CHAPTER 39

77 7 0
                                    

CHAPTER 39 |Anger|

Ang plates na pinagtrabahuan ko ng ilang araw, ilang gabing pinagpuyatan ngayon ay basa at naninilaw dahil sa kapeng natapon.

I can't control my anger anymore, lalo na nang huminingi ng tawad si, Stevan, I'm sure she doesn't mean it.

Sa higpit ng pagkakahawak ko sa braso niya alam kong nagmarka na ang kuko ko roon.

Hindi naman talaga ako pumapatol sa mga atrabida, ngayon lang! Ang pisi ng pasensya ko ay ubos na para sa kanya. Kung alam ko ang rason niya bakit siya nagkakaganito maiintndihan ko eh? Kaso hindi ko alam anong problema niya sa'kin, wala akong pakialam sa mga taong may problema sa'kin, basta h'wag lang din akong papakealaman.

"Bitawan mo ko, masakit!" Nagpumilit siyang magpumiglas kaya mas/diniinan ko pa ang hawak sa kaniya.

"Talagang masasaktan ka pag 'di mo ko sinagot." Hamon ko.

Stevan smirked at me, she sarcastically looked at me na tila ba kahibangan ang mga pinagsasabi ko.

Bago pa siya makapagsalita ay pumagitna na sa'min sina Elaiza at Stevan.

"Yanna I'm sorry about your plates, it's my fault." Nakayukong humingi ng tawad si, Elaiza sa'kin agad naman akong umiling sa kaniya.

"No! It's not your fault, Elaiza sinadya ni, Stevan ang nangyari." Halos sigawan ko si, Elaiza sa frustration ko.

Binalingan ko ng isang masamang tingin si, Stevan. Like her usual face, kalmado at walang emosyon. Naputol lang ang titig ko sa kanya nang magsalita si, Reehnah.

"Yanna your plates, anong gagawin mo niyan? Pasahan na ngayon." Pressure automatically dawn on me, I looked at my ruined plates, hindi ko na alam anong gagawin dito. Pero baka may magawa pa 'ko?

Walang silbi kung papatolan ko ngayon si, Stevan I need to work on my plates!

Dali dali kong inayos ang bag ko, I put my things inside pati ang basa kong plates ay dinala ko rin.

"Yanna saan ka pupunta? Magsisimula na ang klase." Narinig ko ang sigaw ni, Reehnah pero 'di ko na pinansin. Deri-deritso lang ang lakad ko hanggang sa makababa ako at makarating sa tapat ng field may mga lamesa at benches doon kaya doon ko napiling pumunta.

Ngayon ay natataranta na 'ko, my mind is now clouded with so many things, hindi ko na alam anong iisipin bukod sa plates ko. Pabagsak kong nababa ang bag sa mesa ng isa sa mga benches, I also put my plates down and think of a way kung anong gagawin ko para maayos. Kung may paraan nga ba?

What if buhosan ko na lang ng kape ang ibang parts para pumantay ang kulay? Tapos patuyuin na lang?

Gosh, baliw ang magpapasa ng ganun!

Nang mapagtantong wala na 'kong magagawa sa plates ko ay sinubukan kong magdrawing ulit, alam kong hindi 'to matatapos ng ilang oras lang pero sinubukan ko pa rin. Absent na 'ko sa klase ko ngayon.

Hindi ko na napansin ang oras, nang dumami ang tao sa labas ay alam kong lunch break na. Wala akong balak mag-lunch sa sitwasyon ko ngayon.

Isang oras hindi pa 'ko nakakatapos, parang outline pa lang ang nagagawa ko.

"Arggh!" Nasabunotan ko ang buhok sa frustration, nasagi ng siko ko ang pencil case ko dahilan para mahulog ang ibang mechanical pencil ko. Tumigil ako sa pagdra-drawing, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Nag-iinit na ang sulok ng mata ko, walang silbi kong mag-aaksaya ako ng luha ngayon kaya pinipigilan ko ang maiyak.

Nasapo ko ang noo sa katangahang nagawa, tumayo ako sa kina-u-upuan at isa isang pinulot ang mga lapis at makers na nahulog.

Natigil ako sa pagpulot nang may tumulong sa'kin, nang iangat ko ang tingin sa kanya ay parang gusto ko na lang maiyak. Gusto kong mag-sumbong na napaka-toxic ng araw ko ngayon.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now