase at mukhang pupunta na ako sa opisina o korte para depensahan ang kliyente ko.

"Mukha akong business man a. Bagay pala sa akin e," puri ko sa sarili ko at muling ginalaw ang buhok. Bago tuluyang lumabas, tumayo ako nang tuwid sa harap ng salamin at inayos ang suot kong americana.

Pagbalik ko sa room, naabutan ko ang groupmates at mga kaklase ko na nasa labas. Nilapitan ko si Gerald, isa sa mga kagrupo ko.

"Hindi pa rin nagsisimula?"

"Wala pa ang mga panelist," tugon niya.

Pero mayamaya lang, dumating na ang mga hinihintay namin kaya pinagsimula na kaagad ang unang grupo. Habang nagpe-present ang mga iyon, pinasara ang pinto pero bahagiya ko iyong binuksan para makapanood at makapakinig. Pagkatapos i-present ng group one ang sa kanila, sinimulan na ang tanungan.

"Grabe," bigkas ko ng marinig ko ang tanong ng isang pannelist.

Paglipas ng halos isang oras, natapos ang unang grupo hanggang sa nagsunod-sunod at inabot na nga kami. Bago pumasok sa room, paulit-ulit akong nagbugtong-hininga para bawasan ang kaba na nararamdaman.

"Kaya mo iyan, Jackson. Mamaniin mo lang iyang presentation na iyan," pagpapalakas ko sa loob ko.

Pagpunta namin sa harap, nadatnan namin ang seryosong mukha ng mga panelist. Pagkaayos ng powerpoint, unang nagsalita ang leader namin bilang pagbati. Unang slide, si Gerald ang nagbasa, at sunod-sunod na. Ako sa panghuli. Nang matapos kaming magsalita, hinintay namin ang mga tanong.

"Pakibalik nga roon sa respondents," utos ng babaeng panelist na kaagad namang sinunod ng leader namin. "Bakit fifteen lang ang respondents ninyo?"

"'Yan na po kasi ang population ng mga kabataan sa baranggay na napili namin," sagot ng isa kong kagrupo.

"Sure kayo?" Ayaw niya pa talagang maniwala. "Parang imposible naman yata, hindi ba, sir?" Naghanap pa siya ng kakampi sa mga kasama niya.

"And kahit possible, kahit hindi na iyan gawaan ng research e. Puwedeng-puwede na lang na pumunta sa kung saan mang baranggay iyan at humingi ng data, since sinasabi ninyo nga fifteen lang talaga ang mga kabataan doon na siyang subject ninyo sa ginawa ninyong research," dagdag naman ng isa pa. Tumango-tango ang dalawa nitong kasama.

Sinubukan pa naming ilaban pero wala talaga; pinatigil lang nila kami. Nang lumabas na ang mga kagrupo ko, susunod na rin sana ako pero nakita ko na nagsulat ng grade sa papel ang mga pannelist kaya sinilip ko kung ilan ang nilagay ng isa, hindi ko kasi makita iyong sa iba.

Tiyanggala, 69 . . . seryoso ba talaga siya? Bakit hindi na lang ginawang seventy? Isa na lang pinagdamot pa. Pagkatapos ng lahat ng grupo, wala na kaming klase kaya naman nakipagkita ako kay Jordan at ikinuwento ang nangyari dahil na rin sa nagtanong siya.

"Bakit kasi fifteen lang ang respondents ninyo? Kung ako ang panelist, makita ko pa lang na ganoon, pahihintuin ko na kayo e."

"E ayun lang ang kabuuan ng kabataan doon e," katuwiran ko.

"Edi sana, nag-isip kayo ng ibang topic."

"Na ginawa naman namin pero laging nare-reject. 'Yun lang ang in-approve ni sir."

"Ewan ko sa iyo." Mukhang pagod din siyang makipagtalo sa akin.

"Ang ganda pa naman ng porma ko tapos butas lang pala iyong presentation namin," nanghihinayang talaga ako. Napailing na lang siya.

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon