Kabanata 49

809 56 11
                                    

Kabanata 49.

MAGKASAMA KAMI NI JORDAN na naglalakad sa Baywalk. Hapon na kaya kulay orange na ang paligid. Mabuti na nga lang at hindi ganoon karami ang tao ngayon kaya mas nakaka-relax ang lugar.

"Ngiti," utos niya sa akin. Pero dahil biglaan, imbis na ngiti, gulat na mukha ko ang nakuhaan niya.

"Para saan iyan? Ia-upload mo sa Facebook?"

"Hindi ako naglalagay ng mga pictures doon. Dito lang ito sa cam ko and ipi-print for memories," sagot niya. "Ako naman ang kuhaan mo."

Kinuha ko sa kaniya ang DSLR. Tumagilid siya kaya sideview shot ang nakuha ko. Sandali niya pa iyong chineck bago kami naupo sa lapag para subaybayan ang tuluyang paglubog ng araw.

"Michael," mula sa kawalan niyang tawag sa akin.

"Bakit?"

Umiling siya. "Nevermind." Hindi ko na siya pinilit na sabihin kung ano man iyon. Muli niyang inangat ang camera para picture-an ang dagat at kalangitan na nagpapareho na ng kulay. "What's your business tomorrow?"

"May exam kami sa Physics," sagot ko. "Puro exam . . . Nakakasawa na pero kailangang tiyagain." Tumawa ako. "May reporting pa nga kami sa Economics e. Akala ko pa naman ligtas na ako sa ganiyan."

"Ganiyan talaga iyan kasi nag-aaral ka," sabi niya. "Ano ang gusto mo, pasok lang nang pasok at walang assessment?"

"Gusto ko lang ng bakasiyon . . . Mahabang bakasiyon."

Halos tatlong oras simula ng makarating ako sa dorm ay saka ako nagsimulang mag-review. Ang sabi ni sir, lahat daw ng naituro niya ang magiging coverage ng quiz. Kung lahat ng lesson ay kasama, quiz pa ba iyon? Parang major exam na e. Binuklat ko ang notebook ko na parang kinahig ng manok ang sulat at sinimulan iyong basahin. Ewan ko kung ano ang nangyari sa handwriting ko. Dati naman maganda iyon e. Para akong baliw na kinakausap ang sarili habang tumitingin sa kung saan-saan at nagkakabisa.

"Projectile motion," sambit ko. "Anybody that is given an initial velocity and the follows a path determined entirely by the effects of gravitational acceleration and air resistance," paulit-ulit kong bulong. "Hindi puwede ito. Dapat humanap lang ako ng keyword para mas madali," kontra ko rin at muling binalikan ang nakasulat sa notebook. "Trajectory, ito naman iyong path na sinusundan ng projectile . . . ."

Ilang oras din akong ganoon hanggang sa katawan at mga mata ko na mismo ang sumuko. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nang magising, nakapatong ang notebook sa mukha ko at nakakalat pa rin sa sahig ang pinagbihisan kong damit na suot ko kahapon. During exam, nahirapan ako. Marami ang computation pero meron pa rin namang identification kaya alam kong hindi ako maze-zero. Hindi mahalaga kung ilan. Ang mahalaga ay may score. Ang kasabihan nga sa engineering, 'tres lang sapat na.' At kahit ayos na ayos na rin sa akin iyon kung ako lang, hindi ako puwedeng makakuha no'n dahil may grade ako na kailangang i-maintain. Palabas na ako ng university ng maisip kong puntahan si Jordan. Una ng 30 minutes ang out ko sa kaniya kaya siguradong nasa room pa nila siya.

"Ano ang problema?" salubong ko ng makasalubong siya sa hallway. Namumutla siya.

"Hinihingal ako." Umupo siya sa isang bakanteng upuan at tumabi ako saka siya inabutan ng bottled water na hindi ko pa naman nababawasan.

"Bakit, ano ba ang ginawa mo?"

"Nagpa-activity si sir . . . Kanina pa rin ako nandito sa school at galaw nang galaw . . . kaya siguro."

"Huwag mo kasing isubsob ang sarili mo sa paggawa ng mga bagay-bagay. Magpahinga ka rin," wika ko. "Teka nga. May lamok ba sa inyo, bakit ang dami mong pula-pula sa balat?"

Tinignan niya iyon at sandaling hinimas. "May aircon kami. Paano magkakalamok doon? Huwag mo ng pansinin iyan."

"At saka bakit may pasa ka, napaano iyan?"

Tinakpan niya iyon gamit ang kamay niya. "Huwag mo na ngang pansinin." Gusto ko pang magtanong pero hindi ko na lang ginawa. "Aalis ako ngayon, susunduin ako ni mommy."

"Saan kayo pupunta?"

"May sched ulit ako ng test ngayon."

"Ihahatid na kita sa labas."

Tumango lang siya at naunang naglakad. Paglabas namin ng school, sinalubong kami ni Tita Matgarita.

"Jackson," sambit niya sa pangalan ko kaya naman nagmano ako.

"Magandang araw po," bati ko.

"Magandang araw din sa iyo." Ngumiti ako.

"Nasabi po sa akin ni Jordan iyong pupuntahan ninyo. Ingat po kayo sa biyahe."

"May next class ka pa ba?" tanong nito sa akin. "Baka mahuli ka."

"Wala na po. Pauwi na rin ako."

"Mag-iingat ka rin."

"Opo."

"Mauuna na kami." Tumango-tango ako. Nang hindi ko na sila matanaw, umalis na rin ako.

Pagkatapos ng araw na iyon, nagsimula na naman ang pagdalang na makita ko siya sa university. Sa tuwing pumupunta ako sa room nila, puro, "She didn't attend our class today," ang isinasagot sa akin ng kaklase na kaibigan niya. Tumagal iyon ng ilang araw, linggo, at kapag pumupunta ako sa kanila, lagi akong tumitiyempo sa walang tao. At kahit sa mga text ko, wala siyang reply. Ganoon din si Patricia. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka may mali na naman akong nagawa at gusto silang ilayo sa akin ni Tita Margarita.

"Pa-load nga po," saad ko sa tindera ng may madaanan akong tindahan.

"Anong load, hijo?" Inilabas niya 'yung cell phone niya.

"'Yung may pantawag po." Binigay ko sa kaniya ang number ko at ilang saglit lang ay pumasok na iyong load. "Salamat po."

Madilim na dahil nga alas-sais na natapos ang klase ko ngayong araw dulot ng pa-make-up class ng isa naming professor. Tatawagan ko na sana si Jordan pero naunahan niya ako.

"Hello," bungad ko sa kaniya. "Nasaan ka, bakit wala ka sa inyo? Kagagaling ko lang doon."

"Kauuwi lang namin. Nagkasalisihan tayo."

"Ganoon ba."

"Let's meet."

"Sige, babalik na lang ako sa inyo."

"No need. Ako na lang ang lalabas."

Siya ang nagbigay ng lugar. Dahil mediyo nakalayo na ako roon, natagalan akong makarating. Pagpasok ko sa loob, naabutan ko siyang nakaupo, nakasuot ng jacket at humihigop ng kape.

"Michael," sambit ko at naupo sa upuang nasa harap niya.

Napatingin naman siya sa akin. "Bakit ang tagal mo?"

"Mediyo malayo na kasi ako rito. Galit ka?"

"Hindi," simple niyang sagot. "Ano ang gusto mong inumin? Um-order ka." Na ginawa ko naman.

Nang maibigay sa akin ang order ko, ako na ang unang nagbukas ng usapan.

"Bakit pala hindi ka pumapasok? Hindi ka rin nagre-reply sa mga text ko."

"Busy ako."

"Saan?" Nang hindi siya umimik, nagtanong ulit ako. "Kailan ka ulit papasok?"

"Nag-drop na ako." Natigilan ako at napatitig lang sa kaniya.

"Seryoso ka ba?" Hindi ako makapaniwala. Inaasahan kong sasabihan niya ako ng uto-uto dahil naniwala pero hindi.

"Yep." Humigop siya ng kape.

"Bakit?" Naguguluhan ako pero sa totoo lang, may ideya na ako kung bakit.

Inilapag niya ang hawak niyang baso at seryoso akong tinignan. "Nag-relapsed ang leukemia ko." 

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon