CHAPTER 44

95 7 0
                                    

CHAPTER 44 |Tease|

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko, I stretched my body pagkatapos ay kinuha ko na ang cellphone ko at pinatay ang alarm. It's another working day for me!

I did my morning rituals bago pumasok sa trabaho, pagkatapos maligo ay dumeritso na ako sa kusina para magluto ng almusal ko.

After one year of working on Dominggo Group of Companies I chose to live separately with my parents. Nagpapaka-independent naman na ako kaya nilubos lubos ko na. Mas convinient din ang paglipat ko sa condo unit na ito, ten minutes lang ang drive papuntang companya.

Though I always missed my parents, nagsikap pa rin akong tumira mag-isa. Kapag hindi busy t'wing weekends palagi akong bumibisita sa kanila, monthly naman nagpapatawag ng brunch si, papa kaya madalas ko pa rin silang nakikita. Lalo na si, papa na nakakasalamuha ko minsan sa trabaho.

And gustong gusto ko ring umuwi sa bahay, kasi palagi kong nami-miss si, Yurri. Yurri's my lil brother, para may pagkaabalahan sa buhay my parents decided to adopt a child, and that's why Yurri came. He's really adorable and cute, namimiss ko lagi ang charm niya! Ang saya pala magkaroon ng kapatid.

After eating my breakfast naghanda na ako sa pag-alis, I checked my unit and my things. Hinagilap ko na rin ang susi ng kotse ko. Hindi naman hectic ang sched ko ngayon, bukod sa may pupuntahan akong site at iilang meetings.

I pressed the elevators down button and wait for it to open. Nang bumukas ito ay nakangising mukha ni, Khenzie ang bumungad. Automatic naman akong napairap, I forgot to mention! Ang baliw na 'to ay bumukod din kay tita Gen, pipili na lang ng condominium kung nasaan pa ako nakatira! He's living just above the floor of my unit, in other words kapitbahay ko lang siya.

"Convenient kasi malapit sa kompanya, hindi kita sinusundan no! H'wag kang masyadong feeling." I can still remember his words before when I asked him about it. Umirap lang ako sa kaniya, like I have a choice? Maaaring 'yon nga ang rason niya pero, maniwala?

"Morning pangit," he teased me. Ang aga mang-asar.

"Morning baliw," I lazily answered. Kaming dalawa lang ang tao sa elevator nang bumaba na ito.

"Saan ka ngayon?" He asked me. Hindi ito ang unang pagkakataong nagkasabay kaming bumaba, at pumasok sa trabaho.

"Sa opisina lang, may bibisitahing site mamaya. Ikaw? Anyways kamusta nga pala 'yung proposal mo sa mga Grench?" I asked him, malaking eskwelahan kasi 'yon kaya malaking project. Ngumisi siya sa'kin, pag-gan'yan alam ko na agad.

"Congrat me, I'll be working with your ex-crush." May halong pait na aniya, agad naman akong bumuhakhak ng tawa.

"Send my regards to him, sabihin mo kinakamusta ka ni, 'architect Yanna Abarquez!" I said emphasizing my name. Ang tinutukoy niyang ex-crush ay si, Eng. Khaizer Grench, 'yung captain ng Trivino Busters dati? Kapatid or kakambal kasi, ni, Eng. Grench ang magpapagawa ng paaralan kaya makakatrabaho ni, Khenzie si, Khaizer.

Pagkatapos umirap ay tinaasan ako ng kilay ni, Khenzie. "Bakit ako? Ikaw magsabi." Iritadong aniya. Ngumisi naman ako at sinakyan ang asarang ito.

"Sige ba! Kailan ang ground breaking? Isama mo 'ko para makamusta ko siya ng personal." I teased him.

"Hindi ka imbitado!" Aniya sa masungit pa ring tono. Hindi ko na napigilan ang pagngisi.

"Seloso," bahagya kong sinuntok ang braso niya. Pabiro niya namang binangga ang braso ko gamit ang braso niya kaya natulak ako ng konti.
Binalik ko ang ginawa niya, binangga ko rin ang braso niya gamit ang braso ko, mas malakas nga lang sa'kin. Binalik niya ang ginawa ko, kaya gumanti ako ng mas malakas, muntik na siyang mabuwal sa gilid kung hindi niya lang tinukod ang palad sa pader ng lift.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon