CHAPTER 43

87 10 0
                                    

CHAPTER 43 |Success|

"Grabe! Ako naman akala ko nililigawan ni, Eng. Reñieva si, Architect eh." Segunda naman ni, Eng. Garing, umiling ako at ngumiti sa kanila.

"M-mag ex kami," medyo awkward kong sabi. I looked at Khenzie na hindi pa rin pinuputol ang tingin sa'kin.

It's our lunch break, I decided na sa Cafeteria kumain. Sakto namang table lang nila Khenzie ang available kaya dito kami naki-upo nina Architect Vallero at Architect Samari. Ayan tuloy na-ungkat ang past at napag-usapan.

"Akala ko talaga nagliligawan lang ang dalawa, kung hindi ko pa nakita ang picture frame ng graduation niyo ni, Eng. Reñieva sa table niya hindi ko malalamang matagal na kayong magkakilala." Eng. Garing stated, he's at his mid 50s, pero sobrang jamming niya sa mga bachelors na katrabaho niya kaya napapasama siya sa grupo nina Khenzie.

I looked at Khenzie to confirm Eng. Garing said, katabi ko kasi siya. "Dalawa kasi 'yung graduation pic natin sa kwarto ko kaya dinala ko rito ang isa." He answered so casual, ngumisi naman ako.

"Uyy ayeih sana all!" Architect Ayesha Samari teased me. Gumaya naman ang iba.

"Naabotan ko pa sila sa Trivino University, sweet na sweet nga ako sa kanila dahil lagi ko silang nakikitang magkasama sa campus." Eng. Fidalin said, she's fat and bubly super approachable ng features niya na bagay na bagay sa bubly niyang ugali. She's a Trivino University graduate, hindi ko siya nakita sa campus before pero siya nakita niya kami ni, Khenzie. She's our señior noong freshmen siguro kami.

"Sayang no? Pero halata namang may come back diba?" Tudyo ulit ni, Eng. Garing. Ngumisi lang ako at tumawa.

"So bale ilang years na kayong hiwalay?" Tanong ulit ni, Eng. Fidalin.

"Four years," nagkatinginan kami ni, Khenzie nang sabay kaming sumagot. Ngumisi naman agad siya sa'kin.

"Uyy, may spark!" Architect Vallero teased. Our lunch break end up of them teasing me and Khenzie. Hindi kasi nila alam na mag-ex kami ni, Khenzie. Some thought na magjowa kami, iba naman ay nagliligawan o 'di kaya'y matalik na magkaibigan. Kaya ngayon, kompirmado na ang relasyon namin ni, Khenzie.

Pagkatapos mag-lunch ay sabay na rin kaming umakyat sa mga floors namin. Magkaiba ang floors ng Engineering and Architecture pero parehong nasa mataas na palapag sa Cafeteria.

Khenzie hold my arms as we enter the elevator, punuan ang elevator kaya inaalalayan niya ako. I saw how their gaze lowered on Khenzie's hand on my arms. Dati naman na iyong ginagawa ni, Khenzie pero dahil nga sa napag-usapan kanina, mas lumala ang malisyang binibigay.

Some engineers and architect smirked, meron pang ibang inubo. Hay naku! Mas lalala pa ang asar nito sa'min.

The elevator beeped for the error, ayaw umandar dahil puno na sa kayang kapasidad nito. Masyado kaming marami na 'di na kayang iangat ng lift.

"Uy, 'yung iba baba muna." Some random staff na nakasabay namin said.

"Eng. Reñieva, Architect. Abarquez, kayo na lang bumaba. Quality time ayeihh!" Parang Baliw na tudyo ni, Architect Samari.

"Oo nga, para naman makapag-solo kayo, malay niyo may mapag-usapan." Malanding sabi ni, Eng. Fidalin. Natatawa na lang akong umiling. I looked at Khenzie who's behind me, walang salita tinanong ko siya kung payag ba siya sa gusto ng mga kasama. And it's like we have a choice, pinapalayas na kami sa elevator eh! Lakas din ng trip ng mga engineers at architects na 'to!

Hindi pa rin binibitawan ni, Khenzie ang braso ko nang marahan niya akong tinulak para makalabas sa elevator. "Geh, ako magpapalayas sa inyo sunod." Banta ni, Khenzie sa kanila.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now