CHAPTER 28

121 15 0
                                    

CHAPTER 28 |Books|

~Cyan Khenzie Reñieva~

This girl is crazy, really really crazy. Kung mang-inis at mangbara siya grabe. Palagi ko na lang tuloy natatanong, ano ba'ng nagustohan ko sa kanya?

"Uy, Khenzie! Sorry na." Aniya habang hinahabol ako. "Sige na, maniniwala na akong may abs ka." Huh, I scoffed this girl is really crazy.

Tumigil ako sa mabilis na paglalakad kaya nakahabol siya, nakangiti pa siya talagang tuwang tuwa sa pinaggagawa niya.

"Hindi ka bumili ng libro?" I asked her, wala kasi siyang dalang pinamili. Umalis lang ako sumunod na agad.

"Hindi, titingin lang talaga ako." Aniya sabay iling.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko, natawa naman siya sa'kin. Kanina pa siya tawa ng tawa.

"Anong bakit Khenzie?" Natatawang tanong niya. May nakakatawa ba sa tanong ko.

"Hindi mo bibilhin 'yung Possessive?" Tanong ko, ulit.

"Ah, 'yung poseve poseve?" Sa inis ko ay inirapan ko siya, malay ko ba sa pangalan ng librong 'yon! "Haha, joke lang ano ka ba! Hindi naman ako nagbabasa ng Possessive Series, yung cover lang talaga tinignan ko."

"Bakit?" Tanong ko ulit.

Nagkibit siya ng balikat, mukhang may gusto siyang sabihin pero nahihirapan. "Ah ano, maraming BS eh." Kumunot ang noo ko.

"Anong BS?" Tanong ko ulit, malalim naman siyang bumuntong hininga.

"Maraming bed scenes, kaya hindi ako nagbabasa ok?" Aniya, ngumiwi naman ako.

"We? 'Yang mukhang 'yan 'di nagbabasa ng bed scenes?" Inirapan naman niya ako.

"Bakit? Ano bang meron sa mukha ko?" Aniya habang nilalahad ang mukha. "Maganda raw ang stories ng possessive series kaso 'di ko kerrie ang bed scenes eh. Masyadong wild."
She giggled after saying that.

"Bumili ka ng libro." Natigilan siya sa sinabi ko, nagkamot naman ako sa ulo, ah how should I say this?

"Bakit?" Siya naman ang nagtanong ngayon.

"Nandito ka na rin lang malapit sa book store bumili ka na ng libro." Sabi ko sa kanya.

"Huh?" Kainis, ang hina naman pu-mick-up nito.

"Hutdog, tara na nga lang."Sabi ko pagkatapos ay nagpamauna ng naglakad.

"Hoy, Khenzie!", Agad naman siyang sumunod. "Bakit e li-libre mo ko?" Malalaki ang hakbang ko kaya lakad takbo ang ginawa niya para lang masundan ako.

"Oo, sana kaso ang tagal mo."

"Hala! Tara balik tayo ng book stores dali." Na-e-excite na aniya hinila niya pa ang braso ko para lang tumigil sa paglalakad, 'di naman ako nagpatinag.

"H'wag na, gutom ka na diba?" Masungit na ani ko.

"Ang daya," she then pouted, she's cute when she do that. "Paasa ka," aniya na tinawanan ko lang. "Ay, pagkain!" Aniya nang mapansing nasa food court na kami ng mall.

Napailing na lang ako. Masaya akong babalik na ang mama niya dito sa Pilipinas. Kaya lang may parte sa loob ko ang nalulungkot, alam kong pagdumating na ang mama niya lilipat na siya ng tirahan. Mahirap pag nasanay ka na sa isang bagay, iisipin ko pa lang na wala na ang ingay ni, Yanna pag umaga ay nakakalungkot na. Nasanay na akong nandyan siya lagi malapit sa'kin, kaya kapag lumipat na siya ng tirahan 'di ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kaya ko siya inayang lumabas cause I want to spend her remaining time with us, with me.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon