CHAPTER 26

109 11 0
                                    

CHAPTER 26 |Chat|

Mula kagabi ay gulong gulo pa rin ang isip ko. Napakaraming tanong at conclusions ang nabobou sa isip ko, pero hindi ako sigurado lalo pa at wala akong ebedinsya sa mga naiisip.

Kagabi ay hindi na ako pinayagan pang makabalik sa sala ni, tita Gen at muling maharap sina, tito Elton at Stevan.

Saglit kaming naka pag-usap kagabi ni, tita Gen at nanghingi siya sa'kin ng tawad sa ginawa niyang pagsigaw sa'kin kagabi, nabigla lang daw siya dahil hindi niya inaasahan ang mga panauhin. Hindi rin siya nag explain sa naging reaction niya at kung bakit pina akyat niya kaagad ako sa kwarto ko kagabi.

"Yanna, sana maintindihan mo ako. Para rin 'to sayo." The only assurance tita Gen gave me last night. I believe in her, siguro naman hindi nila 'to gagawin kung para lang sa wala.

Pero kahit ganun hindi ko pa rin maiwasang umasa, kung ang ama ko man ay si Tito Elton, masaya akong nakita ko siya kahit saglit lang kagabi, at pagnagkataong siya nga ang ama ko magiging kapatid ko si, Stevan. Stevan Iagani's seems nice ano kaya pakiramdam na magkaroon ng kapatid? Will she like me?

Ayoko mang isipin at umasa sa possibility na 'yan pilit pa ring sumisiksik sa isip ko ang isiping iyon.

Hindi rin nakatakas sa'kin ang reaction nina Tito Elton at Stevan nang malaman nilang anak ako ni, Yannie Samonte.

Tito Elton's face was calm that time, pero nakita ko ang pagkislap ng mata niya, gulat at pagtago ng ngiti. Hindi ako sure sa reaction ni, Stevan dahil hindi ako sa kanya nakafocus noong time na 'yon. I heard her mentioned my mom's name, kilala niya rin si Mama? Pero, ang pagkakasabi niya sa pangalan ni mama ay tila galit o iritado! Ewan, gulong gulo na ako.

Kung pwede ko lang ihampas ang ulo ko para hindi na magulo ang isip ko ginawa ko na kanina pa. Ang tanging nagpakalma lang sa'kin kagabi ay si, Khenzie.

Last night he chatted me, ewan ko anong trip nun! Nasa kabilang kwarto lang naman siya may pa chat chat pa siyang nalalaman!

Cyan Khenzie Reñieva:

ar u sleeping?

Parang arabo naman mag chat 'to!

Mag ta-type na sana ako ng reply nang makita kong nag ta-type ulit siya.

Cyan Khenzie Reñieva:

Obviously not, online ka eh.

Yanna Elein Samonte:

Hindi pa ako tulog.

I replied, a simple chat from him makes me feel lighter, pakiramdam ko ay sinisilaban ang tyan ko dahil may kung ano akong nararamdaman.

Cyan Khenzie Reñieva:

How are you?

Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti. Hindi ko maiwasang isipin na may care rin pala ang isang 'to! Kanina noong hinatid niya ako sa kwarto ko ay tahimik lang siya, wala rin naman akong imik kaya hindi niya ako naka-usap ulit.

Yanna Elein Samonte:

Ito, nag-iisip ng mga bagay bagay.

Cyan Khenzie Reñieva:

Paano?

Nangunot ang noo ko sa reply niya, anong paano? Ang gulo naman nito kausap.

Yanna Elein Samonte:

Huh?

Cyan Khenzie Reñieva:

Paano ka kako mag-iisip eh wala ka namang utak. 😏

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Место, где живут истории. Откройте их для себя