CHAPTER 10

145 15 2
                                    

CHAPTER 10 |Sunday|

~Yanna Elein Samonte~

"Ako?" sabi ni Khenzie habang nakaturo sa sarili niya.

Ako?! Nye-nye niya! Nek-nek niya!

Nag la-lie low na nga ako sa kanya dahil alam kong may kasalanan ako sa kanya. Ayoko namang mag-sorry ulit kasi diba sinigawan niya ako? May kasalanan din siya.

Tanging pag-iwas na lang ang ginagawa ko pero sinabihan ba naman akong pangit?!

Hmmp! Sa ganda kong 'to? Sinabihan akong pangit! Never pa akong nalait ng ganun!

"Ayy, hindi, hindi," sarkastikong sinabi ni tita Gen.

Inaasahan kong tatanggi siya pero nagulat ako sa sinagot niya, "Bahala kayo!" aniya at kamot-ulong nag martsa paalis ng kusina.

Nanlaki ang mga mata ko, totoo? Si Khenzie sasamahan ako sa tailoring shop? Aba himala!

"Saka ipasyal mo na rin itong si, Yanna! Hindi pa siya nakaka gala mula nang dumating siya rito!" Nagulat ako sa pahabol na sigaw ni tita kay Khenzie habang paakyat ito ng hagdanan. Hindi naman sumagot si Khenzie hanggang sa narinig na lang namin ang pagsirado niya ng pinto sa taas.

Ngisi ngisi namang humarap sa akin si tita Gen. "Naku! Mabuti pang mamasyal na lang kayong tatlo bukas kesa naman buong araw kayong magkulong sa mga kwarto niyo! Puro lang naman kayo cellphone! Tsaka diba hindi ka pa nakakapasyal simula nang dumating ka rito, Yanna?"

Tumango ako kay Tita Gen. Na e-excite ako tuwing naiisip na papasyal kami bukas, pero napapangiwi ako sa tuwing naiisip na si Khenzie ang kasama ko. Ano ba yan! Mag aaway lang kami nun!

"Kayo po tita? Di kayo sasama?" I asked.

Umiling naman si Tita Gen sa 'kin, "Naku! Kayo na lang, maglilinis na lang ako rito sa bahay," aniya.

Kinagabihan ay sabay kaming lahat na nag hapunan, si tita naman ay plinaplano na kung saan daw kami magandang mamasyal, tahimik lang kaming tatlo nila, Khaiden sa hapag. Ayoko naman e paramdam na excited ako, though halata na sa ngiti ko ang expresion.

Pagkatapos maghugas ng plato ay umakyat na ako sa sariling kwarto at kinuha ang 100 percent charged ko ng cellphone. Hehehe alams na this!

Syempre self first before anything else. Nag toothbrush muna ako, naghilamos at nagbihis ng pantulog para mamaya, diretso tulog na lang.

Matapos ang evening routine ay humilata na ako sa kama. Imbes na dumeritso sa Wattpad App, inuna ko muna ang FB na 'di ko pa nabubuksan simula kanina.

Friend requests lang naman ang dumami at notifications. May two messages ako kaya 'yon ang inopen ko.

Una ay sa GC ng classroom namin. Pangalawa ang kay Khenzie na hindi ko na replyan kagabi dahil nag wattpad na 'ko.

Cyan Khenzie Reñieva:

What are you doing?

Nangunot ang noo ko sa chat niya. Ba't niya naman e cha-chat 'yan?

Anyways hindi ko na lang ni replyan kasi nakakahiya naman, kagabi pa nag chat ngayon lang rereplyan? And I guess it's nothing important.

I logged out my FB at nag wattpad na.

Ang ganda ng story na binabasa ko ngayon, about siya sa friendships. Nakaka inspired talaga magbasa ng ganitong klaseng mga kwento.

Nakatulogan ko na ang pagbabasa. Nagising na lang ako sa isang maingay na katok.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now