Kabanata 28

2K 167 21
                                    

Kabanata 28.

NAKAYUKO SI JORDAN ng abutan ko sa room. Gusto ko sanang gulatin kaso hindi ko na ginawa dahil mukhang pagod. Pero mukhang naramdaman niya ang pagdating ko dahil pupungas-pungas siyang nag-angat ng ulo.

"Malapit ka ng ma-late," aniya.

"Malapit pa lang," sagot ko.

Mayamaya ay dumating na si sir na agad kaming binungaran ng anunsiyo tungkol sa ipagagawa niyang project. Gusto niyang pumili kami ng isang isyung panlipunan at gawan iyon ng documentation. Groupings kaya hindi gaanong mabigat. Ang kaso lang, hindi kami ang mamimili kung sino ang makakasama namin dahil tapos na niyang buohin.

"Fernandes, Chiongson, Laude, Castillo, and Alonto . . . Group number one kayo."

"How lucky of you na kagrupo mo ako," antok niyang sabi.

"Lucky? Nagsasawa na nga ako sa mukha mo e."

Naningkit ang mga mata niya't tinaasan ako ng kilay. "Talaga ba?" At hanggang sa matapos ang klase namin ay hindi niya na ako ulit pinansin. Nauna siyang lumabas, iniwan ako kaya hinabol ko para sabayan.

"Ano'ng problema? Bad mood ka yata," wika ko.

"Nagsasawa ka na sa mukha ko, hindi ba? Bakit nakasunod ka pa?" Ni hindi man lang siya nag-abalang tignan ako.

Seryoso bang sineryoso niya iyon? "Nagbibiro lang ako, sineryoso mo?"

Huminto siya, hinarap ako at inirapan. "Wala akong ganang makipagbiruan sa iyo ngayon." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Magso-sorry ba ako? Pero wala naman akong kasalanan.

"Ano ba ang problema?"

"Masama ang pakiramdam ko! Tantanan mo muna ako, please lang!"

"Kain tayo pares mami? Libre ko na . . . ."

Matagal niya akong tinitigan bago pumayag. Sa elevator, hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko lang na balutin kami ng katahimikan hanggang sa siya ang bumasag no'n.

"Bear with me, Michael," aniya. "Hindi naman ako palaging ganito e. Hindi lang talaga maganda ang timing ng biro mo." Natawa ako.

Tatlong araw siyang ganoon; tatlong araw na bigla na lang nagsusungit, nagagalit, at hindi namamansin pero tyinaga ko na lang. Sabi nga niya, hindi siya palaging ganoon . . . na totoo naman. Hindi siya palaging masungit at hindi namamansin dahil madalas siyang palaging may sinasabi gamit ang matalas na tabas ng dila niya. Biyernes ng magdesisyon kaming magkakagrupo na simulan na ang project na pinapagawa para sa susunod ay wala na kaming iisipin.

Luneta ang napili ng grupo na lokasiyon. Lagpas alas-nuwebe na ng umaga pero wala pa rin ang iba. Dalawa pa lang kaming magkasama at kitang-kita ko sa kaniya na aburido na siya kahit wala pa namang sampung minuto na nahuhuli ang iba. Nakasuot siya ng puting panloob, floral na blazer, itim na jean, puting rubber shoes, nakapusod ang buhok, at nakasabit sa leeg ang DSLR na gagamitin namin sa documentation.

"Hindi ka ba naiinitan? Naka-blazer ka pa," saad ko. Ako nga kasing naka-t-shirt lang grabe na ang tagaktak ng pawis siya pa kayang may patong ang suot? "Hubarin mo muna kaya iyan."

"Naka-spaghetti strap ako. Gusto mo lang yatang makita ang balikat ko e."

Ngumiwi ako. "Balikat mo? Hindi na lang."

Inis niyang binalingan ang suot niyang wristwatch at walang pasensiya na pumadiyak-padiyak. Kung nakapagrereklamo lang ang semento, malamang kanina pa siya pinagsabihang tumigil.

"Ang tagal nila! Lagot sila sa akin pagdating nila," ang kanina niya pang sinasabi.

"Sampung minuto pa lang naman tayong naghihintay," saad ko.

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon