CHAPTER 14

115 12 0
                                    

CHAPTER 14 |Thanks|

Malaki ang bahay ni, Tito Elias, halata ring bagong tayo pa lang dahil bagong bago ang mga furnitures, appliances at iba pang gamit.

"Upo, muna kayo. Pasensya na medyo makalat pa ang bahay, hindi pa ako nakakapag-ayos eh." Tumango lang ako kay Tito Elias. Kailan nga siya naka-uwi galing ibang bansa? Last year?

"Naku! Wala pong problema, ang ganda nga po ng bahay niyo e." Si, Yanna sabay libot ng tingin sa boung bahay, the house is filled with gold and black things, may grandstair case rin na itim, at gold ang hawakan, the chandeliers are big and fantastic, halatang mamahalin.

"Nakakamangha ang designs. Sino pong architect niyo?" Yanna asked, napapansin ko rin na mahilig siyang tumingin tingin nang desinyo ng mga bagay.

Tito Elias laughed before answering Yanna's question. "Ako ang nagdesinyo ng bahay ko, I'm glad you liked it."

Namilog naman ang mga mata ni, Yanna. "Architect po kayo?" Gulantang na aniya, hindi niya alam na architect si, Tito at the same time businessman.

"Yeah, pero sa ibang bansa ako nagtrabaho, but now I'm back in the Philippines for good. You're up to architecteture? May plano kang mag architect?" Tanong ni, Tito kay Yanna.

Nahihiya naman itong tumawa at tumango. "'Yan po ang first in the list na pangarap ko." I don't know, pero namangha ako sa sinabi niya.

"That's good, you've choosen a paths to go already, mabuti 'yan. Anong grade na nga ulit kayo?" Tanong ni, Tito.

"Grade 11, Tito." Sagot ko.

"Yeah, dapat pag-isipan niyong mabuti ang kursong kukunin niyo sa college. College is not easy dapat passionate ka sa kukunin mo. Mahihirapan ka talaga pag hindi mo Mahal ang ginagawa mo." Tumango ako sa sinabi niya. I've always known Tito Elias as a man with a few words, bawat salita na bibigkasin niya ay may matutotunan ka talaga.

"Tama po kayo dyan!" Nakangiting saad ni, Yanna.

"Oh, feel at home. May kukunin lang ako sa taas." Anito na sabay naming tinanguan ni, Yanna. Pareho kaming umupo sa sofa at manghang tinignan ang desinyo ng bahay. Napuna ko rin ang napakaraming salamain nito.

"Grabe ang ganda ng bahay ng Tito mo, Khenzie. Kulang na lang sumigaw sa presyo ang mga materyales at gamit. Nahiya nga ang pwet ko umupo sa mamahaling sofa na'to eh." Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi niya.

"Idol ko na ang, Tito mo! Ang galing nang pagkagawa ng bahay." Aniya di pa rin mapirmi ang mga mata kakalibot.

Maya maya ay may dalawang kasambahay na naka uniporme ang lumapit sa'min at nilapag ang mga merienda sa mini table. Sa dami ng pagkain, sigurado akong hindi namin mauubos. Well ewan ko lang kay, Yanna malakas kumain 'yan. 'Di naman tumataba, ayos lang sakto lang naman din ang katawan niya, hindi payat, hindi rin mataba.

Ba't ko ba 'to sinasabi?

"Salamat po," Sabi niya sa mga kasambahay na nagdala ng pagkain.
Naka awang ang bibig niya na tila ba 'di makapaniwala sa mga pagkaing nasa harap niya. "Wow," I heard her whispered.

Meron lang namang, fries, pizza, chicken, nachos, tempura, at mga chips at orange juice bilang drinks.

"Ang dami naman nito, si, Tito talaga."
Pailing iling kong sabi.

"Oo nga, nakakahiya tuloy." Komento ni, Yanna.

Nakangisi ko siyang tinignan para asarin. "Ikaw may hiya?" Sarkastikong sabi ko.

"Ikaw uh! Grabe ka!" Sinamaan niya agad ako ng tingin.

"Joke lang haha, hiya hiya pa, pero deep inside nag cre-craive na 'yan." Tukso ko ulit.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now