CHAPTER 50

119 8 0
                                    

CHAPTER 50 |Sweet Epilogue of Victory|

An: This is the last chapter, pero meron pang epilogue guyz. Thank you so much for all of your support. Thank you for letting me grow again.
See you sa Epilogue....💖

"Yanna, Yanna! Face here!" I smiled at Nicole na may hawak na camera. Sa likod niya ay sina, Rhea, Reehnah at ate Ri-Yel na pawang nakangiti.

Everyone's busy, mula sa photographer, videographer, make-up artists and some event organizer's staff. Lahat ay naka-abang sa bawat galaw na gagawin ko.

This day, this day is going to be the most memorable day of my life. Just a few hours from now, my life will completely change.

It will change for good, it will become better.

Marriage includes a lot of things, not just pleasure, happiness and all the positivity. It also includes responsibility, patience and all the negativity.


"Smile!" Nicole said as she clicked the camera.

Halo halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon, happiness, excitement, and fear. Finally! I'm going to marry my dream man.

Dati, nababasa ko lang noon sa libro ang mga ganitong eksena, nababasa ko lang kung gaano kasaya ang mga babaeng bida sa kwento sa t'wing papakasalan na nila ang lalaking mahal nila. But now, it's me. It's my turn, hindi ako makapaniwalang nandito na ako ngayon. Ako na ang inaabangan ng lahat, sa'kin nakatutok ang lahat. Ako ang babaeng pinakamagniningning sa araw na ito.

"I'm so happy for you girl," Rhea and Nicole gave me warm embraces. Gusto kong maiyak sa tuwa pero hindi pwede dahil masisira ang make-up ko.

Pakiramdam ko ang gaan gaan ko ngayon, tila lumilipad ang puso ko sa saya.

"Thank you girls," nagtawanan kaming tatlo. Hindi rin ako makapaniwalang kompleto kaming tatlo sa bawat kasal ng isa sa'min.

Sunod na yumakap sa'kin ay si, ate Ri-Yel. Her angelic face is smiling at me genuinely. "Congrats Yanna, bagay talaga kayo ni, Khenzie."

"Thank you rin ate Ri-Yel." We talked a bit, mahaba pa ang oras namin kaya may oras pa kami para magchitchat.

Bawat galaw ko ay nakasubaybay sa'kin ang camera. Kinakabahan na ako, ilang oras na lang makikita ko na si, Khenzie.

Marami pang relatives and extended families ang pumasok sa room ko para mag-greet at para na rin sa pictures and videos.

I started at my trage de boda na sout ng isang manequin, maya maya lang ay isosout ko na 'yon. Napuno ng tawanan ang kwarto habang inaayosan ako at ang mga bride's maid ko.

Some are my cousins, some are Khenzie's cousins. Reehnah's my made of honor, mabuti na lang at agad siyang pumayag nang hiniling ko sa kaniya, she immediately booked a ticket para maka-uwi sa Pilipinas sa araw ng kasal ko.

Everything's perfect and going smoothly.

Ilang oras ang makalipas at handa na ang lahat. Naiiyak pa si, mama nang sinundo nila ako sa room ko, kasama niya si, papa na tahimik lang.

"My princess is going to be married, ang bilis lang ng panahon." Aniya habang marahang pinipisil ang kamay ko. She gently wiped her tears, agad naman akong tumingala para hindi maiyak.

"Pinapaiyak mo naman ako ma eh," nakanguso kong ani. Ang gilid ng mga mata ko ay nag-iinit na.

"Ang ganda mo anak." Aniya sa'kin.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now