CHAPTER 45

108 10 0
                                    

CHAPTER 45 |Happy|

An: (I'm really not good at timeslots) December pa sa kanila guyz, hindi January... Sorry mali na naman.

_____

"Sorry bal," Khenzie bit his lower lip when he noticed I didn't eat waiting for him to finished playing. He put his phone down and held my hand to console me.

Agad naman akong umirap sa kan'ya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakapatong sa kamay ko. "Tsansing ka," puna ko roon. Agad naman siyang ngumuso.

"Nasaan tsansing dyan eh kamay lang 'yan?" Aniya na tinaas pa ang kamay kong hawak niya. Umiling ako sa kan'ya.

"Kain na nga tayo. Nagugutom na ako."

"Sorry," aniya, hindi nakatakas sa paningin ko ang pagngisi niya ng palihim.

"Okay lang,"

We enjoyed the food there, maganda ang ambiance, masarap pa ang pagkain.

Tinanong ako ni, Khenzie tungkol sa sasakyan ko nang nasa loob na kami ng elevator, paakyat sa floors ng unit namin.

"Kamusta naman daw 'yon? Epapa-junck shop na?" Umirap ulit ako sa kaniya. Puro na lang siya pa-junck shop pagusapang kotse ko. It's my first car, kaya naman mahirap bitawan.

"Hindi ko pa natanong pero e-che-check ko bukas." Sagot ko na lang sabay halukipkip, mabuti na lang at wala na akong bibisitahing site next week. Ni-clear ko na kasi ang sched ko.

"So that means, bukas sasabay ka sa'kin?" May panunuyang tanong ni, Khenzie.

Tumunog na ang elevator kaya lumabas na ako, sumunod naman siya sa'kin. "Naku! Mahal pa naman ang gasolina ngayon." Pagpaparinig niya, he stretched his arms pagkatapos ay inakbayan ako.

"Pwede naman akong mag-commute. Tsaka..." Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang naka-akbay sa'kin. Pagkatapos ay may naalala ako. "Bakit ka bumaba ng elevator? Hindi dito ang floor mo!" Singhal ko sa kaniya. Agad naman siyang ngumisi sa'kin.

"Nagugutom ako, pakain ako sa condo mo." Agad ko naman siyang pinanlakihan ng mata.

"Ano? Kakakain pa lang natin, gutom ka na agad?!" Nagpamauna akong naglakad at hinarangan siya sa daan. Habang siyay deritso ang lakad ako naman ay patalikod ang lakad dahil nakaharap ako sa kaniya.

"Nagutom ako kaka-drive." Seryusong aniya.

"May pagkain ka sa unit mo!" Singhal ko ulit.

"Hindi pa ako nakapag-grocery, tsaka nakakatamad kayang kumain mag-isa." He reasoned out, nagpatuloy naman kami sa lakad naming wala sa ayos.

"Aba! Pake ko kung wala ka ng pagkain doon. Tsaka wala na akong budget para sayo no! Pagkain ko lang 'yon para sa sar~" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may mabangga ako sa likod.

Agad nanlaki ang mata ko nang mabangga ko ang medyo may katandaan ng janitress sa floor namin.
"Naku, sorry po manang." Pagpapaumanhin ko.

"Ayos lang ma'am," aniya sa malumanay na boses. Bahagya pang nakayuko sa'kin.

"Ayos lang po ba kayo?" I asked her, katangahan kasi Yanna eh!

"Ayos lang po talaga,"

"Sorry manang, hindi ko po sinasadya." Ilang beses akong humingi nang paumanhin kay manang bago siya nagpaalam.

"Hala ka," ani Khenzie sa nananakot na boses. Dahil concern pa ako kay manang 'di ko na sinuway ang braso niyang nakaakbay naman sa'kin.

"Ikaw kasi eh!" Sisi ko sa kaniya. Agad naman siyang nagkibit ng balikat.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now