CHAPTER 41

85 8 0
                                    

CHAPTER 41 |Close|

~Cyan Khenzie Reñieva~

It's been 5 years since I realized to love this girl, and I didn't expect what she brought to my life.

She taught me positivity, happiness, enjoying life and of course what really loving someone means. I see myself as a better version now, and that is because I have Yanna. Looking back, I'm too far to my old self.

She's my inspiration, the reason why I woke up everyday with a smile, the reason why I'm excited to do my everyday work. Having her with me was my life's greatest blessing.

She's... everything to me, and I'll do everything for her.

Hindi ko maipaliwanag ang saya at fulfilment sa puso ko, everyday na nakikita ko siyang masaya at tumatawa. I'm always addicted to her smile, at sa tingin ko hindi ako kailanman magsasawa.

I love this girl so much, nakakatakot man pero sa tingin ko...hindi na ako mabubuhay ng wala siya.

"Lakas kumain," I commented, sa kamay niya ay ang plastic cups ng fishball, ang pisngi niya ay lumulobo na sa dami ng sinubo niya. Mabulonan ka sana, joke lang!

"H'wag ka ng epal, kumain ka na lang Khenzie." Halos hindi ko pa maintindihan ang sinasabi niya kakanguya niya.

Inagaw ko ang stick niya at ginamit 'yon pantusok sa fishball. I didn't mind Yanna's piercing stare at me, galit dahil kinuhaan ko ang fishball niya. Damot naman nito, gutom na gutom?

Kanina kasi ay nangyaya siyang kumain, gusto niya raw ng fishball kaya nandito kami ngayon sa labas ng university, uwian na kaya libre ang oras.

"Kumuha ka ng sayo!" Inis niyang inagaw sa'kin ang stick niya. What? Hindi naman ako LC, tsaka ano ngayon kung mag-share kami ng stick? We kissed a lot of times.

"Gutom na gutom? Kumain ka ba kanina?" I asked her, ganadong ganado kasi siya.

"Oo naman, sadyang nakaka-stress lang talaga ang araw na 'to kaya stress reliever ko ang pagkain." Aniya, ngumuso naman ako.

"Asuus, idadahilan mo pa ang stress mo, if I know dalawa bodega mo sa tiyan! Lakas mo kayang kuma~ aww."
Hindi ko na natapos ang sasabihin nang tinampal niya ang tiyan ko. Ang babaeng talaga 'to brutal! Ang hilig mamalo.

Nanlaki ang mga mata niya, ang kamay niyang pinampalo sa tiyan ko ay nasapo niya sa bibig, pagkatapos ay sumilay ang ngisi niya. I raised my eyebrows at her, ano na naman kayang kabaliwan naiisip nito.

"Tigas ah," aniya pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. I smirked at her. Abs 'yan bal! "Tigas ng buto mo bal!" Ok na sana kung hindi niya lang dinagdagan.

Tawang tawa siya habang umiirap ako. "Feeler ka rin eh no? Lumipas ang ilang taon buto buto ka pa rin! Payatot." Bakit ba lagi niya na lang 'yan i-ni-insist? I admit medyo payat at totoy pa ang katawan ko noong highschool pero ibang iba naman ngayon no!

Palibhasa kakabasa niya ng Wattpad, kung ano-anu ng kaperpektuhan ng lalaki ang naiisip niya! As if naman nag-e-exist 'yon sa reality? At kung meron man, hindi no'n papatolan si, Yanna.

Dahil walang ibang lalapit at magmamahal sa kan'ya kun'di ako lang. Ako lang dapat!

"Bakit nakita mo na 'to?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumisi naman siya at umiling.

"Hindi pa, pero ramdam ko Khenzie haha!" Ang sama ng babaeng 'to.

"Sure kang ramdam mo? Baka pagnahawakan mo manginig binti mo?" I teased her, agad namang nawala ang ngisi niya. I know it's kinda green, pero kung tutuosin mas green minded pa si, Yanna sa'kin.
Wattpader eh!

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Onde histórias criam vida. Descubra agora