CHAPTER 21

124 12 4
                                    

CHAPTER 21 |Aloguinsan|

"O my! Ang laki na ni, Cyan!" Salubong sa'kin ni, tita Madrid pagkarating sa bahay nila. Nagmano agad ako at ngumiti rito sinalubong niya ang pagbaba namin sa Van.

"Magandang hapon po, tita." I formally said.

"Magandang hapon din sayo ijo!" Aniya halata ang pagmangha niya sa itsura ko marami nga naman ang nagbago.

"Ate!" Si mama sabay yakap kay, Tita.

Nagkamustahan sila saglit, pinuna rin ni, Tita. Madrid si, Khaiden. Pati si, Yanna ay nagmano kay tita ngiti ngiti naman si, Tita kay Yanna.

"Pasok na kayo! Dali!" Aya niya sa'min.

"Sige po, kukunin ko lang po mga gamit namin." Paalam ko. Tumango naman sa'kin si, mama at si tita Madrid.

Nagsimula na silang maglakad pero hindi gumalaw si, Yanna lahat kami ay napatingin sa kanya.

"Ah, sasama na lang po ako kay, Khenzie tutulongan ko po siya sa gamit." Aniya.

Ngiti ngiti naman si, Mama at tita.
"Kabataan talaga ngayon eh no?" Komento ni, tita Madrid.

"Sige Yanna, hayaan na natin sila ate." Sabi ni mama at inakay na si, tita Madrid papasok.

Kunot noo namang lumingon sa'kin si, Yanna. Kaming dalawa na lang ang naiwan.

"Oh? Ba't ka nagpaiwan?" I asked her. "Gusto mo kong makasama?" I teased her, syempre gusto ko rin siyang makasama.

Umiling siya sa'kin ang nalilitong reaksyon niya ay nanatili sa mukha.
"Ang weird ng mga tao dito." Aniya hindi man lang pinansin ang pang-aasar ko.

"Anong weird?" Sabi ko sabay ikot sa Van para makuha ang mga gamit namin, sumunod naman siya. "Cebu lang pinuntahan mo, Yanna hindi Mars." Pilosopong sabi ko.

"Hindi, kakaiba kasi 'yung ngiti nila sa'kin, tapos ang werdo pa ng sinabi ng Tita Madrid mo kanina. What is it? Ang mga kabataan talaga ngayon?" Palihim akong ngumiti, I know mama has something to do with this.

"Anong werdo doon?" Maang-maangan ko. Ngumiwi lang siya at bumuntong hininga. "Akin na bag ko." Aniya.

"Maleta mo." I corrected her, imbes ay ang back pack ko ang pinadala ko sa kanya.

"Ano 'yan?" Tanong niya nang e abot ko ang backpack ko.

"Ito dalhin mo, ako na magdadala ng maleta mo. Magaan lang 'to.... Madaam." Ngumiwi siya sa huli kong sinabi.

"Madaam mo mukha mo." Aniya sabay irap, sa huli ay tinanggap niya rin ang backpack ko. Ang sungit ng babaeng 'to may dalaw 'ata.

Marami ng nagbago sa bahay nila tita Madrid 'yon ang una kong napansin. Sa labas ng bahay nila ay maraming lalaking nakatambay na hindi ko kilala, siguro ay kapitbahay nila Tita Madrid. Ngingisi sila sa'kin tapos ay dederitso ang tingin at ngisi nila kay Yanna na nasa likod ko. Grabe naman makatitig ang mga ungas na'to, dukotin ko kaya mga mata nito!

Hinigit ko ang braso ni Yanna at hinawakan. Kunot noo naman niya akong tinignan.

"Bakit?" Clueless na aniya.

"Bilisan mo," masungit kong tugon. Ngumiwi lang siya sa'kin mabuti naman at hinayaan niya ang kamay ko sa braso niya.

"Khenzie!" Salubong sa'kin ni, Flyn nang makita niya akong pumasok sa bahay nila. Kung e kukumpara sa bahay namin sa Manila mas malaki ang bahay namin kesa sa bahay nila Flyn. Ang pinagkaiba lang ay umaabot ng tatlong palapag ang bahay nila.

"Flyn," niyakap niya ako bilang pagsalubong. Flyn is 5 years older than me and she's lika an ate to me, pero hindi ako sanay na tinatawag siyang ate. Sumunod din si, Fyel sa kanya, kapatid ni Flyn. Si Fyel naman ang kapareho ko ng edad.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now