CHAPTER 08

121 11 0
                                    

CHAPTER 08 |Alis|

Kasabay nang lagapak ng cellphone ni Khenzie sa tiles ay ang pagsigaw ng nilalaro ko kanina.

Defeat!

Agad akong kinabahan nang masalubong ang deritsong titig sa akin ni Khenzie.

Hindi ko rin akalain na may mas ikukunot pa ang noo niya, mula sa mata ko ay bumaba ang tingin niya sa cellphone niyang nasa sahig na.

Abot-abot na ang tahip sa dibdib ko lalo na nang humakbang siya palapit. Sobrang bigat ng mga hakbang niya, feel ko pagnakalapit siya sa ‘kin ay oras na ng paghatol ko, o 'di kaya ay kamatayan ko na.

I'm dead.

Nanginginig ang binti ko nang lumuhod si Khenzie para pulutin ang iPhone niya.

Tila napipi ang dila ko sa kaba pero kailangan kong magsalita. Pinakialaman at nahulog ko ang cellphone niya napakasama ng kapangahasan ang ginawa ko.

Aligaga akong tumayo, "I'm sorry, hindi ko sinasadyang m-mahulog ang cellphone mo,” paghihingi ko ng tawad.

Pero tila déjà vu ang nangyari, tulad nang una naming pagkikita sa kasal ni, ate Ri-yel at kuya Ronron ang paghingi ko ng tawad ay walang silbi dahil ngayon ay busy na siya kapipindot sa cellphone niya, walang balak na makinig sa akin dahil sa iba naka focus ang attention niya.

Mas lalo pa akong kinabahan nang makita ko na ang galit sa kanyang mga mata at ang ilang ulit niyang pagbuntonghininga. Halos hindi na rin mawala ang kunot sa kanyang noo.

Gusto ko sanang matawa dahil nanlalaki ang butas ng ilong niya sa frustration o galit pero pinigilan ko ang sarili ko. Langya!

Tinignan ko ang screen ng cellphone niya at hindi naman nabasag ang screen, wala namang damage right? Ba't ganyan siya kagalit.

"Khenzie, sorry 'di ko sinasa--"

"I don't need your sorry." Pinutol niya ang sasabihin ko at halos manindig lahat ng balahibo ko sa katawan sa lamig nang pagkakasabi niya.

"P-pero m-may nasira b-ba? P-papa--", hindi ko na rin maintindihan ang panginginig ng labi at pagkakautal ng mga salita ko. Akala ko sa wattpad lang may utal utal na salita, pero totoo pala talaga siya sa totoong buhay lalo na't pag kinakabahan ka.

" Alis." Isang salita na 'di ko maproseso sa utak ko.

"K-khenzie, I'm so--"

"Ang sabi ko, alis," matigas na aniya.

Napa-awang ang labi ko sa sinabi niya.

"Anong problema? M-may na-na-nasira ba s-sa--"

"Can't you understand me? Hindi mo ba naintindihan ang salitang alis?" Binaba na niya ang cellphone niya at tinignan ako nang puno ng galit, mas lalong lang akong 'di naging komportable.

"Nahulog, 'di-di ko s-sinasadya," hopeless kong sinabi. Hindi ko maintindihan, this is so not him.

"You can't do anything, just leave!" Nagulat ako at ilang beses na napakurap sa sigaw niya.

Nanginginig ang mga kamay at binti ko sa takot dahilan para automatic na umatras ang mga paa ko at tumakbo paakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto ko.

Nang tuluyan na akong makapasok ay agad kong sinarado ang pinto at doon humilig habang humihinga ng malalim dahil sa pagtakbo ko sa hagdanan.

May namumuong luha sa gilid ng mga mata ko kaya agad akong tumingala, sobrang bigat ng dibdib ko na kahit anong gawin kong inhale at exhale ay ayaw mawala.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now