CHAPTER 13

135 13 0
                                    

CHAPTER 13 |Reminisce| 

I was too shocked to even move, ilang beses pa akong napakurap-kurap dahil hindi maproseso ng utak ko. Niyakap ako ni Yanna. Why is she crying?

"H-hey," I said trying to calm her down pero mas lalo lang siyang humagulhol ng iyak. Hindi ko alam anong gagawin, nagulat ako nang makita siyang umiiyak and then she suddenly hugged me.

Ang palad ko ay dumapo sa likod niya at hinimas ito, I don't know what I'm going to say kaya ang pagtapik lang ang nagawa ko.

"Nakakainis naman, eh!" aniya habang humihikbi.

"Hey? What's wrong?" nag-aalala kong tanong.

"Kailangan ba talagang mangyari 'yon para lang ituro ang humanity? Huhu!" Nakangiwi na nakakunot ang noo ko, ewan! Hindi ko ma picture out ang sarili.

"H-huh?" nagtatakang tanong ko, hindi ko siya maintindihan. "Bakit? Ano ba ang nangyari?" tanong ko ulit, sinagot niya Llang ako ng hagulhol.

"Bakit may mga taong ang sasama at selfish, huhu." Napailing na lang ako dahil wala talaga akong masabi.

I pulled her closer to me, I don't know what to do and to say. Magulo ang sestina ko, I can't stand seeing her cry. Ang tanging nagawa ko lang ay yakapin siya pabalik at tapikin ng paulit-ulit ang likod, hoping na makakatulong ito sa pagpapakalma sa kanya.

"Shush, it's gonna be fine," I whispered in her ears.

"S-si Peter kasi!" aniya at bumitaw sa yakap ko. Pinunasan niya ang mukha at sipon ng paulit-ulit, mugtong-mugto ang mata niya at namumula ang ilong at pisngi, pati na ang labi.

Napa awang ang labi ko sa binanggit niyang pangalan unti-unting nag-sink in sa utak ko ang binanggit niya. Is this the reason why she's crying?

Ng dahil sa wattpad?

Dang! Napapikit ako nang mariin, akala ko naman ano na nangyari sa kanya! Wattpad lang pala!

Napahinga ako nang malalim sa frustration at the same time relieved. Napa facepalm na lang ako sa kanya.

"'Yon lang iniyakan mo? Dahil lang sa wattpad?" singhal ko sa kanya. Ngumuso naman siya at tiningnan ako nang masama. "Akala ko naman na ano ka na d'yan!"

"Hoy! H'wag mong ni la 'lang' ang wattpad at ang iniyakan ko. You're not in my shoe at you don't know what I'm feeling," she fired.

Nakapamewang ko siyang hinarap, ibinuka ko ang bibig pero wala akong masabi. Just wow!

"Saka, 'di mo alam ang feeling na ganun lang ang mangyayari sa minahal mong character! Masakit!" puno ng hinanakit na aniya. Tila ba ako ang kontrabida sa binabasa niya kaya sa 'kin niya nilalabas ang frustrations niya.

Umiling na Lang ako, "baliw ka na." I seriously said.

"Ok lang mabaliw, pero sa tamang giliw ayeihh!" aniya sabay tawa.

Baliw talaga...

"Pero ang sakit naman nun? Paano na si, Behati ngayon?" aniya na maiiyak na naman.

See? Baliw talaga. Iiyak, tatawa, titilhi, mamaya magagalit, tapos kung ano-ano pa ang sasabihin. Hayst I will never be a wattpader, mas malala pa sila sa mga gamer!

Napakamot ako sa ulo ko nang pumasok sa 'kin ang isang ideya. Tiningnan ko si Yanna na ngayon ay walang tigil kapupunas sa luha niya.

"Ah a-no," I stuttered muli akong napakamot sa ulo ko.

"Hmm?" Baling niya sa 'kin.

"Ice cream? They said, pampatanggal daw 'yon ng. . .  lungkot." There, I said it.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now