CHAPTER 32

100 14 0
                                    

CHATER 32 |Gift|

Sa bilis ng mga pangyayari, pakiramdam ko panaginip ang lahat. Tsaka, kung panaginip man ito, ayaw ko na lang magising.

Hindi ko akalaing sa isang iglap lang ay magbabago ng tuloyan ang buhay ko. Isang pangyayaring minsan ko ng pinangarap at inakalang hanggang pangarap na lamang iyon, pero ngayon? Totoo na talaga.

It's been a week since the confession happened, kahit isang Linggo na ang nakalipas pakiramdam ko ay kahapon lang nangyari ang lahat. I'm still shock at medyo nawe-weirduhan sa adjustment na gagawin. Hindi talaga ako sanay, at ewan ko na lang kailan ako masasanay.

Ang bahay na minsan ko ng hinangaan ng lubosan ay 'di ko akalaing tinitirhan ko na ngayon. Everything felt so unreal, kahit ang makitang sweet sa isa't isa ang mga magulang ko ay napaka-weirdo sa'kin.

Hindi naman ako bitter pero napapangiwi ako sa t'wing nakikita silang sweet at sobbrang saya sa piling ng isa't-isa. Daig pa nila teenagers kung maglambingan. Syempre kinikilig rin naman ako, first time ko rin makita ang ganitong klaseng tuwa sa mga mata ni, mama. Sadyang weirdo lang talaga.

Sa tingin ko ay binabawi lang nila sa isa't isa ang napakatagal na panahong pagkakawalay nila, sa t'wing naaalala ko ang kwentong pag-ibig nila, pakiramdam ko matutunaw ang puso ko. Seeing them now, happy with each other is so amazing! Love is perfect, i'ts powerful and amazing. It's the thing that will shine brighter.

Matapos ang gabing nangyari sa bahay nina, tita Gen ay hindi na kami naka-uwi ni, mama. Doon na kami natulog sa dating kwarto, habang si papa naman ay umuwi sa bahay niya..

Kinabukasan noon ay sinundo niya kami ni, mama at tinulongang e-impake ang mga gamit namin. Seryuso talaga siya sa sinabing bobouin namin ang pamilya namin, nang araw ding 'yon ay masinsinang nag-usap sina mama at papa.

Sa pangalawang gabi namin ni, mama sa bahay na ito ay nakisiksik ako sa kwarto nila.

Isa 'yon sa mga pangarap ko noon, ang humiga at makitulog sa gitna ng mga magulang ko.

"Ma, Pa.." I bit my lower lip, sa dibdib ko ay yakap yakap ko na ang sariling unan. "Pwedeng makitulog?" Sa totoo lang ay nahihiya ako, pero gusto ko malaman kung ano ngaba ang pakiramdam nito.

"Seryuso ka, Yanna?" Natatawang ani ni, mama. Anong nakakatawa Ma? Parang ayaw niya pa akong patulogin dito, bakit gusto mong masolo si, papa, ma? Ano ba gagawin niyo?

Charring lang, ang halay ng utak ko. Pero why not? Gusto ko rin magkaroon ng kapatid no!

Heheh, charring lang ulit.

"Ngayon lang, promise." Tinaas ko pa ang index finger para ipakitang isa lang.

Nagkatinginan naman ang mga magulang ko, agad namang naningkit ang mga mata ko. May na-e-istorbo ba talaga ako?

"Payagan mo na ang bata, Yannie." Ani, ni papa. Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni mama, basta na lang akong sumiksik sa gitna nila. Pareho naman silang natawa sa'kin.

Sobrang laki ng kama nang master's bedroom. Kahit dagdagan ng isa ay talagang magkakasya kami.

Gusto kong maiyak nang sabay nila akong niyakap, ganito pala ang pakiramdam nito? Nakakatunaw ng puso, 'yung pakiramdam na secured ka sa bisig nila, damang dama mo ang pagmamahal nila.

"Pakiramdam ko, panaginip ang lahat ng ito." Nagsalita ako sa banayad na boses, sinasabayan ang katahimikan ng gabi.

"Ako ang magsasabi sayong hindi ito panaginip." Napangiti ako kay, papa si, mama naman ay banayad na hinahaplos ang buhok ko.

"This is the best Christmas gift ever, wala na po akong mahihiling bukod sa isang Jboy." I mean what I said, pero napangisi ako sa huling sinabi.

"Ano 'yon? Bibilhin natin," Seryusong sabi ni, papa. Pareho naaman kaming natawa ni mama.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon