CHAPTER 34

108 9 0
                                    

CHAPTER 34 |You Like Me?|

Two minutes na lang tapos na ang klase, mahigpit na ang hawak ko sa straps ng bag ko, bawat patak ng segundo ay tumatapik ang sapatos ko sa sahig. Handang handa na akong mag-ninja moves, ayos na ang gamit ko, para pag sinabi ng lecturer ang salitang dissmis, sibat agad ako.

Khenzhie demanded to talk to me, hindi ko pa kaya. Hindi ko pa siya kayang harapin. Hindi ko na tinangkang tignan pa si, Khenzie sa likod ko dahil natatakot akong salubongin na naman niya ang tingin ko.

"Dismiss," ang pinakahinihintay ko. Naghintay akong maka-alis si, ma'am sa room namin bago ako nagmamadaling umalis.

"Hey! What the empyerno, where are you going?" Napapikit ako ng mariin sa sigaw ni, Nicole sa'kin.

Malalaki at mabibilis ang hakbang ko habang tinatahak ang hagdanan pababa. Ni text ako ni, papa kanina, ang sabi niya ay hindi niya ako masusundo pero nagpadala naman daw siya ng driver.

"Yanna," nasa ground na ako nang marinig kong tinawag ni, Khenzhie ang pangalan ko. I pretended as if I did'nt hear him, nagpatuloy ako sa paglalakd sa mas mabilis na pace hanggang sa makapasok ako sa main building.

Pabor sa'kin ang main building dahil marami itong pasikot-sikot. Mas madali kong mawawala si, Khenzie.

He called me a couple of times pero hindi ako tumingin sa kanya.

Lumiko ako sa isang hallway at pumasok sa music room, at dahil hindi pa nakakaliko si, Khenzhie sa hallway ay hindi niya nakita ang pagpasok ko sa music room.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang sumandal ako sa pinto ng music room, siguro naman ay nawala ko na si, Khenzie.

Cyan Khenzhie naman eh! Mas lalo mo akong pinapahirapan!

Bukas, kakausapin ko na talaga siya tungkol dito. Nakahinga ako ng maluwag nang walang sumunod sa'kin sa music room. Mukhang nawala ko nga talaga si, Khenzie.

Hindi pa ako pwedeng lumabas sa music room, baka makita ako ni, Khenzie.

To kill time, pinasadahan ko ng tingin ang music room ng Trivino High, maaliit lang siya pero maluwag, puti ang ding ding at sa gitna nagkalat ang iba't ibang klase ng mga instruments, mula sa traditional upto modern instruments.

Napagod ako kakatakbo kaya minabuti kong upuan ang, upuan ng piano. Kinuha ko ang cellphone sa bag at ni-text ang driver na susundo sa'kin na matatagalan ako.

Taahimik ang music room, malamang ako lang mag-isa dito eh. Dahil walang magawa ay sinubukan kong tipaina ang keys ng piano, hindi naman ako marunong.

Minsan gusto ko ring kaltukan si, Khenzie. Bakit ba ang manhid niya? Hindi ba siya nag-iisip?

"Do, Re, Mi," ito lang alam ko eh, paki niyo?

"Fa, so, la, ~"

"There you are," marahan akong napapikit nang marinig ang boses ni, Khenzie sa likod ko. Tumigil ang kamay ko sa pagtipa ng piano, I bit my lower lip. Ramdam ko na ang dahan dahang paglakas ng tibok ng puso ko lalo na noong umupo siya sa tabi ko. The familiar scent of him immidiately attacked my sense of smell.

Pakiramdam ko ay nag stiff ang likod ko dahil sa pagkakaderitso nito, Khenzie's presence makes me feel a lot of foreign feelings. Hindi ko pa 'to naramdaman kailanman.

Reading stories makes me giggle, cry, laugh, feel anger and hystirical and so on. But this? This foreign feeling that I can't even describe whenever Khenzie's beside me is so, new. Feels like euphoria.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now