CHAPTER 06

136 13 0
                                    

CHAPTER 06

Tinignan ko ang mga babaeng may dalang timba, hula ko ay ibubuhos nila ang timba na may lamang tubig sa taong nasa loob ng cubicle.

Alam kong dapat ay hindi ako makialam lalo na't bago pa lang ako rito sa Trivino High. Pero 'di ko naman 'ata pwedeng pabayaan na lang ang gagawin nila lalo na't hindi ito mabuti. Gamit ang paa ay sinagi ko ang paa ng babaeng may dalang timba!

Gaya ng ginawa ni, Deib Lohr Enrile, hehe! Pinatid ko.

Dahil sa katangahan esti, sa patid ko ay natumba ang babaeng may dalang timba ng tubig dahilan para sa kanya matapon ang tubig na siya mismo ang nag-ipon.

Meski ako ay napa-awang ang labi sa nangyari, pakiramdam ko ay namumutla ako sa sariling sa ginawa.
Gosh! Sira na ulo mo Yanna!

Basang basa ang babae, lumangoy siya sa tiled floor ng C.R. Agad naman siyang dinaluhan ng mga kasama niya.

"O my gosh! O my gosh Sanny!" Nataranta ang kasama niya, 'di nito alam ano'ng gagawin. Hahawakan ba ang kaibigan o hindi dahil mukhang nandidiri siya.

Napa-atras ako sa ginawa, nabangga ko pa nga ang sink dahil sa pag-atras ko. Umangat ang tingin ng babae'ng pinatid ko kanina. Sa init at galit ng tingin niya sa 'kin feel ko anytime ay matutusta na 'ko!

"You!" sigaw sa 'kin ng pinatid ko. Kung tama ako ay Sanny ang pangalan niya. Basang-basa ang uniform niya dahilan para bumakat ang pulang lacey bra niya sa loob.

"Ah," Nangapa ako ng sasabihin, sa isang iglap ay nakalimotan ko bakit ko ginawa 'yon.

"How dare you tripped me! How dare yo-" Natigil ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang cubicle kung saan sana nila ibubuhos ang tubig.

Ang babae ay hindi pa rin tumatayo mula sa pagkakatumba. Tumingin kaming lahat sa babaeng nagbukas ng cubicle. Agad kong namukhaan kung sino ito! Siya 'yong seatmate kong kulot na maganda!

"Gosh!" Tumaas ang kilay niya nang makita si, Sanny na naka-upo sa sahig at basang-basa. I saw a ghost of smile formed in her lips nang makita ang kalagayan ni Sanny nawala lang ito nang mapunta sa timba ng tubig ang tingin niya. Pagkatapos ay tumingin siya sa 'kin.

"Wala bang pool sa bahay niyo that's why you swim here?" sabi ng babaeng kulot. If my memory is serving me right at hindi kinakalawang, ang pangalan niya ay si, Nicole?

I heard the mean girls mentioned it earlier. Nakitaan ko agad ng inis ang mukha ni, Sanny dahil sa insultong tinamo kay Nicole.

Dali-dali siyang tumayo at hinarap si, Nicole. How they treat each other tila ba galit na galit sila sa isa't isa. Nicole is only smirking, tila ba tuwang-tuwa sa mga nangyayari. Sanny is showing the opposite one.

"How dare you said that!" si, Sanny kay Nicole. Seriously? Wala na ba siyang ibang litanya kundi puros "How dare you lang?" Kung ako 'yan kukuha ako ng maraming lines sa wattpad! 'Yung pangmalakasan! Gaya kay Candice Gonzales na, "Matuto kang gumalang sa mas nakakaganda sayo!"

"They're right, karma has its said. At mukhang nakarma ka nga!" Tumawa si, Nicole after ay tumingin siya sa 'kin.

"What are you talking?" Si, Sanny kunot na kunot na ang noo.

"I'm not deaf! I've heard your plan to me kanina. Seriously? When are you going to stop ba with your desperate acts?" Nicole said in with an irritating tone. Ako naman dito at ang kasama ni Sanny ay tila nanunuod lang nang sagupaan ng bida at kontrabida sa telebesyon.

Ganito 'yung uso sa mga Philippine drama's eh!

"Desperate? Excuse me? Kung meron mang desperada rito ikaw 'yon! Masyado kang desperada kay president! Nilaladi mo siya." Sanny said bluntly.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now