CHAPTER 30

104 13 0
                                    

CHAPTER 30 |Father|

Kunot noo kong tinignan ang hawak na litrato, kahit anong tingin ko ay kamukha talaga ni, mama ang nasa litrato eh. Younger version of my mother, sa larawan ay pareho silang naka red checkered na polo, habang may headband naman na pink ang babae. Pareho silang nakangiti sa larawan, they looked happy.

Lumipad na naman ng napakalalim ang isip ko, dahil sa nakita. Hindi ako namamalikmatang si, mama ito, siguradong si mama ito. Plus the fact na, magpinsan sina Tita Gen, at tito Elias, hindi impossibling kilala ni mama si, tito Elias.

Pero bakit sila may ganitong larawan? Are they friends, or more than that?

Sa litrato ay naka-akbay si tito Elias kay mama, masaya sila at may kung ano sa ngiti nila. Naalala ko tuloy ang sinabi ni, tita Gen sa'kin noon, alam kong nagsinungaling siya sa'kin noon pero may pinaniwalaan naman ako sa sinabi niya.

She told me, that my mom used to have a lot of suitors back when they're still college, pero sa lahat ng manliligaw ni mama isang lalaki lang talaga. Is it tito Elias?

May tubig na tumulo sa litratong hawak ko, bahagya akong nataranta kasi baka masira ang larawan.

The drop of water came from my eyes, hindi ko napansin ang pagluha ko. Bigla na lang bumigat ang pakiramdam at ang paghinga ko.

Nakakapagod na kasing mag-isip at manghula, I deserve the truth about my father, but I understand my mother.

Sa gabing 'yon ay hindi talaga ako pinatulog ng maayos dahil sa mga iniisip ko, kung saan saan na lumipad ang utak ko kakaisip ng mga possibilities and what if's.

Kung totoo ang sinasabi ni, tita Gen at ang larawan na ito ang magpapatunay
anong kinalaman ni, tito Elton dito? Bakit ganun na lang ang galit ni, tita Gen nang makitang bumisita si, tito Elton sa bahay niya? Bakit hindi niya gustong magkita kami ni, tito Elton.

Sa totoo lang gulong gulo na talaga ako sa lahat, may parte sa'kin ang masakit kasi umasa akong si, tito Elton na nga ang ama ko, pero ano na naman 'tong bago kong nakita?

Pati ang possibilidad na kung si, tito Elias ang papa ko, at kung paano kami maaapektuhan ni, Khenzie ay naisip ko na rin.

Kaya naman kinabukasan ay bangag na bangag ako pagising ko. Ang aga pa nagtext ni, Nicole na meet up daw kaming tatlo ni, Rhea sa caffe ngayon kaya maaga rin akong nagising.

Naging mabagal ang kilos ko sa umaga dahil walang gana ang katawan ko, ang bigat pa ng ulo ko, pakiramdam ko ay may nakadagang hollowblocks.
Pati eyebags ko ay nag he-hello na rin.

"Ma, makikipagkita lang ako sa kaibigan ko, dyan lang kami sa caffe malapit lang." Paalam ko kay, mama nang dumating ang hapon, hapon kasi ang usapan namin nina Nicole.

"Ow, sila ba 'yung sinasabi mong new friends mo?" She asked me.

"Yes ma," tango tangong sabi ko.

"Why not you invite them here? Para naman makilala ko sila?" Masaya ako sa sinabi ni, mama pero next time na lang siguro.

Mabuti naman at pinayagan ako ni, mama na umalis, pagsakay ko ng taxi ay may text message kaagad galing kay, Nicole.

From: Nicolette Hernandez:

Hey! Where na u guyz ba? Don't be matagal huh....

Hindi na ako nagreply pa dahil papunta naman na ako sa Heavens Caffe and Restaurant doon kasi kami magkikita.

Pagdating ko ay, si Rhea lang ang nakita ko. "Nasaan si, Nicole?" Tanong ko pagkatapos umupo sa tapat niya. Umirap naman si, Rhea bago sumagot.

"Anong aasahan mo doon eh always late 'yon?" Aniya, natawa na lang ako. Ang lakas magmadali sa text eh siya naman pala 'tong late!

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now