CHAPTER 15

123 10 0
                                    

CHAPTER 15 |Price|

~Yanna Elein Samonte~

I enjoy the day with Khenzie, at least may kabaitan din pala sa sestima niya kahit puros pang-aasar ang inabot ko magdamag. Nabiyayaan pa ako ng blessing galing sa Tito Elias niya. Gusto ko nang basahin ang librong ibinigay niya kaso huwag muna.

Nakahilata lang ako sa kama nang marinig kong tumunog ang laptop ko. Tumatawag si Mama sa skype. Agad akong tumayo at inayos ang sarili, may muta pa ang mata ko!

“Ma! Morning!” masigla kong bati.

“Morning sa inyo.” Tipid siyang ngumiti sa ’kin kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

“Ayos ka lang po dyan? Ang tipid ng ngiti mo, Ma. Walang bayad ngumiti!” Umiling siya at natawa sa ’kin.

“Huwag mo akong alalahanin, anak. Ikaw? Kamusta ka dyan? Wala bang. . . kakaiba?” Bahagyang Kumuno ang noo ko.

“Po? Wala naman po, maayo ako rito at kasundo ko ang lahat ng tao sa bahay.”

“Mabuti kung gano'n. Akala ko lang ay maninibago ka dahil wala ako sa tabi mo.” Medyo nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Mama. I sighed heavily before forcing myself to smile again. Pakiramdam ko ay may mabigat na bagay ang dumagan sa ’kin. 

“I love you, Ma. Miss na po kita.” I smiled warmly at her. I guess those words are enough to assure her.

I love my mother so much, she's the best and I'm already contented with her. But I think my life will not be complete without it's missing piece, and that missing piece is my father.

“Miss mo na ako? Then come back here.” Tuluyan nang nawala ang ngiti ko. Sa halos dalawang Buwan ko rito sa Pilipinas, ngayon lang niya ako sinubukang pauwiin. Hindi ’yon maganda dahil lalo lang akong mahihirapang hanapin ang papa ko.

“Miss na po kita, Ma pero nasimulan ko na po ang buhay ko rito. Nasa maayos akong school at may mga kaibigan din po ako. Sina Nicole at-”

“Alam ko namang umuwi ka dahil gusto mong mahanap ang ama mo.” Naitikom ko ang bibig. Yumuko ako at bumuntong-hininga nang malalim.

“Alam ko, Yanna. Kahit alam ko pinayagan pa rin kita kasi 'yon ang ikasasaya mo. I don’t want to be selfish, may karapatan kang makilala siya. Pero anak, aaminin kong hindi ako handa na ibigay ka sa kanya.” Nagulat ako nang makita siyangng umiyak. How I wish na nasa tabi niya ako, I felt guilt inside me.

“Mama, hindi naman po ako mawawala sa inyo. Gusto ko lang po siyang makilala, ’yon lang po ’yun."

“You’re saying that kasi hindi mo pa siya nakikita. Takot akong kapag nakilala mo siya ay iiwan mo na ako.” Sobrang sakit sa mga puso ng pinagsasabi niya. I will never do that, I will never abandon her.

“Ikaw ang nagpalaki sa ’kin at sa ’yo ako nagmana diba? We’re together forever?" Ang pinipigilan kong luha ay tumulo na talaga. I'll never thought finding my father will be this hard.

Pinunasan niya ang luha at kinalma ang sarili. “Funny how I named your first name after me, and your second name after him.”

Pagkatapos naming mag-usap ay natulala na lang ako sa kisame. Sa unang pagkakataon, may binanggit si mama na may kinalaman sa ama ko.

“My first name was after my mother's name. Yannie na naging, Yanna. Ang second name ko naman ay galing sa Papa ko. Ano kaya ang pangalan niya? Elemer? Elton, Elias, Elion, Eion? Ah! Ewan!” Napapadyak ako sa ere, sumasakit na ulo ko kakaisip.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon