CHAPTER 11

108 12 0
                                    

CHAPTER 11 |Debate|

Sobrang bilis ng panahon, it's been a month since nag-transfer ako sa Trivino High. Medyo tumahimik na rin ang pangalang Yanna Elein Samonte. Siguro ay nasanay na sila sa presence at beauty ko. Hehe charing lang!

Things are still the same, bukod sa medyo nasanay na ako sa bagong surroundings ko. Mas naging close kami nila Rhea and Nicole. Madali lang silang pakisamahan kasi may mga pagkakapareho rin kaming tatlo. Pareho kaming mga maiingay at maloko.

Khenzie and I are still the same, asaran pa rin at bangayan. Syempre anong aasahan mo sa aming dalawa? Pero ang mabuti ay wala na kaming major na away, puros minor lang haha!

Napapadalas na rin ang pagkontak ni Mama sa 'kin. Halos araw-araw na nga siyang nakikipag-skype at kinakamusta ang araw ko. Isang beses ko ulit na tinanong ang tungkol sa papa ko ngunit wala talaga eh, ayaw sabihin ni mama.

Tuloy ang plano kong unti-untiin ang lahat. Malaking bagay na sa 'kin na pinayagan ako ni mama na umuwi ng Pilipinas.

Maghihintay lang ako kung kailan niya balak sabihin. Syempre habang naghihintay ako, kailangan ko ring kumilos. Kung may oras, plano kong hanapin ang iba pang kaibigan ni mama during high school and college, magtatanong ako sa kanila.

Vacant namin ngayong araw kaya tambay kami sa washroom. Busy si Nicole at Rhea kaka-check ng mukha nila sa salamin. Ako naman ay wattpad lang ang inatupag, super exciting na ng story!

I heard Rhea and Nicole talking about bet, nakikinig lang ako habang nagbabasa ng wattpad, kung minsan naman ay sumisingit ako sa usapan nila.

"Nicole, pag may gusto may paraan. Pag ayaw may dahilan." Narinig kong sabi ni Rhea. Pinipilit niya si Nicole dahil ayaw patulan ni Nicole ang bet ni Rhea. May e-se-seduce raw sila.

“Dzuh! Saan naman galing ang saying mo na 'yan Gracia? Sa lola mong oldy?" sagot ni Nicole.

"Lola mo patay!" Rhea fired back.

Nagkasagutan pa sila kaya sumingit na ako.

"Ano ba 'yan, ang lalabo niyo! Kanina lang usapang landian, ngayon naman patayan," singit ko.

"Shut up, Yanna!" maarti akong napahawak sa dibdib ko dahil sabay nila akong sinigawan.

May sinabi pa si, Rhea na nagpapayag kay Nicole. "Fine!" si Nicole.

"Aper!" Nag aper kami ni Rhea nang pumayag si Nicole.

Nae-excite ako para kay Nicole. May nabasa kasi ako, sa wattpad 'The Bet' ang title, meron pa nga 'yung movie na ginampanan ni Liza Soberano at Enrique Gil na naging Just The Way You Are, ang title.

Sa kwento ay nagsimula sa bet ang love story nila. Kaya malay natin, maging ganun din love story ni Nicole.

Nang hapon ding 'yon ay tinulungan namin si Nicole na ma execute ang plano niya.

Tuwang-tuwa ako habang naglalakad sa parking lot kasi success ang plano namin kanina.

"Hmm, may baliw na namang hindi naka-merienda." Ang ngiti ko ay napalitan ng ngiwi nang umepal na naman ang epal na Khenzie.

"Epal ka," ani ko at inirapan siya.

"Para kang baliw ngumingiti mag-isa d'yan," aniya.

"Mind your own business dude!" nginiwian ko siya at pumasok na sa loob ng kotse. Agad din naman siyang pumasok sa kabila.

"How's school?" tanong ni tita Gen. Si Khaiden ay nasa front seat na at naglalaro na naman ng Roblox.

"Nakatayo pa rin," pabalang kong sagot, ginagaya si Maxpein hehe. Nagtataka akong tiningnan ni tita Gen kaya nag-peace sign ako at ngumisi. "Joke lang Tita, ayos lang po ako sa school, pwera sa isa d'yang. . ." binitin ko ang sasabihin at tiningnan ang katabi kong si Khenzie. "Zero sa test," tumawa ako at benilatan siya.

"Huh? Bakit?" nag-aalalang tanong ni tita Gen pati si Khaiden ay napatingin na rin sa 'min.

"Pinagmamalaki mo 'yang dos mo?" Sa sobrang sama ng tingin ni Khenzie sa 'kin ay pwede na akong masunog.

"At least may dos, kaysa sa itlog," sabay irap ko.

May surprise quiz kasi kami kanina sa History, linsyak na lecturer walang pasabing mag qu-quiz pala siya! Hindi tuloy kami nakapag-review, puros pa naman pangalan ang mga isasagot. Mas nakakabanas dahil dapat ay complete name pa!

Nang nag-exchange paper, saktong papel nibKhenzie ang tsi-chekan ko.

Nilagyan ko ng corrected by: Asawa ni Wade Rivas. Pero mas lalo akong natawa sa mga sagot niya.

1. Miya

2. Fanny

3. Alucard

4. Guinevere

5. Nana

6. Ewan

7. Leomord

8. Hilda

9. Zhask

10. Apolinario Mabini.

Marami silang nakakuha ng zero at uno, kasama na sibNicole at Rhea kaya proud na proud ako sa dos ko! Syempre highest si Zaydel. Perfect, sana all.

"Alam mo? Bawas-bawasan mo kaka-ML mo, pati pag-aaral mo dinadali mo!" Iling-iling kong pangangaral sa kanya.

"Tsk, ikaw ang dapat magbawas sa kaka-wattpad mo. Masyado ka ng ilusyonada. Pati papel ko sinusulat-sulatan mo ng kung ano-ano, asawa ni Wade Rivas huh!" sabat niya.

Humalukipkip naman ako, " Mas mabuti na ang wattpad marami kang matutotonan, kesa naman sa ML mo d'yan."

"Matututunan? Ano namang matututunan mo d'yan? Eh, puros lang naman 'yan mga 'di makatotohanang storya at akala mo 'di ko alam na maraming SPG sa wattpad huh!" aniya.

"Oy! Anong 'di makatotohanan! Some stories were based on a true stories, at FYI hindi lang puros love story ang wattpad meron ring aral sa buhay, tungkol sa pagpapatawad, paghihiganti, pagtayo sa sariling paa, pagpaparaya at marami pang iba! Saka hindi lang romance ang genre ng wattpad, meron ding science fiction, mysteries, vampire, wolves, action, historical fictions at marami pang iba," ratrat ko sa kanya. Huh! Huwag niya akong hahamonin sa debate!

"Kahit ano pa man 'yan, nakakasira pa rin ng mata," aniya.

"Oh, bakit ang mobile legends hindi?" sarkastikong sabi ko. "Puros lang naman kayo pindot-pindot at trash talk d'yan, eh! Wala naman kayong matututunan!" sabi ko.

"Anong wala? Sa mobile legends marami kang matututunan skills, mga mental skills gaya ng pagpaplano at tamang preparasyon. ML will helped you make a goal, matututo ka ring abutin ang goals mo. At ang pinakaimportante sa lahat, sa paglalaro ng ML bonding na 'yon sa mga barkada niyo, plus matututunan mo pa ang essence ng teamwork at pakikipag cooperate. Gets mo?" aniya. Inirapan ko lang siya dahil kahit anong sabihin niya hindi ko kailanman ma ge-gets 'yon.

"And then? Basta tapos ang usapan the best pa rin ang Wattpad, pwede kang mag-share ng talent mo sa pagsusulat."

"Oh bakit? Hindi ba talento ang paglalaro ng ML? Eh, official sports na nga 'yon,eh."

"Kids nasa bahay na tayo."

"The best ang wattpad!"

"The best ang ML!" sigaw namin sa isa't isa.

-----

Wade Rivas of Mapapansin Kaya? by Jonaxx.

Maxpein of He's Into Her by Maxinejiji.

The Bet story of ilurvbooks

------

Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon