CHAPTER 48

104 9 0
                                    

CHAPTER 48 |Love|

I asked myself before, what's the greatest happiness in this world?

Is it, love? Or is it peace? Or maybe lovely blessings that we wished for?
Ang dami naman, hindi ba pwedeng sabihin lahat gamit ang isang salita?

For me, it's fulfillment. The fulfillment in your self. Sa buhay kong ito, wala na akong mahihiling pa, I've fulfill my dreams, my family and my love.

I can't explain how happy I am, yesterday, today, tomorrow, and forever.

"Ano ba oras flight niyo?" Tita Gen asked us again, napadalaw si, tita Gen kay Khenzie sakto namang tinutulongan kong mag-impake ang epal. Ang haba haba ng time kahapon hindi nag-impake! Ngayong malapit na kaming umalis, tsaka lang siya gagalaw. Hay naku!

"Alas tres po," sagot ko kay tita. Tinupi ko ang damit ni Khenzie bago sinilid sa backpack niya. "Saan pa rito ang dadalhin mo Cyan!" Halos singhalan ko na siya. Ang galing galing kasi, ako nag-iimpake rito ng gamit niya siya naglalaro lang ng Mobile Legends.

"Huh?" Aniya ang mga mata ay nasa cellphone pa rin. Umiling lang si tita Gen bago nagpaalam na tataposin ang niluluto.

Umirap ako at busangot na humalukipkip sa harap ni, Khenzie. Prenteng naka-upo ang epal sa kama niya, nakasandal sa headboard, busy ang mga daliri kakadutdot sa cellphone.

Nilapitan ko siya at inis na pinalo ang hita niyang nakahantad. "Khenzie tinatanong kita!"

"Aw," ngiwi niya sabay himas sa hita niyang pinalo ko. "Aray ko bal, saglit lang malapit na victory na 'to." Aniya ayaw magpa-awat ang loko.

Inis akong napahilamos sa mukha ko, ito problema ko sa kaniya eh.

'Victory'

"Oh yeah victory bal!" Napasigaw ako nang bigla niya akong hinila sabay yakap sa'kin. Akala mo naman nanalo sa kung ano.

"'Yung mga gamit mo Khenzie!" Inis ko pa ring singhal.

"'Yan lang dadalhin ko. Ok na 'yan hindi naman ako katulad sayo na isang maleta talaga ang dadalhin." Ngumiwi lang ako sa sinabi niya, hindi na ako nag-side comment dahil totoo naman.

"Hay, bahala ka r'yan. Isasarado ko na 'to." Bumitaw ako sa kaniya at muling pinagkaabalahan ang bag niya.

Guess what? We're going to Cebu again! Sa parehong rason, kasalan ulit. Pero hindi sa Aloguinsan, this time we're going to a famous beach somewhere in Mactan.

It's Rhea and Shan's wedding! Akalain niyo 'yon? Nauna pang magpakasal sa'min ang dalawa. Shan's families are from Cebu kaya roon napagdesisyonang gawin ang kasalan, it's a beach wedding. Actually bukas pa ang kasal nila, but since kailangan pa naming bumyahe, it will take time and isa rin ako sa mga abay niya so we need to catch some shoots there at Happy Beach.

Kasabay naming bumyahe sina Nicole and Zaydel. I heard Audrey and Khaizer are coming too but I don't know much about that details. Siguro naman pupunta sila, Khaizer and Shan are bestfriends since we're highschool.

"Ayos ka lang?" I asked Nicole with concern. She's three months pregy now and medyo hindi maganda ang kalagayan niya. Hirap siya sa pagbubuntis dahil palagi siyang nahihilo o 'di kaya ay nasusuka. Ngayon nga ay namumutla ang mukha niya.

"Yeah, medyo nasanay na rin ako." Aniya sabay hilot sa sentido niya. Ako ang umaalalay sa kaniya dahil si, Zaydel ang may dala ng mga gamit nila.

"Hey, baby kaya mo?" Zaydel also asked with concern. Agad namang ngumiti at tumango si, Nicole.

"Yeah, of course." Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa. Nicole insisted to go, aniya ay hindi siya pwedeng mawala sa kasal ni, Rhea.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now