CHAPTER 02

167 15 1
                                    

CHAPTER 02

Yanna's P.O.V 

Ng magsimula ang kainan, syempre nag-enjoy ako ng sobra, pagkain ba naman eh! Lagi namang nagluluto si Mama ng filipino dishes sa bahay, pero iba pa rin talaga kapag sa handaan ka kumain. Kapag ako talaga kinasal sa businessman, tapos may-ari ng mga chains of hotel! Naku, sa ulap ako magpapakasal.

Kasama ko sa table ang mga pinsan ko, hindi man lang nila ako pinapansin. Pakiramdam ko ay hangin lang ako sa kanila. Bahala sila! As if naman mamatay ako kung 'di nila ako papansinin no?

“Excuse me,” nagpaalam ako nang tumunog ang cellphone ko. Wala na namang may pumansin sa 'kin kaya lumayas muna ako sa venue.

“Hello?” si Mama ang tumatawag. “Kamusta ang kasal ng Ate Ri-Yel mo?”

“Ang ganda ng wedding nila, super bongga!” my mother chuckled.

“Send my congratulations to your Ate Ri-yel and Kuya Ronron. By the way, kamusta kayo ng mga pinsan mo? May naka-usap ka ba?” saglit akong natigilan sa tanong ni Mama. I chuckled lightly before answering her.

“Yes, Ma, nasabi ko na kay Ate Ri-yel ang pagbati mo. Pero sa ibang pinsan ko? Wala pa akong nakakausap, eh. Siguro nahihiya o 'di kaya na i-intimidate sila sa ganda ko kaya hindi nila ako in-approach. Tapos ano, galing pa akong America, baka takot sila na ma-nosebleed sa English ko.” Natawa ako nang tumawa si, Mama. Dito ako magaling, ang pagaanin ang sitwasyon. Aware naman ako na snob ang trato ng mga pinsan ko sa 'kin, bukod kay Ate Ri-yel. 

I don't know why they are acting that way? Maybe because I don't have a father? Or because my mother brought me to this world at a very young age? Because we're not rich like them? Or because they don't like me because I'm prettier than them?

Hindi ko na lang pinapansin ang trato nila sa 'kin. Nega na nga ang world magpapaka-nega pa ako?

“Oh, 'yung Tita Gen mo nakita mo na ba dyan?” tanong niya. Hala, muntik ko ng makalimutan!

Si Tita Gen ay ang bestfriend ni Mama since highschool. At dahil wala pa akong matitirahan dito sa Pilipinas, kina Tita Gen muna ako for the mean time. Nakausap na siya ni Mama, wala naman daw problema ayon kay Tita. Pamilyar na sa 'kin ang ginang dahil nakita ko na siya noon, kaso lang hindi ko na masyadong maalala dahil bata pa ako ng panahong 'yon. 

Si Cyan kaya kamusta na? Naaalala niya pa kaya ako? Si Cyan lang ang naaalala ko na kababata, siguro five years old pa lang kami noon. Magkasing edad kami pero hindi kami magkasundo dahil palagi niya akong binubully.

“Hindi ko po siya nakita sa event, baka po wala?”

“Nandyan si, Gen. Kamag-anak nila si, Ronron kaya hindi siya pwedeng mawala.” Ito namang si Mama, anong akala niya kay Tita Gen? Present lagi sa handaan? Charing lang!

“Kung makikita ko po si Tita Gen ngayon kakausapin ko po siya, pero bukas na lang ako pupunta ng bahay nila. Gabi na 'to matatapos, Ma at ayaw kong maka-istorbo sa kanila ng ganitong oras."

“Eh, saan ka matutulog niyan?”

"Nag-provide po ng hotel room sa 'kin si Ate Ri-yel. Doon ako matutulog ngayon." Dito na lang ako magpapalipas ng gabi, sayang kung hindi ko gagamitin. Baka mamaya makabangga ko sa hallway ang C.E.O ng hotel na 'to tapos siya pala 'yung forever ko diba?

“Sige, ingat lagi ah,” paalala niya. Ramdam ko sa boses niya ang lungkot. 

“Ayos lang ako Ma, nandito naman si, Paolo, eh.”

“Sinong Paolo?” alerto kaagad ang boses niya.

“Si, Paolo Johann Buenavista, bodyguard ko!" sabi ko sabay tilhi. Ang gwapo gwapo kaya ni, Paolo! Kahit blurred 'yung mukha niya sa imagination ko.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now