PROLOGUE

455 24 0
                                    

Prologue

~Yanna Elein Samonte~

Dinig ko na ang tunog ng kampana. The pink petals of rose is falling habang naglalakad ako sa red carpeted na aisle. Ito ang daanan ko patungo sa altar at sa lalaking papakasalan ko. My sight is a bit blurry dahil sa belong nakatabon sa mukha ko.

Nakangiti ako habang hawak-hawak ang bungkos ng puting mga bulaklak.

Papunta na'ko sa kanya...

The man of my dreams, ang lalaking gusto kong pakasalan.

Habang palapit nang palapit ako sa kanya ay mas lalong umaatikabong sa kaba ang dibdib ko.

Dahil siguro sa saya?

Tila abot ko na ang sky scraper or 'di kaya ay nakasakay ako sa ulap. Sa tuwa ko ay parang lumulutang ang puso ko at paa sa ere.

Nang tuluyan na 'kong makalapit sa kanya ay inabot niya ang braso sa'kin. Alam kong nakangiti siya pero hindi ko alam bakit ako nalilito?

Pero bakit ganu'n? Dahil ba sa belo na nakatakip sa mukha ko kaya malabo ang mukha niya?

Aabotin ko na sana ang kamay niya, nang makaramdam ako ng malamig na something sa mukha ko. Medyo napangiwi ako roon.

Kaya imbes na ang kamay o braso ng lalaking papakasalan ko ang aabotin ko. I touched my face instead.

Ano 'to? Bakit basa?!

"Hoy Yanna gising na! Ma-le-late na tayo!"

Ow shezz! Nawala ang lalaki sa harap ko, nawala ang magandang altar ng simbahan, nawala ang hawak kong bulaklak at ang umuulan na pink petals!

Tila umikot ang mundo ko at sa isang pitik ay bigla akong binalik sa realidad.

Panaginip lang pala 'yon?! Sayang!

Inis akong bumangon at nagkamot ng ulo ko, ni hindi ko pa mamulat ang mata dahil gusto kong balikan ang panaginip. Kinusot-kusot ko muna ang mata ko, nang tuluyan na 'kong makadilat ay bumungad sa'kin ang busangot na pagmumukha ni, Khenzie.

My number one enemy!

Pero bakit ganu'n? Ba't basa ang mukha ko? And then napatingin ako sa hawak na water gun ni, Khenzie.

Umalburoto agad ang sestima ko sa galit! Ang lalaking 'to umaga pa lang sinisira na ang araw ko!!

"Khenzie!!" Halos umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto ko ang sigaw kong 'yon.

"Bakit mo 'ko ginising! Ikakasal na sana ako eh! Epal ka talag-" natigil ako nang pinaulanan niya 'ko ng tubig gamit ang water gun na dala. "Ano ba!" Inis kong asik basang-basa na ang kama ko!

"Kasal-kasal ka d'yan! Kaka-Wattpad mo 'yan, bakiw ka na." Agad naman akong napairap sa dinada niya. Ke-aga aga sinisisi ang mahal kong Wattpad! Humalukipkip at tinignan siya ng masama.


"Ows, kesa naman sayo, ML ka nang ML wala ka naman natototonan!" Inirapan ko siya.

"Ano sabi mo?" Inis niyang asik, nakakunot na agad ang noo niya. Ang mga mata niyang singkit ay lalong naniningkit.

Sarkastiko akong ngumisi sa kanya. "'Yan! Sa lakas ng headset mo kaka- ML nabubungol ka na!" Sunggab ko.

Humalukipkip din siya tulad ko, gaya-gaya rin 'to eh no? "Anong walang natototonan? Mobile games can help you develope your mental health and skills. Compared naman d'yan sa Wattpad mo na puros love story lang hindi naman totoo, puros fiction!" Umirap ako sa sinabi niya. Pagtatalunan na naman ba namin ulit 'to?

"Nye nye nye! FYI Mr. ML Player sa Wattpad marami kang matototonang values in life na dapat ma-e-apply mo d'yan sa buhay mo!" I said emphasizing the last word.

"FYI din Ms. Wattpader, kaka-Wattpad mo, malaki na sira ng utak mo kaya ang layo na ng naabot ng imaginations mo. Tapos-"

Tapos... natigil siya sa pagsasalita kasi pumasok si Tita sa kwarto ko.

"Nag-aaway na naman ba kayo?" Nakapamewang pa si Tita nang pumasok. Sa itsura niya halatang ne-e-stress na naman siya sa'min. Si Tita Gen ay ang Mama ni, Khenzie.

"Si Khenzie kasi tita, manggigising na lang sinakto pa kung saan ikakasal na 'ko sa panaginip." Konti na lang ay maiiyak na talaga ako!

Parehas silang napabuntong hininga sa sinabi ko. Tumingin si, tita sa anak niya sunod nito ay hinawakan niya si, Khenzie sa tainga at piningot.

"Aahh, aray ko Ma!" Angil ni, Khenzie habang hinihila siya ni Tita palabas ng kwarto ko.

"Ikawng bata ka! Ang sabi ko gisingin mo si Yanna hindi basain ng water gun!" Sermon ni, Tita habang palabas sila ng kwarto ko. Ako naman ay binelatan lang si, Khenzie na ngiwing -ngiwi sa sakit ng pingot sa kanya ni, Tita.

Napahinga ako ng malalim pagkalabas nila, epal na lalaking 'yon!

Pero grabe, ang ganda na nang binabasa ko kagabi, sa kaka-isang chapter ko na lang nakatulog na 'ko! Sayang! Malapit ng matapos eh!

Yanna Elein Samonte ang pangalan ko, isa ako sa population ng 0.01% innocent Wattpaders.

Charrot lang, wala ng inosenting wattpader uy! Charrot lang ulit! Meron pa naman, mga 99.9 % 'yung sobra niyan, sila 'yon.

'Yung lalaki kanina, siya 'yung number one epal sa buhay ko! Si Khenzie, ang dakilang addict sa ML.


Unfortunately sa kanila ako nakatira for some reason, at sa tingin ko simula nang dumating ako sa bahay nila. Hindi na natahimik ang bahayng ito dahil sa bangayan naming dalawa ng anak ni, Tita.

Gusto ko ng katahimikan pero ayaw akong bigyan ng isa, sakit sa ulo, dibdib, panga, paa, mata, ilong, ar bibig ang lalaking 'yon! There's no peace in this house, kulang na lang ay mag world war three na kami rito!

_____

Welcome sa Trivino Series 03 mentals! If you haven't read Trivino Series 01 and 02 just check my profile.

I hope you guys will enjoy the story, no hate just love..




Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now