CHAPTER 27

115 12 0
                                    

CHAPTER 27 |Sundate|

"Goodness!" Napabalikwas ako ng bangon nang makitang umaga na. Gusto kong maglupasay sa iyak nang pagbangon ko ay sumalubong ang repleksyon ko sa salamin na may napakalalim na eyebags. Halos hindi ako makatulog kagabi kakaisip sa araw na 'to.

Linggo ngayon at mamayang hapon na ang uwi ni, mama hindi naman halata na excited ako no? Syempre ngayon din ang araw na lalabas kami ni, Khenzie. First date yata to?

Napa-iling iling ako sa sarili, baliw na nga ako mag-isa akong nakangiti sa salamin. I did my morning rituals, handa na ang mga susoutin ko para sa araw na'to. Because of my excitement yesterday I already prepared the things I'll be needing for this day.

Pagkatapos maligo ay bumaba muna ako para makapag breakfast, si tita Gen lang ang naabotan ko sa kusina.

"Oh, morning, Yanna." Tita, Gen greeted me, matamis naman na ngiti ang sinukli ko.

"Good morning din po, tita. Tulungan ko na po kayo dyan."

"Ang saya mo yata ngayon ah?" Puna niya sa'kin, pinaningkitan niya pa ako ng mata.

Mas lalo naman akong nangiti, "syempre po ngayon ang uwi ni mama." Tumango si Tita Gen sa'kin.

"Kaya nga, excited din ako sa pag-uwi ni, Yannie sobrang tagal na naming hindi nagkita. Nga pala sinabihan ko si, Khenzie na maaga kayong umuwi."

Tumango ako, I bit my lower lip to stifle my smile. Nakakahiya namang ipakita kay, tita Gen na kinikilig ako.

"There's really something going on between you two." Iniwas ko ang mukha kay tita Gen, para siyang imbestigador sa paniningkit ng mata niya.

Naalala ko kagabi noong nagpaalam kami ni, Khenzie na lalabas ngayon ay malisyosa ang ngit niya sa'min dalawa, syempre nakakahiya.

"Yanna, baka may gusto kang ipagtapat?" Sa gulat ay agad akong napatingin kay tita Gen. Seryuso na siya ngayon pero 'di pa rin mawala ang ngiti sa labi niya.

"Po? Ano naman po'ng ipagtatapat ko?" Ngumuso ako, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko.

Ngumisi si, tita sa'kin, "hay kabataan nga naman!" Aniya, "anyways gusto ko lang sabihin na kung ano mang namamagitan sa inyo ni Khenzie ay masaya ako para sa inyong dalawa. H'wag niyo lang kalimotan ang pag-aaral, at the same time mag-enjoy muna kayo dahil bata pa kayo." Pakiramdam ko ay pulang pula na ang pisngi ko sa pinagsasabi ni, tita Gen.

"Wala naman po'ng namamagitan sa'min ni, Khenzie." Nakangusong sabi ko, tawa naman ang sinukli ni tita Gen sa'kin.

"H'wag ka ng magkaila Yanna. I saw how Khenzie changed nang dumating ka sa buhay namin, kaya alam kong espesyal ka kay, Khenzie."

Pakiramdam ko ay tahimik na sumabog ang confetti sa puso ko, hindi ko alam na ganito pala kasaya ang marinig ang mga ganitong bagay.
"Tita naman eh," 'yon na lang ang nasabi ko.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Biglang sumingit si, Khenzie. Ang hilig hilig talagang sumingit ng lalaking 'to!

"Huh? Wala ah ano lang ahm, wala." Tumango tango pa ako para talagang convincing. "Tita ako na po ang maglalagay ng plato." Sabi ko sabay alis. Chismoso naman ng lalaking 'to, saglit na nagtama ang mata namin at base sa kunot ng noo niya ay nagtataka siya.

"So? Saan tayo pupunta?" I asked Khenzie, naka sakay na kami ng Taxi ngayon siya lang naman may alam saan kami pupunta.

Pero infairness, ang gwapo ni, Cyan Khenzie ngayon ah? Naka itim na jeans siya at baby blue na polo, nakatupi hanggang siko niya, he's messy long hair was pushed on the side kaya naging malinis 'yung mukha niya tignan.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now